Chapter 34

12.5K 252 9
                                    

My Fake Wife
By: CatchMe

Chapter 34


"BABE..." napaluhang sambit ni France Maristel na hinawakan ang kanyang kamay. "Nagbibiro ka lang 'di ba?"

"Sana nga France, pero hindi 'e. Alam mo namang matagal na ang tatlong taon at marami na ang nagbago. Kasama na ang nararamdam ko sa'yo."

​"I thought you love me?"

​"Yes, I love you. I really am, but someone's already owned my heart. At pati ako ay nahihirapan na rin, France."

Hinawakan niya ang kamay nito na nakapatong sa ibabaw ng mesa habang patuloy sa pagdaloy ang luha nito.

​"Alam mong minahal kita. In fact, sa'yo lang umiikot ang ang buhay ko sa loob ng tatlong taon. I hate you, for what you've done to me. Pero sa kabila ng galit ko sa'yo ay may nakatago pa ring pagmamahal at pag-asa na babalik ka sa akin at ipagpatuloy natin ang naudlot nating relasyon. Yes, you came kasama ang anak natin. Dapat lang na makaramdam ako ng kasayahan dahil sa wakas, magsasama na tayo. But the problem is, nagkamali pala ako. 'Cause I thought, I still love you.. But the truth is... I'm not... At may isang taong bumago sa aking pagkatao. Ang taong nagtanggal ng aking hinanakit sa'yo. Ang taong nagturo sa akin kung paano magmove-on. Ang taong totoo kong mahal. Ang taong isinisigaw na ng aking puso, I'm sorry for these, pero hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang magkunwari na masaya ako kasama ka at si Joshua. You can't blame me, kung bakit nabaling ang pagmamahal ko sa taong 'yun. 'Cause you left me without a single word. France, I'm sorry... but I need her. I need her, cause I love her.." mahabang wika niya sa tahimik na lumuhang si France.

​Inaamin din niyang nasasaktan siya sa kalagayan nito. Pero mas lalo siyang nasasaktan at baka mabaliw na siya 'pag hindi pa niya makita si Izabelle. He really loves Izabelle and few weeks are good enough para marealize niyang si Izabelle talaga ang kanyang kailangan. Na si Izabelle ang kanyang totoong mahal.

​"Carmilo..." mayamaya'y bigkas ni France na napahugot nang malalim na hininga. "I'm sorry... I'm really, really sorry kung sinaktan kita noon. Hindi kita masisi kung bakit nawala na ang pagmamahal mo sa akin. Dahil kasalanan ko naman," wika nitong pinunasan ang luha.

​"France-"

​"Tama ka," putol nito sa kanya. "Ako ang dapat sisihin sa lahat nang ito. Sinira ko ang buhay mo noon, at ngayon ay muli ko na namang sinira dahil sa aking pansariling kaligayahan. I'm sorry Carmilo, sana mapatawad mo ako.." luhaang napataas ng tingin si France. "Maswerte siya dahil minahal mo siya, at maswerte ka rin sa kanya dahil minahal ka niya. At dahil sa kanya ay natuto kang ipagpatuloy ang buhay mo nang wala ako. Huwag kang mag alala sa akin, Carmilo. Pinapalaya na kita. Pinapalaya kita dahil mahal kita. Gusto ko rin makita ka'ng masaya kasama ang tunay na babaeng minamahal mo. Ang babaeng nagpapangiti sa'yo. I'm sorry again, kung ako palagi ang dahilan ng pagsira sa iyong kaligayahan. I'm sorry Carmilo," napahagulgol na wika nito habang sapo ng dalawang palad nito ang mukha.

​Parang nabunutan ng tinik ang binata sa sinabi nang kaharap na si France Maristel.

Niyakap niya ito bilang pasasalamat at hinalikan sa noo. "About Joshua, I can support his financial-"

​"Huwag na, Carmilo," agaw nito sa sasabihin pa sana niya.

Nagugulohan namang tiningnan niya ito sa mata.

"I'm sorry for these.. But.." napabuntong-hininga ito at napayuko. "Joshua is not your son," patuloy nito.

​Gulat na napaawang ang kanyang labi at hindi makapaniwala sa sinabi nito.

​"W-what do you mean?" tanong niya.

​"Carmilo, I'm sorry kung nagsinungaling ako.. Pero hindi mo anak si Joshua."​

"France.." napabuga siya ng hangin at napasuklay sa sariling mga buhok gamit ang kanyang dalawang kamay. "Hindi kita maiintindihan, France. Paanong hindi ko anak si Joshua?"

​Humakbang ito paatras mula sa kanya at itinago ang mukha sa dalawang kamay nito. "Kaya ako lumayo sa'yo noon, Carmilo. Dahil hindi ikaw ang ama ni Joshua. S-si Bernard ang ama ni Joshua," patuloy nito.

​Si Bernard?, ulit ng kanyang isip.

Si Bernard na former boyfriend nito? Muli siyang napabuga ng hangin sa nalaman. So ibig sabihin patuloy pa rin pala ang relasyon ng dalawa kahit sila na ni France?

​"I'm sorry Carmilo, kung niloko kita..." maya-maya'y sambit nito na nag-angat ng mukha. "Gusto ko sanang sabihin sa'yo noon na nagkabalikan kami ni Bernard, pero natatakot ako na masasaktan ka 'pag nalaman mo iyon kaya... itinago ko na lamang."

​"France--" tanging nasambit na lamang niya at muling napabuga ng hangin.​"Bakit ka pa bumalik sa akin kung ganoon, France? At nasaan si Bernard?"

​"He left us," mahinang sagot nito. "At may pamilya na rin siya ngayon, kaya bumalik ako dito sa pagbabaka-sakaling... magkabalikan tayo. But sad to say, hindi na pala pwede dahil marami na ang nagbago. Lalo na ngayon na may mahal ka ng iba. Carmilo, patawarin mo ako kung niloko kita at muli kong sinira ang buhay mo. Siguro ito na rin ang karma ko sa panloloko ko sa'yo," napaluhang wika nito.

​Ilang sandaling hindi siya nakapagsalita. Oo, nakaramdam siya ng galit sa panloloko nito sa kanya noong magkasintahan pa lamang sila. Pero, tapos na iyon at ang importante ay ang kanyang hinaharap ngayon.

​Matagal muna niyang tinitigan ang lumuluhang kasintahan at muling napabuga ng hangin bago ito niyakap. Pinatawad na rin niya ito at pinayuhan sa maaring gawin nito para sa ikakabuti nito kasama ang anak nito.

​Ngayon ang problema na lamang niya ay kung saan matatagpuan si Izabelle. Ang babaeng tunay niyang minamahal.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon