Chapter 2 Tired of being Alone

246 2 11
                                    

 Soundtrack for this Chapter: Love Song for No One by John Mayer (click multimedia to listen)

Walking distance lang ang apartment ko papunta sa school at daily routine ko ang maglakad at hindi ma-istress sa siksikan na mrt o lrt o kaya sa traffic sa kalsada. As much as possible umiiwas ako sa mga stressful events dahil it’s bad for my complexion.

Ano ba tong laman ng ipod ko bakit puro love songs? Si Jaymee!

Si Jaymee ang aking pinsan na nag-aaral din sa school ko at engineering din ang kinukuha. We’re of the same age at kahit kulang sa height ang pinsan kong iyon, halata na kamag-anak ko siya dahil parehas kaming may good looks.

Irregular student si Jaymee, dapat parehas na kaming ga-graduate ngayong taon kaso bagsak ang tatlo niyang subjects kaya kailangan niyang ulitin.

Nakakairita ang kantang Love Song for No One ni John Mayer na nasa playlist ng ipod ko. Parang patama sa akin ang kantang yun na may lyrics na I’m tired of being alone. Sarap itapon sa kanal kasama ng nakakairita kong pinsan na pinipilit akong i-date yung kaibigan niyang mukhang criminal.

Si Jaymee ang umaasikaso ng love life ko. Akala niya kasi bakla ako dahil wala akong girlfriend. Kaya pinilit niya akong i-date ang mga kakilala niya. Nung una, magaganda yung nirerecommend niya sa akin, hanggang sa hindi pa rin ako makapili at palala na ng palala ang binibigay niya sa aking babae. Yung pinaka-last eh yung kaibigan niyang hindi mo malaman kung member ng sputnik o ex-convict dahil puno ng tattoo ang buong katawan. Sabi ni Jaymee, artist daw yun, Fine arts student.

Hindi niya kasi alam kung ano ang type ko eh kahit nga ako hindi ko alam ang type ko. Pakialamera kasi yung bubuwit na yun. Ako na ang bahala sa sarili kong love life.

Sa tapat ng gate ng campus, naging emosyunal ako. Habang nakatayo ako sa gitna na hinaharangan ang mga estudyanteng dumadaan, wala akong pakialam kung mabunggo man nila ako, tinitigan ko ang gate. I’ve spent five years na lumalabas at pumapasok sa gate na iyon. Five years akong nagdusa sa calculus at sa mahihirap na subjects. Nandito lahat ng luha, tuwa, halakhak, good memories and bad memories of my life.

Sa gitna ng emosyonal kong talampati, biglang may bumunggo sa akin na muntik ng ikasubsob ng mukha ko. The next thing I knew, nakahandusay na ako sa kalsada.

Pero hindi ko ininda iyon dahil may isang anghel na bumaba sa langit. Siya ang ipinadala ni Lord para magbigay ng kilig sa akin. Ang babaeng bumunggo sa akin ang babaeng magiging ina ng aking mga cute na anak. Siya na nga ang babaeng gusto kong pakasalan at makasama habang buhay.

“Sir, okey lang po kayo?” tanong ng guard habang nakahandusay ako sa tapat ng gate.

Bigla akong tumayo at dali-daling pumasok sa gate na patay malisya at kunyari hindi napahiya. Teka, di man lang nag-sorry yung nakabunggo sa akin? Salbaheng bata!

Dumeretso ako agad sa meeting place namin ni Deo, ang aking best friend since high school. Si Deo ay ang aking twin brother that I never had. Magka-age kami, parehas kaming magaling sa math, parehas kami ng course, parehas kaming mahilig sa online games, parehas kaming single basta, halos parehas kami sa maraming bagay.

“Pare!” tawag ko sa kanya habang nakaupo sa isang bench sa may round table.

“Pare!”

“Pare ano? Laro tayo mamaya after ng class?” Tanong ko sa kanya.

“Ayoko pare.” Sagot niya ng walang kagana-gana.

“Wala kang pera? Sige, libre ko!”

“Hindi Con, ayoko na.” Nasabi niya ng mahinahon dahil ayaw niyang masaktan ako.

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon