PROLOGUE

1K 28 3
                                    

PROLOGUE


“LAYTINA, maiwan ka dito.” saad ng professor naming si Sir Fernandez.

Ano na namang ginawa ko? Bakit lagi na lang akong pinapatawag ni Sir? Bakit ako na lang palagi?

“Bessi, balitaan mo ako bukas ha? Ingat ka d’yan kay Sir Fernandez.” biglang bulong sa akin ng bestfriend kong si Daphne.

Bahala na!

“Tse! Pahamak ka naman. Umuwi ka na nga.” inis na bulong ko dito at kinurit pa ito sa may baywang.

Napa-daing naman siya at tatawa-tawang umalis ng klasrum namin. Bwis*t! Ako na lang palagi napapansin nitong si Sir Fernandez.

“Miss Knight, come here.” tawag sa akin ni Sir Fernandez kaya naman agad akong lumapit sa kaniya.

“Bakit po, Sir?” tanong ko dito ng makalapit sa kaniya. Hindi naman agad siya nagsalita kaya nagtaka ako. Ano ba kasing kailangan niya sa akin?

Tumayo naman ito at mabilis akong hinapit sa baywang na ikinagulat ko. What the?!

“I'm jealous.”

Nagulat ako ng marinig ang sinabi niya. Anong jealous? Nasisiraan na ba siya? Siya raw si Jealous? Kailan pa siya naging si Jealous? Jealous Fernandez yarn?

“Sir, h-hindi naman Jealous ang pangalan mo, hindi ba? P-Paano po naging Jealous?” tanong ko na ikina-kunot ng noo niya. Huh? Sabi niya kasi ‘I’m Jealous.’. Oh so, siya si Jealous?

“I’m serious, Miss Knight. Don’t make me fool. ” sabi pa nito kaya nagulat ako. Hala! Serious naman ang name niya. Paiba-iba pala ng pangalan itong si Sir Fernandez. Kakaiba siya.

“Mukha namang wala na kayong sasabihin sa akin bukod sa pangalan ninyong paiba-iba, hindi ba? Puwede na po ba akong umuwi?” sabi ko dahil hindi ko na kinakaya ang paglalapit ng aming katawan. Akmang aalis na ako ng bigla niyang sinakop ang mga labi ko na aking ikina-gulat.

What the?! What are you doing, Sir Fernandez?

You’re mine.” bulong sa akin ni Sir Fernandez atsaka ako nginisihan at iniwang tulala.

What was that?

---

revised.

Prankstertein

Pregnant By My Handsome Professor (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon