Chapter 5

15.7K 139 2
                                    

My Fake Wife
By: CatchMe

Chapter 5





NAPABALING sa kaliwa niyang bahagi si Carmilo nang marinig ang may kalakasang sigaw ng isang babae. Nakaramdam siya nang inis dahil iniistorbo nito ang kanyang pagbabalik-tanaw. "Who's that witch?" tanong niya sa sarili.

Nang tumahimik ito ay humakbang siya paalis sa kanyang kinatatayuan. Uuwi na lamang siya sa kanyang bahay para makapagpahinga. Ngunit muli niyang narinig ang sigaw nito.

"Anthony! Alagaan mo ang kakambal ko! Mahal na mahal ko 'yan kahit sinaktan ninyo ako!"

Napahinto siya ng marinig ang huling sinabi nito. "How could she say that word?" mahinang sambit niya sa sarili.

Okay lang dito na nasasaktan ito para sa kakambal daw umano nito? That crap!

Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses. Nakita niya ang babaeng nakatayo at nakatingala sa langit. Itinaas pa nito ang dalawang kamay at bigla siyang nakaramdam nang pagkabahala. Hindi siya nag-aksaya ng segundo. Tinakbo niya ito at agad na niyakap sa baywang nang malapitan. Sabay pa silang natumba sa damuhan dahil sa lakas nang pagpigil niya dito kaya't nawalan siya nang balanse.

"What do you think you're doing, huh?" pagalit na tanong niya sa nabiglang dalaga. Nakaawang ang labi nitong nakatitig sa kanyang mukha. Nagsalubong ang kanyang mga kilay nito nang hindi ito nakapagsalita. 'Tsaka niya na-realized na nasa ibabaw pala siya nito. "Damn!" sambit niyang mabilis na bumangon. Hinila niya sa kamay ang dalaga at tinulungang maka-tayo. "Magpapakamatay ka ba?" muling tanong niya dito. Ngunit wala siyang narinig na sagot. Ilang sandali pa ay mahinang tumawa ito, tawang nauwi sa matinis nitong halakhak. Napailing na lamang siya at tinalikuran ito. "She's crazy!" ani niyang lumakad patungo sa kanyang sasakyan.

"Hey!"

Napahinto siya ng marinig ang boses nito.

"Sino ba nagsabi sa iyong magpapakamatay ako, ha?" tanong nito at muling tumawa. Hindi na lamang niya ito pinansin at itinuloy ang paglakad. Ngunit patakbong hinabol siya nito at hinawakan sa kamay. "Since naging mabait ka naman, here. Sa'yo na lang ang isa," abot nito sa isang bote ng San Mig Light. Tiningnan lamang niya iyon. Hanggang sa tumaas ang paningin niya sa mukha ng dalaga. Nagsalubong ang kanyang mga kilay ng mamukhaan ito.

"Ikaw?"

"Ako?" turo nito sa sarili. "Kilala mo ako?" ulit pa nitong natatawa. "Wow! May fan pala ako 'eh. Salamat ha? Ito, kunin mo na 'uh. Huwag ka nang mahiya, malinis 'yan," abot nito muli sa bote ng San Mig Light at muling tumawa.

"Nevermind. I don't need it," sagot niyang tinalikuran muli ito ngunit nahawakan siya nito sa kamay kaya napaharap siya sa dalaga na halatang lasing na.

"He-y, don't you want to join me? Inistorbo mo na nga ako tapos-"

"Shit!" napamura siya nang bigla na lamang itong matumba. Buti nalang at mabilis siya, kaya nasalo niya ito bago pa man bumagsak sa lupa.

"Hey," pukaw niya dito na mahinang tumawa lang.

Inalalayan niya ito papunta sa kanyang kotse. Hindi pa man sila nakarating sa kotse ay napadighay ito sabay suka sa kanyang damit. Muli siyang napamura at bumalatay sa kanyang mukha ang pagkainis sa babaeng kanyang inaalalayan. Kung hindi lang sana siya nakokonsensya ay kanina pa niya ito iniwan. Hanggang sa ipinangko na lamang niya ito at isinakay sa kanyang kotse.

MASAKIT ang ulo ni Izabelle nang magising kinaumagahan.Nagmulat siya ng kanyang mata at napapikit uli nang masilaw sa sikat ng araw. Nagsalubong ang kanyang kilay nang mapansin na hindi pamilyar sa kanya ang paligid.

"Nasaan ako?" tanong niyang pinaikot ang paningin sa kabuoan ng kwarto. Malaki iyon at kulay rosas ang pintura. Merong malalaking kabinet sa gilid at may malaking wall mirror sa kabila. Sa gilid ng kama ay may maliit na mesa. Merong nakapatong na mamahaling vase at may fresh flowers pa. Sa kabila naman ay nakita niya ang maliit na mesa kung saan nakapatong ang kanyang bag. Napabalikwas siya nang bangon at pilit na inalala ang nangyari kagabi. "Oh my god!" bulalas niyang napatakip sa sariling labi.

Mabilis siyang bumaba sa kama at kinuha ang kanyang bag. Agad niyang tinungo ang pinto. Akma na sana niyang hawakan ang seradora nang bigla naman iyong bumukas. Iniluwa nito ang napaka-dagdag pangang nilalang.

"Buti at gising kana."

"G-good morning mister--- Ikaw?" napamulagat ang matang saad niya na itinuro pa ang binata.

Ang binatang nakabanggaan niya kahapon at ininsulto. Nakaramdam tuloy siya nang hiya dito dahil sa inasal niya kahapon. Hindi niya akalain na ito pa pala ang tutulong sa kanya at dinala pa siya sa bahay nito.

For God's sake!

Kung ibang tao lang siguro ang nakapulot sa kanya tiyak na ginahasa na siya sa gilid ng daan. But this guy, na tinarayan niya kahapon ay siya pa palang may puso na tumulong sa kanya?

Great!

"Yes, ako nga, kung tapos ka nang mag-ayos ng sarili mo baka pwedeng isabay na kita palabas dito. You know, I'm a very busy person at late na ako sa trabaho ko."

"Naku, pasensya ka na ha? Okay na ako, sasabay nalang ako sa'yo para makauwi na rin ako," nahihiyang sagot niya dito. Sumunod siya sa likod ng binata nang tumalikod ito sa kanya. Humantong sila sa dining room at nakaramdam siya nang gutom nang maamoy ang bagong luto na ham.

"You can have your breakfast first, we can leave when you're done."

"Ha? Ahm, huwag nalang sa bahay nalang ako kakain," nahihiyang tanggi niya.

"Alam kong gutom ka, kaya kumain ka na. Huwag ka nang mahiya, dahil wala naman 'yang bayad."

Inis na tiningnan niya ang binatang nakaupo na sa dulo ng mesa. Uminom ito ng mainit na kape at nagbasa ng diyaryo na nakapatong doon.

"Well, masama daw tanggihan ang grasya kaya thank you nang marami Mr.-?" nagtatanong ang matang kinuha niya ang atensyon nito. Ngunit hindi siya nito tinapunan ng tingin na nagpatuloy lamang sa binabasa nitong diyaryo. "Perfect!" aniya na naupo na rin sa bakanteng silya.

Kumuha siya ng kanin at ham. Agad niya iyong isinubo dahil nakaramdam narin siya ng gutom. Hindi naman niya pinansin ang katabing binata dahil busy naman ito sa binabasa nito. Kaya ibinuhos na lamang niya ang atensyon sa masarap na pagkaing nakahain sa mesa.

"Burp!" napatakip siya sa kanyang bibig at nag-iinit ang pisnging napayuko nang tapunan siya nito ng tingin. "Sorry.." kagat-labing anas niya na uminom ng orange juice.

Ilang sandali pa ay ibinaba ng binata ang hawak na diyaryo. "Kung tapos ka na ay aalis na tayo. Masyado na akong late dahil sa'yo."

Tumango siya dito at tumayo na rin. Iniligpit niya ang kanilang pinagkainan at dinala sa lababo. Panaka-naka'y sinusulyapan niya ang binatang nakatayo sa sliding glass window nang sagutin nito ang pag-ring ng cellphone nito.

Matapos iligpit ang mesa ay kinuha na niya ang kanyang bag. Pinasadahan muna niya ng tingin ang paligid at humakbang malapit sa sliding glass window kung saan nakatayo ang binata. Napa wow siya nang matuklasang over-looking-view pala ang bahaging 'yun. Kitang-kita niya ang kabuoan ng paligid mula sa kanilang kinatatayuan. Napahakbang pa siya sa kabila at muling napa-wow ng makita ang malinaw na swimming pool. "Ganito kayaman si Mr. Perfect?" mahinang bulalas niya sa sarili. Napadukwang pa siya sa bintana nang maramdaman ang malaking kamay nito sa kanyang braso.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon