Chapter 48

6.6K 132 0
                                    

Alex P.O.V.

HINDI na kumibo si Jake simula ng lumabas si Ms Hart na siyang pinagtataka ko. Kapag kinaka-usap namin ay puro lang siya iling at tango, malimit sumagot. Naalerto ako ng tumayo si Jake.

"Where are you going?" tanong ko bago nagpunas ng bibig gamit ng table napkin. Bumaba ang tingin niya sa 'kin habang binubotenes ang tux niya.

"Comfort room lang. I'll be back soon," aniya.

Tumango ako at pinanood na umalis si Jake. Nakasunod ang mga tingin ko sa kanya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Ilang beses akong lumunok. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Kakaiba. Bakit? Anong meron para maramdaman ko 'to?! Dahil hindi ako mapakali, tumayo at lumakad palabas. I can't breathe properly. I need a fresh air.

Napangiti ako ng maliit ng makarating ako sa garden. May iilang bench doon kaya lumakad ako papunta sa isa at umupo. Tiningala ko ang magandang kalangitan. Madaming ulap pero makikita mo pa rin ang nagkikislapang bitwin. Hinanap ng mata ko ang north star. Humawak ako sa tiyan ko.

"Anak, I think I already have your name. Bagay sa 'yo ang North Polaris kung lalaki ka . . . tapos kung babae ka naman, hmmm." Napahawak ako sa baba ko. Ano bang pwedeng pambabae ng North Polaris. Nanlaki ang mata ko. "If you are a girl. I will name you Aurora Light," kwento ko.

May init akong naramdaman sa tiyan ko, parang may paruparung naglalaroo doon. Mas lalong lumawak ang ngiti ko.

"Gusto mo 'yon, anak?"

"Why are you alone here, pretty face?"

Napalingon ako sa nagsalita. I saw a man standing few meters away from me. Did I mention he is a good looking man? He is holding a whiskey. Tumayo ako bigla. He is handsome na malakas ang appeal. His eyes looks like ng kay Edward Cullen.

"H-ha?"

Tumawa ito ng mahina at tumingin sa kaliwa bago ibinalik ang tingin sa 'kin. Naglahjad siya ng kamay sa harapan ko.

"I'm Ellie Montenegro," pakilala niya. Tinanggap ko ang kamay niya.

"I'm Alexandra Anderson," pakilala ko sa sarili. Napatingin ako sa kamay na niya nang hindi pa niya binibitawan ang sa 'kin. Marahan kong banawi ang kamay ko.

"I'm sorry."

Inipit ko ang buhok ko sa likod ng tenga ko.

"Ahm . . . what are you doing out here?" pag-iiba ko ng topic.

"How about you? What are you doing here?" balik niyang tanong sa 'kin.

Bumalik ako sa pag-upo at tumingin sa city lights. Umihip ang isang malakas na hangin. Napayakap ako sa sarili ko.

"Nagpapahangin. Madami kasing tao sa loob," ani ko. Lumakad siya palapit sa 'kin at umupo siya sa tabi ko. "Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Nagkibitbalikat siya. I frowned, "what is that mean?"

"I really don't want to go here. I just needed to babysit my step-sister," tumawa siya ng pagak. "Can you imagine that? I'm babysitting a brat!" Inubos nito ang laman ng baso.

"Sino ba ang kapatid mo?" tanong ko.

"She's not my sister, a step-sister," madiin niyang sabi. Tumango ako.

"Okay, then who is your step-sister?"

"Me." Isang magandang babae ang sumagot sa tanong ko at lumingon kami doon. She's a blonde . . . and with J-Jake. Mabilis akong tumayo para layuan si Ellie, na ginawa rin ng lalaki.

"Victoria Madrigal," banggit ni Ellie sa pangalan ng babae. Kung kanina ay maloko si Allie, ngayon ay sobrang seryoso niya na.

