Chapter 1 In the Line

780 6 7
                                    

Thank you for voting Ms. Caichaela... :)

Soundtrack for this Chapter: Semi Charmed Life by Third Eye Blind (click multimedia to listen)

Sa ingay ng alarm clock, pahiwatig na pala iyon na nagsimula na ang umaga. Ang hirap gumising ng alas-6 ng umaga kung natulog ka ng alas-3 ng madaling araw dahil sa hindi mapigilang pagdo-dota.

Oo nga pala, first day of school ngayon!

This would be the first semester sa last year ko sa college. After almost five years, ga-graduate na ako!

Bakit five years? Relax! Hindi dahil sa tanga ako kaya five years ako nag-stay sa college. Engineering ang kinuha ko at usually five years ang kailangan kong punuin para makakuha ako ng diploma.

Pangarap ko kasi talagang sumunod sa yapak ng daddy ko na isa ding engineer na nasa Cebu ngayon dahil nandun ang project nila. Doon nakatira ang parents ko, samantalang nandito ako sa Maynila para mag-aral.

Masarap ang buhay independent. May sarili akong apartment, may monthly allowance at may kalayaan gawin lahat ng nais kong gawin. Kahit magpa-party ako ngayon okay lang dahil walang nangigialam ng buhay ko. Kaso hindi ako ma-party.

Ang hilig ko lang talaga ay computer games, books, math ….iyon lang. Nerd ang tawag nila sa akin. Pero hindi ako yung tipong may braces, may glasses, yung typical na geek. I’m a hot geek!

Well, hindi naman sa mayabang ako, but it’s true, I mean it’s true na gwapo ako. Maraming nakapagsabi na ako nga daw ang definition ng salitang gwapo. Sabi ng salamin at ng mga kababaihan sa campus. Ako nga daw ang dream guy nila. Bukod kasi sa looks ko, I’m also a dean’s lister.

Halos nakapila ang mga babaeng humihingi ng atensyon ko pero hindi ko kaya mag-girlfriend sa ngayon, bukod kasi sa busy ako sa studies, I’m also the president of Civil Engineering Society, editor-in-chief ng school paper, I also represent the school para sa campus pageant, at dati rin akong part ng varsity. Sa dami ng activities ko sa school, kulang na lang, ako na maging Dean.

Overachiever, yan ang middle name ko. Kaya wala akong oras para sa mga babae and that’s a good thing dahil priority ko ang pagiging overachiever ko.

Kung gugustuhin ko, mabilis akong makakuha ng girlfriend. Isang kindat ko lang sa mga kababaihan sa school, nahihimatay na sila. Kaso, puso at isip ko na rin ang nagsabi na, sorry na lang mga girls, hanggang pila na lang muna kayo.

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon