Chapter 35

7.5K 134 0
                                    

Alex P.O.V.

MADILIM na ng maka-uwi ako sa bahay. Ang paalam ko pa naman kay Abby ay sandali lang ako. Lobatt pa yung phone ko. Tumingala ako sa bahay. Sarado na ang mga ilaw. Pumasok ako sa loob ng gate at marahang sinarado iyon. Dinner pa lang pero bakit nakapatay na ang mga ilaw?

Pumasok ako sa loob ng bahay. Tumuloy ako sa kusina para uminom. Binuksan ko ang red para kumuha ng malamig na tubig pero bago 'yon at tinakpan ko muna ang ilong ko. Nakahinga ako ng maluwag na walang pizza doon. Kinuha ko ang pitcher at nagsalin sa baso. Nilibot ko ang tingin ko.

Where is Abby?

Pagkatapos uminom ay pumunta ako sa maids quarter. Kinatok ko ang pintuan, nang walang sumagot ay binuksan ko 'to at sumilip sa loob. Nakita ko si Abby na nakahiga sa kama. Tulog na tulog. Dahan-dahan kong sinarado ulit ang pinto at pumanik sa kwarto namin. Masyadong napagod ang bata sa paglilinis ng bahay.

Nang makapasok sa kwarto ay may dala rin akong isang photo album. Nagagay ako ng picture doon. Dalawang copy ng ultrasound ang piangawa ko sa doctor. Yes, ultrasound because I'm pregnant!

I'm six weeks preggy! I'm really happy nang kompirmahin ng doctor kanina na buntis nga daw ako. Jusko, ang saya ko! Magkaka-baby na kami ni Jake! Nagpasya akong huwag munang sabihin kay Jake ang bagay na 'to. Next month na lang, dahil next month ay birthday din niya.

Kaya pala noong nakaraang araw ay naging maantukin ako at matakaw. Madalas ay gusto kong inaamoy-amoy si Jake at titigan siya.

Itinabi kong mabuti ang photo album. Baka kasi mamaya ay makita 'yon ni Jake at mabulilyaso ang plano ko. Pumasok ako sa walk-in-close at binuksan ang isang drawe na walang kama. Hindi iyon mapapansin ni Jake. Kumuha na rin ako ng damit ko at lumabas na.

It's seven-thirty na pala. Hinintay ko si Jake para kumain. Humiga ako sa kama at binuksan ang TV. Nanuod muna ako hanggang sa hilahin ako ng antok.

****

NAGISING ako na madilim na ang paligid. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa silid. Binuksan ko ang lampshade sa gilid at umupo. Tiningnan ko ang orasan sa side table. Two am na. Nilingon ko ang tabi ko. Wala pa rin si Jake? Hindi gulo ang bahaging 'yon ng kama ay halatang hindi do'n natulog ang asawa ko.

Bumangon ako at lumakad palabas ng kwarto. Nakapatay na rin ang lahat ng ilaw sa kabahayan. Lampshades na lang ang bukas. Bumaba ako sa sa kusina. Doon ko naabutan si Jake, nakatalikod siya sa 'kin at uminom. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya sa likod. Napa-igtad naman ito at lumingon sa 'kin.

Mukha siyang nakahinga ng maluwag ng makita ako. Humarap siya sa 'kin at niyakap ako. Sumiksik siya sa leeg ko.

"Bakit hindi ka pa natutulog, hubby? Kumain ka na ba?" tanong ko. Nag-angat siya ng tingin sa 'kin.

"Nagpapaanok lang ako, wife. Bakit gising ka pa?" Akmang iinom ulit siya ng alak ng kuhanin ko na ito. Napatingin ako sa bote na nakapatong sa lamesa. Kalahati na 'yon kaya siguradong may tama na rin si Jake.

"Halika na sa itaas. Magpalit na ng damit para makapagpahinga. I know you're tired," malambing niyang ani. Hinila ko siya patayo. Medyo mabuwal-buwal pa ito kaya napa-iling na lang ako. "Bakit kaylangan mo pang magpa-antok? May problem aba?" nag-aalalang tanong ko pero umiling lang siya.

About ba sa merging ng companies ang problema? May nangyari bang masama?

Hindi ako sinagot ni Jake hanggang sa makarating kami sa kwarto namin.

Hiniga ko siya sa kama at inumpisahang alisan siya ng damit. Sinunod ko naman ang sapatos niya at medyas. Ngayon ay naka-boxers na lang siya. Pumasok ako sa banyo at kumuha ng planggana at bimpo. Maligamgam na tubig na hinaluan ng alcohol ang laman para malinis ko ang katawan niya.

Habang pinupunasan ko si Jake ay napansin ko ang pulang marka sa leeg niya. Parang kagat ng insento. Pinunasan ko 'yon at tiningnan kung maalis pero hindi. Naawa naman ako sa asawa ko. Siguro ay nilamok na siya kanina habang umiinom. Hays.

Napa-iling ako at bumaba sa dibdib niya ang pagpupunas hanggang sa matapos ako. Ibinalik ko ang planggana at bimpo sa banyo. Binuksan ko ang aircon at tumabi ng higa kay Jake. Tumalikod ng higa sa kanya at bumalik sa pagtulog.

*****

HINAHALUKAY na sikmura ang gumising sa 'kin kinabukasan. Mabilis kong tinakbo ang pagitan ng banyo at kama. Lumuhod ako sa tiles at sumuka sa toilet. Nanginginig ang buong katawan ko sa duration na 'yon. Grabeng panghihina ang nararamdaman ko lalo na't wala naman akong masyadong kinain kagabi. Napa-upo ako at sumandal sa salamin ng shower room.

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang likod ng palad ko.

Morning sickness is sucks! Napahawak ako sa tummy ko.

"Baby, naririnig mo ba si mommy? Wag mo naman akong pahirapan. Sorry na. Ipapakilala naman kita sa daddy mo—surprise nga lang. Don't worry, mahal na mahal ka namin," pagka-usap ko sa kanya bago hinimas-himas ang tiyan ko. Tumayo ako at nagmumug. Nagtuloy na ako sa shower room para maligo.

Paglabas ko ng banyo ay dumeretso ako sa walk-in-closet. Napatigil ako ng mapansin ang suot na damit ni Jake kagabi. Inabot ko 'yon sa laundry basket at tiningnan ang coat niya. May stain kasi.

Kumunot ang noo ko. "Bakit natapunan ng wine," bulong ko sa sarili dahil kulay pula iyon. Sinubukan kong alisin pero hindi naman natanggal. Binalik ko na 'yon sa basket. Inabot ko ang lotion at nag-umpisang magpahid sa katawan. Napatingin ako sa cellphone ko ng mag-ring 'yon.

"Hello, is this Mrs. Anderson?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Yes, who's this?" Tinigil ko ang paglo-lotion. Umupo ako ng maayos. Nilagay ko sa kabilang tenga ko ang phone.

"Ma'am, did you receive the invitation we give?" tanong ng lalaki. Kumunot sandali ang noo ko. Naalala ko ang invitation. Tumayo ako at lumapit sa bag ko. Binuklat ko 'yon gamit ang isang kamay at inilabas ang invitation.

"Yes. And who's this?"

"I'm Attorney Mangahas. The invitation you receive is for Ms. Hart's party. It's a welcome party at iniimbitahan ka niya kasama ang asawa mo. And we also heard about the merging of two companies." Napatango ako. Hindi ko man lang nakilala ang boses niya. "The party is next week. You should come because you are her new business partner."

"Okay, Attorney. Thank you for reminding me." Ibinaba ko ang tawag at binasa ang invitation.

Walang nakalagay na venue kung saan. Inangat ko ulit ang phone ko pata tawagan ulit si Attorney nang may mag-pop na message.

09*********

Lightning City. 7'clock sharp.

Nang mabasa ko 'yon ay hindi ko na tinuloy ang pagtawag sa kanya. Tiningnan ko ang orasan. It's eight o'clock na pala pero wala na si Jake sa kama. Naghikab ako bago lumabas pagkabihis ko.

Nasa second floor pa lang ako ay naamoy ko na agad ang masangsang na amoy na 'yon. Nakatakip ako ng ilong na bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay.

"Abby?! Abby?!" galit kong tawag sa dalaga. Nasa labas na ako at huminga ng malalim. Narinig ko naman agad ang yabag nito.

"Bakit po, Ate?" nag-aalalang tanong nito habang nakasilip sa pinto.

My Ex-Husband Is My New BossWhere stories live. Discover now