Chapter 42

7.4K 128 1
                                    

Alex P.O.V.

NAGKATINGINAN kami ni Jake. Tahimik kami. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Di talaga pwede, Jake? Until next-next month?" Nag-pout ako.

He frowned. "Why do I need to wait until next month kung pwede namang ngayon, 'di ba?" pamimilit niya.

"Ihh! Next month na. Ayoko this month, eh." Inirapan ko siya at kinuha ang pancake saka pumunta sa sala. Umupo ako sa pang-isahang couch at doon kumain. Nakapamewang na sumunod sa 'kin si Jake.

"Are you keeping a secret?"

"What the hell, Jake?! I want to eat my breakfast to be peaceful, so, stop being a nagger!" galit-galitan ko.

Nanlaki ang mata ng lalaki. "Me?! A nagger?! I just want us to go to the doctor so you can be checked. I want to know kung bakit hindi pa kita mabuntis-buntis! We're doing it almost every night, so why?!"

"I don't want to talk to yo. Pumasok ka na. Ayokong makita ka!" Padabog kong ibinaba ang plato sa may center table at nilagpasan siya. Pero bago pa ako makaalis ay nahawakan na niya ako sa braso.

"You're not going anywhere! We're talking about this now!" madiin niyang sabi.

Umirap ako at piniksi ang braso ko. "I don't want to. Shut up! Umalis ka na, Jake!" utos ko. Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa 'kin nang lumabas ako ng bahay. Dumeretso ako ng lakad papunta sa may gate.

Nakaka-inis siya! Hindi ba siya makapag-hintay ng isang buwan?! Anong hindi mabuntis-buntis?! Like, duh! Buntis na ako, thanks to him! Napahinto ako sa paglalakad at humawak sa tiyan ko.

"I'm sorry, baby. I just need to keep you a secret for now. Alam mo naman 'di ba? I want to surprise daddy kaya chill ka lang diyan sa tummy ko. Doon muna tayo sa condo ni Mommy uuwi, ah. Ayoko talagang makita ang pangit mong daddy!"

Nakalabas ako ng subdivision. Akma kong paparahin ang taxi na nakita ko ng maalalang wala akong dala kahit singkong duling. Lumapit ako sa guard house. Nagtataka silang tumingin sa 'kin.

"Hi, Kuya. Can I use your telephone? May tatawagan lang ako," tanong ko. Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa. Napapikit ako ng mariin. I'm just wearing a lose t-shirt and a boxers. "I'm Mrs. Anderson, I just need to call my friend."

Nang marinig nila ang apilido ko ay mabilis silang tumalima. Inabot nila sa 'kin ang telepono. Kinuha ko 'yon, ni-dial ko ang number ni Amelia. Kahit na nakatalikod sa kanila ay ramdam ko ang tingin nila sa 'kin.

"Hello, who's this?"

"Lia, this is Alex." Pasimple akong tumingin sa mga guard na nagbabantay at nakatingin sa 'kin.

"What the hell? Kaninong number ang gamit mo?"

"Sa guardhouse. I need a ride, but wala akong dalang money. Can you go here and take me? Please?" Tumingala ako para pigilin ang luha.

"What happened ba?" narinig ko ang kalansing ng bakal, ngumiti ako.

Huminga ako ng malalim. I can't really tell her here. Maririnig ako ng guards. I don't want to be the talk of the subdivision, hano.

"I will explain na lang later. But now I really need someone," hindi ko na napigilan ang pag-broke ng boses ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tumingin sa guard. "Dito na lang muna po ako, Kuya. Someone will catch me here."

Napakakmot sa ulo ang mga lalaki, ang isa sa kanila ay inabutan ako ng upuan. "Sige po, ma'am. Upo muna kayo."

Umupo ako at naghintay. I waited for thirty minutes at nakita ko na ang sasakyan ni Lia. Tumayo ako at lumakad palapit sa sasakyan. Hindi nag-park ng maayos si Lia at bumaba ng kotse. Nagmamadali siyang lumapit sa 'kin. Hinawakan niya ako sa braso, hinila payakap.

"Are you okay? What happened?" Humiwalay siya sa 'kin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Bakit ganyan lang ang suot mo? Pinalayas ka ba ni Jake?" sunod-sunod niyang tanong.

Umiling ako.

"Let's go, Amelia. Ipapaliwanag ko sa 'yo sa daan, please."

Tumango siya at niyakap ako ulit bago hinila paalis ng lugar na 'yon. Inalalayan niya akong makarating sa kotse niya. Pinasakay niya ako sa passenger seat at siya naman sa driver seat. Minaniorbra niya ang kotse paalis. From the side mirror, I look at subdivision's gate na paliit nang paliit.

******

"NOW, talk."

Huminga ako ng malalim. Nasa malayo na kasi kami kaya nagtatanong na siya. Nilingon ko ito na ngayon ay deretso ang tingin sa daan.

"I'm pregnan," bulong ko.

Gulat siyang napalingon sa 'kin. Nanlaki ang mga mata niya. Hinahanap ang katotohanan sa mga mata ko. Dahan-dahan akong tumango.

"CONGRATS!! My God!! Kaya pala kaka-iba ang mood swings mo!" sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. "Alam na ba niya? Mas okay 'yan, 'di ba? You don't need to be annulled kasi you both having a baby," she added.

Doon ako nalungkot. "Hindi pa niya alam. Kaya nga ako umalis sa 'min kasi pinipilit niyang magpa-check up kami. Eh, I'm planning to surprise him to his birthday."

Isinandal ko ang noo ko sa may bintana at tumingin sa labas.

"Ha? Yun lang, Alex? Baka naman si Jake na ang napapaglihan mo?" aniya.

Napalingon ako sa kanya. "Napapaglihihan?" balik tanong ko.

Tumango siya. "Oo. Sinasabi sa 'kin ni Papa 'yan. Noong pinagbubuntis daw ako Ni mama siya daw ang napaglihihan kaya madalas silang nag-aaway. Madalas daw na galit sa kanya at minsan sweet, gano'n," pagkwe-kwento nito.

Nagkibit balikat ako. "I don't really know. This is my first time at wala pa naman akong pinagsasabihan bukod sa 'yo and Abby. Isang beses pa lang din akong nagpunta sa doctor just to confirm lang if I'm really pregnant."

Nanlaki ang mata ko nang biglang nag-break si Lia. Mahigpit akong humawak sa seatbelt kong suot. Nilingon ko si Amelia.

"Hey!! Are you out of your mind?!"

Nilingon niya ako. "Seryoso ka ba?! We need to go to a doctor! Hindi mo ba alam na dapat may vitamins kang iniinom?!"

Ngumuso ako. Wala namang nasabi sa 'kin yung doctor. Paanong may sasabihin, eh, bigla ka na lang umalis.

Well, kung hindi ko pa nasasabi, Amelia is a doctor. Heart surgeon.

"Eh, kasi naman, eh—" Hind ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"I won't accept any reasons. Pupunta tayo sa kakilala kong OB, and you can't say no!" final niyang sabi saka nagmaneho na ulit dahil nag-cause na kami ng mini-traffic. Binubusinahan na rin kami sa likod.

Mukhang wala na rin namang magagawa kung aayaw ako kaya hindi na ako kumibo. Tama naman din siya kahit papaano.

"Sa condo mo ko iwui pagkatapos natin sa hospital." Hindi ko na nagawang lumingon dahil nakaramdam ako ng antok. Pumikit ako.

Naramdaman ko ang pag-tapik sa balikat ko. Dumilat ako at lumingon sa tabi ko.

"W-why?" antoko kong tanong.

"We're here. Let's go," yakag niya.

Nag-pout ako at binuksan ang pinto sa side ko. Lumabas ako. Nilibot ko ang tingin sa buong lugar. We're outside of the hospital. Nilingon ko si Lia na nakalingon sa 'kin. 

My Ex-Husband Is My New BossWhere stories live. Discover now