"What's up, brother?" Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa. "Pretty, but still I'm gorgeous. I want to go home, mauuna na ako kung ayaw mo pang umuwi. Bahala ka sa buhay mo," anito at tumalikod para umalis. Narinig ko ang mahinang pagmumura ni Ellie at sinundan ang kapatid.

Naiwan kami ni Jake sa garden. Lumakad ako palapit sa kanya. Madilim kasi ang mukha ng lalaki. Kung nakakamatay lang ang tingin niya baka kanina pa bumulagta si Ellie.

Tumikhim ako nang hindi magsalita si Jake ng makalapit ako sa kanya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Anong ginagawa mo dito sa labas? Malamig, baka makasama sa inyo ng anak natin. And who is that?" sunod-sunod nitong tanong. Lumakad ako palapit sa kanya.

"Ano . . . si Ellie. Sinamahan niya lang ako kasi mag-isa ako dito," nakangusong sagot ko. Tumango si Jake at hinubad ang coat niya at pinatong sa balikat ko. Ipina-ikot niya sa braso sa bewang ko. Sabay kaming pumasok sa loob.

Sinalubong kami ni Ms. Hart sa pinto. Malawak akong ngumiti dito.

"Hi, Ms Hart," bati ko at nakipagbeso.

"Hi, Mrs Anderson. It's nice to finally meet you," aniya at tumingin sa asawa ko. "And who's with you?"

Hinawakan ko ang braso ni Jake na nakahawak sa bewang ko.

"This is my husband, Jake." Nilingon ko si Jake. "Jake, she is Ms Hart." Bumaba ang tingin ko sa kamay ni Jake ng maramdaman kong humigpit ang hawak niya sa bewang ko. Nakakuyom ang kamao nito.

"Ow. Don't call me Ms. Hart. Just call me, Katherine. You are so formal. Business partners' naman tayo," sabi pa nito at tinaas ang kamay sa harapan ng asawa ko. "Hi, Jake. Nice to meet you."

Hindi yata tatangapin ni Jake ang kamay niya kaya siniko ko siya ng mahina. Tumingin siya sa 'kin, sinenyasan ko siyang tanggapin ang kamay ni Katherine. It's nakakahiya. Walang nagawa si Jake at tinanggap ang kamay nito.

"Nice to meet you, too, but can you please excuse us? Buntis ang asawa ko at masama sa kanya ang magputa," malamig na sabi ni Jake. Hinila niya ako paalis ng lugar na 'yon, hindi pa ko nakakapagpaalam kay Katherine.

Inalis ko ang braso niyang nasa bewang ko ng makalabas kami ng party. Nauuna akong maglakad papunta sa may elevator, ngunit si Jake ang nagpindot ng button ng elevator. Sabay kaming pumasok sa loob ng bumukas iyon. Kaming dalawa lang ang nasa loob. Tahimik pa kami.

Pinag-krus ko sa harapan ng dibdib ko ang braso ko at inis siyang hinarap.

"What's happening to you, Jake? You're rude with her!" inis kong ani.

"First, I'm not rude with her. Second, nothing's happened to me. My head is just aching," malamig na sagot ni Jake.

Kumunot ang noo ko. "Anong hindi ka rude? Ang rude mo no'ng kausap natin siya pagkatapos hinila mo na ako nang hindi pa nakakapagpaalam sa kanya. Okay ka naman noong dumating tayo, are we back to square one?"

Nahihirapan siyang tumingin sa 'kin. "Please, Alex, please. Don't start with me. I don't want us to fight," madiin nitong sabi.

Sasagutin ko sana siya pero huminto na yung elevator at may puymasok na mag-asawang nakatingin sa 'min ni Jake. Inirapan ko ang asawa ko at tumingin sa harapan. Hindi ko kinikibo si Jake sa pag-aakalang susuyuin niya ko pero hindi.

Tsk. Bahala nga siya sa buhay niya. Nadaig pa niya akong buntis sa pagka-moody.

My Ex-Husband Is My New BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon