Chapter 16

11.2K 169 3
                                    

My Fake Wife
By: CatchMe

Chapter 16

NAKANGITING pumasok sina Izabelle sa Golden Crown Hotel, kung saan idinaos ang thanks giving party ng pinsan niyang si Noel. Exclusive lamang iyon para sa kanilang pamilya. Dahil halos lahat ng kanilang kapamilya ay dumalo sa concert ng binatang singer.

​Pagpasok pa lang sa lobby ay sinalubong agad sila ng kanyang kakambal na si Alora. Masaya silang nagyakap nito nang sandaling nagpaalam si Carmilo na may kukunin lang.

Maya-maya lang ay dumating naman ang pinsan nilang si Rebecca kasama ang fiancé nitong si Enrique.

Kakaproposed lang nito sa pinsan nilang si Rebecca kanina sa concert din ng pinsan nilang singer na si Noel.

(Dear Readers, kung naalala niyo ang story nina Rebecca at Enrique na NOW I FOUND YOU, Kasama ang eksenang ito doon sa love story nina Rebecca, hahaha! Wala lang, related lang kasi ang mga story nila, kung naalala niyo pa ang eksenang ito, hahaha)

​"Congratulation, Ate!" sabay na bati nila ni Alora at niyakap ang pinsang si Rebecca.

​"Thank you," malapad ang ngiting sagot nito na yumakap din sa kanila.

​"Grabe ka Ate 'ah. Witness pa lahat ng tao sa proposal sa'yo ni soon-to-be-husband mo 'ah," nakangiting sambit ni Alora sa pinsan.

​"Oo nga ate, in fairness you surprised us, at ikaw na ang susunod na ikasal," kinikilig namang sambit niya.

​"Heh! Ikaw nga dyan 'eh, ginulat mo rin kami. May asawa ka na pala ng 'di mo man lang pinaalam sa amin na nagpakasal na pala kayo ng sekreto. 'Tsaka super yaman pa nang napangasawa mo 'ah. Imagine, asawa mo ang may-ari ng hotel na ito?" si Rebecca na mahina siyang kinurot sa tagiliran habang nakangiti.

Natawa naman ang kanyang kakambal na si Alora at napabaling dito ang pansin ng pinsang nilang si Rebecca.

​"Buti naman at in good terms na kayong dalawa," anito nang biglang lumungkot ang mukha ni Alora.

​Biglang may kung anong kumurot sa puso niya nang makita ang mukha ng kakambal.

Alam niyang nakokonsensya pa rin ito at sinisisi ang sarili kung bakit naghiwalay silang dalawa noon dahil kay Anthony. Sasagot sana siya nang biglang tinawag ni Carmilo ang kanyang pangalan kung kaya't naagaw ang kanilang atensyon dito. Tumabi sa kanya ang binata at yumakap sa kanyang baywang.

​"Ahm, may I excuse my wife for a while please?" nakangiting sambit nito.

Tumango naman sina Alora at Rebecca bilang pag sang-ayun 'tsaka siya sumama sa binata.

​Dinala siya nito sa isang sulok kung saan ay walang tao at iniaabot ang isang maliit na pulang box.

​"Ano 'to?" nagtatakang napaangat siya ng tingin dito na binuksan ang box.

​"Wedding ring, baka kasi mahalata ng pamilya mo na wala kang suot na wedding ring kaya bumili na ako."

​"Wow!" bulalas niya nang tumambad sa kanya ang pares nang kumikinang na gold wedding ring. Ang isang singsing ay merong nakapalamuting tatlong maliliit na diamante na nakahelira sa gitna. Samantalang plain naman ang isang singsing.

​"Ang mahal nito 'ah," aniyang kinuha ang isa, at kinuha naman ni Carmilo ang isang singsing. Akma sana nitong isuot sa daliri nito iyon nang pigilan niya.

​"Bakit?"

​"Akin na 'yan," aniya sabay kuha sa singsing na hawak nito at ibinigay dito ang singsing na para sa kanya.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon