Chapter 21

11.6K 267 3
                                    

My Fake Wife
By: CatchMe

Chapter 21


PANAY ang tingin ni Carmilo sa suot niyang wrist watch. Nayayamot na siya dahil sa sobrang bagal nang takbo ng oras. Ten o'clock pa lamang ng umaga at gustong-gusto na niyang makauwi agad para makita si Izabelle.

Napangiti pa siya nang maalala ang nangyari sa kanilang dalawa kagabi. And he was glad that he's the first man who entered on Izabelle's life. He admit it, knowing that Izabelle's still a virgin at the age of twenty five was the precious gift he'd ever received in his entire life.

​"Izabelle.." paanas niyang sambit na sinabayan nang pagbuntong hininga.

Napahawak pa siya sa kanyang baba habang nakaupo sa kanyang swivel chair. Hindi niya alam kung anong nangyari sa kanyang sarili. Basta sa mga oras na iyon ay gustong-gusto na niyang makita at madama ang malambot na katawan ng dalaga.

​Ang mabangong katawan nito na magpahanggang ngayon ay tila hindi pa rin nawawala sa kanyang pang-amoy ang bango nito. At ang yakap nito, na siyang nagpapainit sa kanya tuwing naiisip ang nangyari sa pagitan nilang dalawa kagabi.

​"Damn!" mahinang mura niya na napatayo sa kinauupoang swivel chair.

​Kailangan niyang makita muli si Izabelle. Baliw man kung isipin dahil kakahiwalay lang nila kaninang umaga ay wala siyang pakialam.

Ang alam lang niya sa ngayon ay kailangan na niyang umuwi para masilayan ito. Kaya hindi na siya nag aksaya pa ng panahon. Agad niyang inayos ang kanyang gamit at nilisan ang opisina.

NABIGLA si Izabelle nang mula sa kanyang pagkakatalikod ay may matipunong mga brasong yumakap sa kanyang baywang. Kasunod niyon ay ang pagdampi ng mainit na labi sa kanyang batok dahilan ng panayuan siya ng balahibo sa katawan.

​"C-Carmilo-" hindi na niya naituloy ang sasabihin nang lingunin niya ito at sinalubong ng binata nang puno ng pagmamahal na halik ang kanyang labi.

​She was surprised by Carmilo's presence, dahil akala niya ay alas-dose pa ang dating nito. Ni hindi pa naman siya nakapagpaligo dahil sa paghahanda niya ng kanyang lulutuin para sa kanilang lunch.

At ngayon ay bigla na lamang itong lilitaw sa kanyang likuran na agad siyang niyakap at inangkin ang kanyang labi. Hindi niya tuloy naiwasang mag-init ang mukha sa isiping nasa kanilang paligid lamang ang magulang nito at nakatanaw sa kanilang dalawa.

​"Flowers for you," nakangiting abot nito sa kanya ng boquet of roses matapos maghiwalay ang kanilang mga labi.

​"A-akala ko..mamayang alas-dose kapa uuwi," nabubulol na tanong niya dahil sa hindi inaasahang halik nito.

Agad din niyang tinanggapang ibinigay nitong mga rosas sa kanya at lihim siyang kinilig sa binata.

​"I can't wait to see you for a long hours, kaya napauwi ako ng maaga," masayang sagot nito na muli siyang niyakap sa kanyang baywang.

​"How sweet my son," nakangiting sabi ng mommy nito na papalapit sa kanila kung saan nakaramdam siya ng pagkailang sa ayos nilang iyon.

​Pasimpleng kumalas siya mula sa pagkakayakap nito sa kanya ngunit hindi hinayaan ni Carmilo na makawala siya sa pagkakayakap nito. Instead he kissed her on her forehead at binalingan ang ina ng may ngiti sa labi.

​"Of course Mom, mana yata itong anak niyo kay Daddy. Kung gaano man ka sweet si Daddy sa'yo, aba! Mas sweet yata ako sa Misis ko. Lalong-lalo na ngayong buntis siya sa aming panganay, right hon?"anang nitong bumaling sa kanya.

Hindi niya tuloy naitago ang pamumula ng kanyang mukha.

"You're blushing, hon," dagdag pa na bulong nito sa dalaga.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon