Chapter 28

11.3K 247 3
                                    

My Fake Wife
By: CatchMe

Chapter 28


ANG pakiramdam na may nagmamasid sa kanya ang nagpagising kay Izabelle sa kanyang mahimbing na pagtulog. At ganoon na lamang ang pag-iinit ng kanyang mukha nang matuklasang pinagmamasdan siya ng binatang kampante na nakaupo sa isang swivel chair paharap sa kama.

"Good morning," nakangiting bati nito at napayuko para gawaran siya ng halik sa kanyang labi.

"Kanina ka pa gising?" tanong niya nang maghiwalay ang kanilang labi.

​"Yeah, at hindi na kita ginising para makapagpahinga ka nang maayos."

Napangiti siya rito at tumingin sa wall clock para lang magulat sa oras na nakita doon. "Ala-una na?" nanlaki ang mga matang baling niya rito na napakibit-balikat lamang ito at ngumiti lang sa kanya. "At hindi ka pumasok sa opisina?" dagdag pa niya.

​"Hindi na. Dito ko na ginawa ang trabaho ko," sagot nitong itinuro ang nakabukas na laptop na nasa study table nito. "At para paggising mo ay may magsisilbi sa'yo," nakangiti pa nitong dagdag at itinuro ang bedside table. ​"Breakfast in bed for the lady who cried a liter of tears last night," anito at hinalikan siya sa noo. "C'mon, get up. I know you're hungry."

Hinawakan siya nito sa dalawang kamay at inalalayang makabangon.

​Nakaramdam tuloy siya ng hiya rito nang maalala ang naganap kagabi. Nagkaroon kasi ng aksidente sa isang resort na pagmamay-ari ng binata kung saan idinaraos ang pagsalin sa pangalan ng asawa ng kanyang pinsan na si Rebecca ang bagong tagapagmana ng De Silva's Financial & Holdings Inc.

Ngunit isang katakut-takot na trahedya ang nangyari sa bagong mag-asawa kung saan ay nabaril ang pinsan niyang si Rebecca kagabi.

Kung kaya't napasugod sila ni Carmilo kagabi sa hospital at umaga na sila nakauwi ng bahay. Kaya heto siya at inabot pa nang ala-una ng tanghali sa paggising dahil pakiramdam niya ay pagod na pagod ang kanyang katawan pati na ang kanyang utak dahil sa sobrang pag-alala sa pinsang si Rebecca.

At tulad nga nang sinabi ng binata ay maraming luha ang kanyang iniluha kagabi sa nalamang masama na balita sa pagkakabaril ng pinsan niyang si Rebecca na nag-aagaw-buhay kagabi.

Salamat sa diyos at nakaligtas din ito, ngunit patuloy pa rin ang obserbasyon sa kalagayan ng kanyang pinsan.

​"Sana, hindi ka na nag-abala," nahihiyang sambit niya rito nang ilipat ni Carmilo ang tray ng pagkain sa ibabaw ng kama.

"Okay lang 'yun, besides, I love what I'm doing. C'mon, kumain kana."

​Napangiti siya ng ubod tamis sa sinabi nito at hindi na naman niya maiwasang kiligin ng bonggang-bongga ang kanyang puso.

Bakit ba kasi ang sobrang sweet ng lalaking ito? Akala niya rati eh, ito na ang lalaking hindi marunong ngumiti noon. But she was a hundred percent wrong sa kanyang pagkakilala rito.

"What was that for?" Napakunot ang noo nito ngunit hindi inalis ang ngiti sa labi.

​"Ang alin?"

​"That smile.."

​"Oh, ahm..nothing." Napatawa siya at ibinaba ang mga paa sa kama.​"Magbabanyo lang muna ako," paalam niya rito at nakangiti parin na tumayo at tinungo ang banyo.

"IZABELLE!"

​Napaangat siya ng mukha nang marinig ang pamilyar na boses. Kasalukuyan siyang naglalakad sa pasilyo ng hospital para dalawin ang pinsan niyang si Rebecca.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon