Chapter 30

11.4K 227 1
                                    


My Fake Wife
By: CatchMe

Chapter 30

"IZABELLE, I'm sorry.." narinig ni Izabelle ang tawag ni Carmilo habang kumakatok sa pintuan ng banyo.

Ilang sandali siyang hindi sumagot dahil masama ang kanyang loob dito at patuloy lamang siya sa pag-iyak. Nang sa ganoon ay mabawasan ang kanyang hinanakit para sa binata.

"Izabelle, please.. Open the door, I'm sorry for what I've said.. Please, open the door," ulit nito.

Ngunit tila bingi siya sa mga oras na iyon at hindi pa rin nagawang gumalaw mula sa pagkakaupo sa sahig ng banyo.

​"Izabelle..I'm sorry.."

​Ilang sandali pa ay napatayo siya mula sa pagkakaupo sa sahig at napaharap sa salamin. Marahas niyang pinunasan ang kanyang luha gamit ang likod ng kanyang palad. Habang ang binata naman ay patuloy sa pagkatok sa pintuan at tinatawag ang kanyang pangalan.

​"Izabelle, kapag hindi mo pa ito bubuksan, sisirain ko na ito," muling tawag nito na kinakatok pa rin ang pinto. Kung kaya't napilitan na rin siyang buksan iyon. "Izabelle," salubong nito sa kanya at ikinulong siya sa bisig nito. "I'm sorry.. Please, forgive me. I didn't mean to hurt you, please, I'm sorry.."

Mas lalo siyang napaiyak na isinubsob ang mukha sa dibdib nito. Gumanti na rin siya ng yakap dito at hinayaan na lamang niya ang sariling umiyak sa dibdib nito habang yakap-yakap siya nito.

​"Shh, I'm sorry," anitong hinawakan siya sa magkabilang pisngi at pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang dalawang hintuturo nito. "Ididn't meant to say those words, Izabelle. I was just.." napabuntong-hininga ito at muling pinunasan ang luhang pumatak nanaman sa kanyang pisngi. "Izabelle, I was jealous seeing you with your ex in that coffee shop.. That's why-"

​"Bakit ka nagseselos, Carmilo? Wala naman kaming ginagawang masama.." putol niyang sinalubong ang mga titig nito.

​"Because I love you, Izabelle. And seeing you with your ex, hugging each other, it makes my heart torn into pieces, and I can't take a longtime for watching both of you 'cause I felt that my heart's stomping crazy inside my chest and.." he paused and took a deep breath and hurriedly run his finger through his hair. "And..I wanted to grab you right at that moment to take you away from him, Izabelle.." dagdag nito na napabuga ng hangin.

Great! And now she knows why he's so mad at her because he love her!

Shocked and surprised flushed over her pretty face and in a few moment she hugged him so tight.

"Carmilo," sambit niya na nagpatuloy sa paghikbi. And this time, luha na ng kaligayahan ang kanyang iniluluha habang yakap niya ang binata at ganoon din ito sa kanya. "Is it true?" tanong niya.

"Ang alin?" balik-tanong din nito na kumalas sa kanya at muli siyang hinawakan sa kanyang magkabilang pisngi. Marahan din nitong pinunasan ang kanyang luha.

​"Na mahal mo ako?"

​"Honey, do you think, magkakaganito ba ako kung hindi kita mahal? Yes, mahal kita Izabelle. At nagseselos ako dahil minahal na kita at hindi ko alam kung kailan pa kita minahal basta ang alam ko at dinidikta ng puso ko ay mahal kita,"sagot nitong hinalikan siya sa labi. "Napatawad mo na ba ako?" mayamaya'y tanong nito nang maghiwalay ang kanilang mga labi.

​"Of course! Dahil mahal din kita, Carmilo," sagot niya sabay punas ng kanyang luha.

​"Mahal mo rin ako?" sorpresang bulalas nito na nagliwanag ang mukha.

​Napayuko muna siya at napakagat sa kanyang labi bago sinagot ang binata.

"Yes, Carmilo. Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko na huwag umibig sa'yo dahil alam kong peke lamang ang ating pagsasama pero hindi ko napigilan-"

​"Izabelle," putol nito sa sasabihin pa sana niya. "Maniwala ka at sa hindi, pero ilang beses ko na itong hiniling na sana maging totoo nalang ang ating relasyon. At noong gabi na inangkin kita ay ipinangako ko sa aking sarili na...oras na para totohanin natin ang ating relasyon. Hindi dahil sa napilitan ako dahil may nangyari sa atin, kundi dahil mahal kita. Lalo na ngayong nalaman ko na mahal mo rin ko.. Izabelle.."

​"Carmilo..." Hindi na naman niya napigilan ang muling pagbagsak ng kanyang luha at muling napayakap ng mahigpit sa binata. "You don't know how happy I am right now, Carmilo.. Thank you.."

​"Hey," matatawang sambit nito na mahigpit rin na nakayakap sa kanya. "Honey, stop crying.."

​"You can't blame me." napatawa siya na pinunasan ang sariling mga luha habang yakap pa rin siya ng mahigpit ng binata. "Anyway," aniya nang kumalas sa pagkakayakap nito. "About Anthony and I, wala kaming ginawang masama. Nag-usap lang kami kanina about him and Alora, then we said goodbye to each other, at bumalik din kami kaagad sa hospital," paliwanag niya rito habang matiim namang nakatitig ito sa kanya.

​"I'm sorry, honey.." sincere na hingi nito ng paumanhin sabay halik sa kanyang noo.

​"It's okay.."

Napangiti na siyang yumakap dito. At ilang sandali pa ay muli siya nitong hinawakan sa magkabilang pisngi. Tinitigang maigi at dinampian ng mapagmahal na halik ang kanyang noo, ilong pababa sa kanyang labi. Na siya namang sinalubong niya ng buong puso.

NAGISING si Izabelle nang maramdaman ang pagdampi ng mainit na labi sa kanyang labi. Napangiti siya nang magmulat ng mata ay tumambad sa kanya ang binatang nakabihis na.

​"Good, morning.." paos ang boses na bati niya rito at ngumiti.

​"Good morning too, honey. I'm sorry, kung naistorbo ko ang tulog mo," sagot nito na muli siyang hinalikan sa labi.

​Buong puso naman niyang tinanggap iyon at ikinawit pa ang dalawang braso sa leeg nito dahilan nang bahagyang pagdausdos ng kumot na nagsilbing pantakip niya sa hubad niyang katawan.

​"Honey," napasinghap ito nang masilayan ang kanyang dibdib kaya napangiti siya at napakagat sa kanyang labi.

Great!

Ang saya niya hanggang ngayon dahil alam niya na malaki ang epekto niyon sa binata.

"You're biting your lips again.." paos ang boses na dagdag nito at muling inangkin ang kanyang labi na tinanggap naman niya. Ilang

sandali sila sa ganoong ayos nang kusang kumalas ang binata at kapwa nila habol ang kanilang mga hininga.

"Enough, and let's stop this before I change my mind at hindi na ako makapasok sa opisina."

​"I'm sorry," mahinang sambit niya at muling napangiti rito na itinaas ang kumot para itago ang kanyang kahubaran.

​"Don't worry, magha-half day nalang ako sa hotel and I'll be here by lunch," nakangiting niyakap siya nito muli at hinalikan sa noo.

​"Okay, magluluto nalang ako para mamaya.."

​"Hmmm, that's a good idea. Nang matikman ko naman ang luto mo," segunda nito at muli siyang hinalikan.

This time, ay sa ilong naman niya. At hindi niya naiwasang pamulahan ng mukha dahil sa sinabi nito. Ilang linggo na ba siya sa bahay nito? At ni minsan ay hindi pa niya nagawang ipagluto ito. Kaya ipinangako niya sa sarili na gagawing special ang kanilang lunch mamaya.

"You're blushing, honey," tukso nito na hinawakan muli siya sa magkabilang pisngi.

Marahan pa nitong hinahaplos ang kanyang labi gamit ang kanang hintuturo nito.

​"Sige na, baka late kana," ani na lamang niya na hinuli ang kamay nito at nakangiting hinalikan. Habang ang binata naman ay hindi nawawala ang kasayahang nakalarawan sa gwapong mukha nito.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon