Chapter 15

11K 145 30
                                    

My Fake Wife
By: CatchMe

Chapter 15


NAKANGITING lumabas ng elevator si Izabelle. Nasa Golden Crown Hotel siya para bisitahin ang kanyang pekeng asawa.

​"Good morning," masayang bati niya sa mga empleyado ng binata na nakasunod ang mga tingin sa kanya.

Bumati rin ang mga ito sa kanya na nginitian naman niya. Akma na sana siyang pumasok sa private office ng binata ng harangan siya ni James.

​"Excuse me po, Ma'am. May appointment po ba kayo kay Mr. Calsado?" magalang na tanong nito.

​"Wala, bibisitahin ko lang naman siya. Sandali lang ako," sagot niya.

​"Sorry po, Ma'am. Busy po kasi si Sir at hindi pwedeng istorbohin. Lalo na at wala naman kayong appointment sa kanya."

​Diyos ko!, sambit ng isip niya.

Ganito pala kahigpit ang mga tauhan ng peke niyang asawa? Kailangan pa pala ng appointment bago papasukin sa loob?

​"Ahm, excuse me," aniyang naglinis nang bara sa lalamunan. "Asawa ako ng boss mo, kailangan ko pa rin ba na mag pa-set ng appointment bago papasukin sa kanyang opisina?" pagpatuloy niya at binigyan niya ito nang matamis na ngiti, dahilan nang pagbubulong-bulongan ng mga empleyado sa paligid.

Habang ang kaharap niyang binata ay napataas ang isang kilay sa kanya. Kaya nakaramdam siya nang inis dito. "Bakit? Hindi ba kayo naniniwalang asawa ako ng may-ari ng hotel na ito?" Pigil ang inis na lingon niya sa lahat. "At ikaw, 'pag hindi mo pa ako pinapasok sa opisina ng asawa ko ipapatanggal kita dito," pananakot pa niya, pero wa-epek yata ang ang pananakot niya dahil hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito.

​Samantalang mas lalong lumakas naman ang bulong-bulongan sa paligid.

Aba! Ayaw yatang maniwala na asawa ako ng boss nila 'ah. Teka nga!

Napabuga ng hangin at inis niyang kinuha ang kanyang cellphone na agad idinayal ang number ng binata.

BUSY sa binabasang papeles si Carmilo kaya't hindi niya pinansin ang kanina pang pag-vibrate ng kanyang cellphone.

Hanggang sa maagaw ang kanyang pansin ng ingay na nagmumula sa labas ng kanyang pribadong opisina. At kailan pa natotong mag-eskandalo ang kanyang mga empleyado sa hotel?

Inis na ibinagsak niya ang hawak na papeles at marahas na tumayo para lumabas.

"What the hell is going on here?" mataas ang boses na tanong niya na ikinatahimik ng lahat.

​Biglang nagsalubong ang kanyang mga kilay na mapatingin sa dalaga na pilit pinipigilan ni James para hindi makapasok sa kanyang opisina.

"Honey, 'yung empleyado mo kasi ayaw akong papasukin sa loob," sumbong nito na lumapit sa kanya at humawak pa sa kanyang braso.

Nanlaki naman ang mga mata ng kanyang mga empleyado na nakatingin sa kanilang dalawa.

Shit!

Napamurang hila niya sa dalaga papasok sa kanyang opisina.

​"Ano ba ang problema mo at nag-eskandalo ka sa labas?" agad niyang litanya rito.

​"Paano kasi, ayaw nila akong papasukin. 'Tsaka ayaw pa nilang maniwala na asawa mo ako."

​"Gezz! Talagang feel na feel mo na mag-asawa tayo ano?" nakapamewang na tanong niya.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon