Chapter 22

11.6K 266 3
                                    

My Fake Wife
By: CatchMe

Chapter 22

NAPABUGA ng hangin si Izabelle at napahawak sa kanyang dibdib matapos isara ang pintuan ng kanilang kwarto. Humakbang siya palapit sa kama at pabagsak na nahiga doon.

Bigla yatang sumakit ang ulo niya dahil sa kasinungalingan nila ng binata at nakokonsensya siyang pakinggan ang pag-alala ng mga magulang nito sa kanya. Napahilamos pa siya sa kanyang mukha.

Napabangon lamang siya mula sa pagkakahiga niyang iyon nang makarinig ng mahinang katok sa pintuan.

Mabilis pa niyang inayos ang sarili at pinasadahan ng suklay ang kanyang mahabang buhok gamit ang kanyang daliri bago bumukas ang pinto at nakangiting pumasok ang binata.

​"Are you okay, hon?" anitong lumapit sa kanya at tumabi sa kanyang pagkakaupo sa kama.

At hindi pa nakontento at hinawakan pa siya sa kanyang mukha at hinalikan ang kanyang labi. Dahilan nang pag-iinit na naman ng kanyang mukha.

"Okay ka lang?" ulit nito na ngayon ay marahang hinahaplos ang malambot niyang pisngi.

​Tumango siya bilang sagot dito at yumuko. Ngunit muli nitong itinaas ang kanyang mukha at muling hinalikan sa labi.

Hindi naman siya nakatiis at gumanti rin siya ng halik dito at napayakap din sa binata.

Hanggang ang halik na kanilang pinagsaluhan ay mas lalo pang lumalim na siyang nagpapainit sa kanyang katawan. Kung kaya't mas humigpit ang ginawa niyang pagkakayakap dito at mas lalo pang naging mapaghanap ang kanyang mga labi.

Naging mapusok ang kanyang paraan nang pagganti at ang kanyang kamay ay tila may sariling isip na rin na kusang gumalaw sa bawat parte ng katawan ng binata.

Habang ang binata ay ganoon din ang ginagawa sa kanyang katawan.

Saka pa nito pinakawalan ang kanyang labi para makasagap ng hangin kung kaya't habol niya ang kanyang paghinga nang tumingin dito. At ilang segundo lang ay muli na naman nitong inangkin ang kanyang labi.

​Hanggang ang halik nito ay gumapang mula sa kanyang labi, pababa sa kanyang leeg habang ang kamay naman nito ay nagmamadali sa pagtanggal sa kanyang suot na damit nang hindi manlang tumitingin at dahan dahan siyang inihiga sa kama nang hindi naghihiwalay ang kanilang labi.

​Nadadarag na si Izabelle sa sensasyong dulot ng mainit nilang halikan nang bigla silang matigilan ng marinig ang may kalakasang katok sa kanilang pintuan.

​"Damn!" napamurang sambit ng binata na inalayan siyang makabangon mula sa kama at tinulungang isinara ang suot niyang blouse na halos natanggal na nito lahat sa pagkakabutones.

At tamang tama lang na naayos niya ang sarili nang tuluyang bumukas ang pintuan.

"Mom, what are you doing here?" tila may pagkairitang tanong nito sa ina na napasuklay sa buhok nito.

Habang siya naman ay pinapakalma ang tila nahahapong sarili at pilit na ngumiti sa ginang na pumasok sa kanilang kwarto.

​"Oh, hijo. Dinalhan ko ng herbal juice si Izabelle para gumaan ang kanyang pakiramdam," nakangiting sagot nito at inabot sa kanya ang baso.

​Lihim namang napangiwi si Izabelle ng makita ang nagkukulay berdeng tubig na laman ng baso.

"Salamat po, My," aniyang pilit na ngumiting inabot iyon.

​"Inumin mo na ngayon yan, hija. Para mabawasan ang sama ng pakiramdam mo. Hay, ang hirap talaga mabuntis.. Kaya ikaw Carmilo, alagaan mong mabuti ang asawa mo. Huwag mo siyang bigyan nang sama ng loob at delikado sa batang nasa sinapupunan niya," baling nito sa binata na pigil ang sariling mapatawa nang tumingin sa kanya. "Sige na hija, inumin mo na yan." muli ay baling nito sa kanya.

​"Baka sumuka si Izabelle niyan, Mom?"

​"Anong magsuka? Mas mabisa nga ang herbal na 'yan para hindi magsusuka ang asawa mo.."

​Wala namang nagawa si Izabelle at napilitang inumin nang dahan-dahan ang herbal juice na dala ng ginang. Pigil niya ang sariling huwag maibuga ang kanyang iniinom nang hindi maintindahan ang lasa niyon. At pikit mata niyang nilunok ang herbal juice saka patalikod na napabuga ng hangin at napangiwi.

​"Paano, Mom? Magpapahinga na muna si Izabelle at masama pa rin yata ang pakiramdam niya.." si Carmilo na kinuha ang baso mula sa pagkakahawak niya.

​"O siya, pero ubusin mo muna 'yan hija. At nang ako na ang magdadala ng baso sa ibaba,"

"Po!?" napamulagat na sambit niya na napatingin sa binata.

​"Mommy, ako na po ang magdadala ng baso sa ibaba. At mas mabuting iwanan mo nalang muna si Izabelle para makapagpahinga na siya, saka iinumin din naman niya ito 'eh, right, hon?" nakangiting wika ni Carmilo.

​"Opo, My. Uubusin ko po 'to," segunda naman niya at nginitian niya ang ginang.

​"O, sige.. Magpahinga kana hija, at ako'y lalabas na," paalam nito.

​"Sige po, My.."

​"Teka, ikaw Carmilo? Hindi ka ba babalik sa hotel?"

​"Po? Ahm.. Babalik po ako mamaya pag okay na ang pakiramdam ni Izabelle. But as of now, dito nalang muna ako at kailangan pa ako ng aking asawa.."

​"I see, o siya..lalabas na ako,"

​"Sige po, Mom.." sagot ni Carmilo na inihatid pa ang ina sa pintuan.

​Nakahinga siya nang maluwag nang tuluyang nakalabas ng pinto ang ina nito, at inilock pa muna nito ang pinto bago humarap sa kanya at nakangiting lumapit.

"Okay ka lang, hon?" anitong hinawakan siya sa magkabilang pisngi. ​"Pasensya ka na kay Mommy..masyado lang kasi silang concern sa magiging apo nila ni Dad,." pilyo ang ngiting sambit nito at muli'y hinalikan siya sa labi.

​Hindi naman pumalag si Izabelle at ginantihan ang halik ng binata. Napakapit pa siya sa leeg nito habang ang dalawang braso ng binata ay nakayakap sa kanyang baywang. At muli'y naging mainit na naman ang halikang kanilang pinagsaluhan hanggang sa namalayan na lamang nila na kapwa na sila nakahiga sa kama.

​Isa-isa namang tinanggal muli ni Carmilo sa pagkakabutones ang kanyang suot na blouse at napahangang tiningnan ang kanyang dibdib nang tuluyang nitong matanggal ang kanyang suot.

​"Izabelle.." mahinang sambit nito na siyang ikinapula ng kanyang mukha at pilit na tinakpan ang exposed niyang dibdib na agad namang tinanggal nang binata at marahan siyang dinampain ng halik sa kanyang labi.

​Ilang sadali pa ay gumapang ang halik nito pababa sa kanyang leeg, pabalik sa puno ng kanyang tenga at pabalik muli sa kanyang labi, habang ang kamay nito ay tila hindi nagsasawa sa pagdama sa kanyang katawan na nag-iwan nang kakaibang init ang bawat haplos nito sa kanyang balat.

​Mayamaya pa ay hindi na rin nakapagpigil pa ang binata at nagmamadali na rin na naghubad ng damit nito at muli siyang hinalikan. Ilang sandali pa ay kapwa na nila pinagsaluhan ang isang bagay na kagabi lang ay kanila na rin na pinagsaluhan.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon