Chapter 7

14.5K 258 11
                                    

My Fake Wife
By: CatchMe

Chapter 7




KINABUKASAN ay nagmamadaling nag-ayos si Izabelle. Agad siyang lumabas ng bahay at tumawag ng taxi.

Makipagkita siya sa bago na namang ini-hire ng kaibigan niyang si Sandra na maging fiancé niya next week. Kaya habang sakay ng taxi ay panay ang kanyang panalangin na sana maging okay ang lahat. Na sana ay papasa sa taste niya ang kanyang magiging fiancé.

Agad siyang pumasok sa isang mamahaling restaurant nang makarating siya sa kanilang meeting place. Bahagya pa siyang napataas ng kilay nang mapunang puro sosyal ang mga customer ng restaurant. Talagang may kaya ang kumakain doon at napahinto pa siya nang mamataan ang crush niyang si Sam Milby.

"Wow! Dito ko lang pala masisilayan si Papa Sam," kinikilig na mahinang wika niya habang naglalakad. Halos hindi na siya nakatingin sa kanyang nilalakaran. Dahil ayaw niyang mawala sa kanyang paningin ang gwapong mukha ng hinahangaang aktor.

Malapad ang ngiting nagpatuloy siya sa paglakad nang may tumawag sa kanya. Kaya na-agaw ang kanyang pansin dito. Ganoon na lamang ang pag bilis nang tibok ng kanyang puso nang makilala ito. Si Anthony. Ang kanyang first love na ngayon ay asawa na ng kanyang kakambal na si Alora.

"Izabelle, how are you?"

Napapitlag pa siya nang marinig ang boses nito. Saka pa niya na-realize na nasa harapan na pala niya ito. "A-Anthony.." anas niya na napalunok ng laway.

"Are you alone? C'mon, dito kana maupo," anitong hinila siya sa kamay paupo sa mesa nito.

Hindi niya alam kung anong gagawin niya sa mga oras na iyon. Hindi siya makapagsalita dahil biglang kumirot ang kanyang puso. Gusto niyang yakapin ang dating kasintahan. Pero wala siyang karapatang gawin iyon dahil pag-aari na ito ng kanyang kakambal.

"Kumusta ka na? It's been six months since you left us.. Okay kalang ba?" tanong nito na siyang nagpa-angat ng kanyang panginin dito.

"H-ha? Ahm.." napakagat-labi siyang napayuko muli.

Ano ba ang sasabihin niya dito? Alangan namang sasabihin niya na hindi pa rin siya nakapagmove-on. Bumuntong hininga muna siya at muling humarap dito. "Mag-isa ka lang?" pag iiba niya sa usapan.

"Kasama ko si Alora-"

"Izabelle?" agaw ng pamilyar na boses sa sasabihin pa sana nito. At iyon ay ang kanyang kakambal na si Alora. "Iza, kumusta ka na?" agad na napayakap nang mahigpit ang kanyang kakambal na agad naman niyang ginantihan nang mas mahigpit na yakap.

How she missed her twin kaya hindi niya naiwasang mapaluha. Maluha-luha rin ang kanyang kakambal ng kumalas ito sa kanya. "Kumusta kana? Ang tagal kitang hindi nakita. Na miss ka na rin nina Mama at Papa. Bakit ka umalis? Bakit mo ako iniwan? Akala ko ba wala tayong iwanan?" sunod-sunod na tanong nito dahilan nang pag sunod-sunod din nang pagbagsak ng kanyang luha.

"Are you okay?" si Anthony na nag-alala ang mukha.

"Iza.. I'm sorry.." sambit ni Alora na hindi rin napigilan ang mapaluha.

Napailing siya at pilit na ngumiti sa mag-asawa. "O-okay lang ako," aniyang pinunasan ang luha. "Bakit kaba nagso-sorry?" baling niya sa kakambal.

"Iza, alam mo naman-"

"Alora.." agaw niya sa kakambal. "Wala kang dapat ihingi nang sorry sa akin."

"Pero-"

"Please," muling agaw niya sa kakambal. "Don't say sorry dahil matagal nang tapos iyon," napayukong sambit niya, trying so hard to hide the pain inside her heart.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon