Chapter 23

11.6K 273 5
                                    

My Fake Wife
By: CatchMe

CHAPTER 23

MAGKAHAWAK-KAMAY na pumasok sina Carmilo at Izabelle sa isang studio kung saan ay gaganapin ang photo shoot nilang dalawa.

Napagkasunduan nila kanina na magpagawa ng kanilang wedding photo album para ipakita sa magulang ng binata. At tulad nila na pekeng mag-asawa ay kailangan din nila ng larawan ng kanilang pekeng kasal.

At para mas lalong maniwala ang mommy nito ay kumuha pa ng make-up artist si Carmilo at pinasuotan ng bestidang puti na hapit sa katawan ang dalaga.

​Nakangiting pinagmamasdan ni Izabelle ang sarili mula sa malaking salamin. At hindi siya makapaniwala na sarili niya ang nakikita niya sa salamin.

Dahil ang ganda niyang tingnan sa suot niya na puting bestida. Simple lang iyon at hapit sa kanyang katawan kung kayat lumabas ang magandang hubog ng kanyang katawan.

Dagdag pa ang make-up niya na light lamang ang in-apply ngunit mas lalo namang nagpapalitaw sa kanyang kagandahan.

​At ang ikinatuwa pa niya ay dahil sa sinabi kanina ng kanyang make-up artist na hindi nakapagtatakang mainlove sa kanya ang binata dahil daw sa taglay niyang kagandahan at ang blooming daw niyang tingnan.

​Hindi niya napigilan ang sariling mapangiti muli habang pinagmamasdan ang sarili sa malaking salamin. Posible kayang..mahal na siya ni Carmilo?

Napailing siya at napabuntong hininga.. Sana nga.. Mahal siya ng binata..

​Napalingon siya sa kanyang likuran ng makitang bumukas ang pintuan niyon at nakangiting sumungaw ang binata.

​"Done?"

​Tanong nito na pumasok na rin sa dressing room ng studio.

Napangiti siya habang pinagmamasdan ito mula sa malaking salamin na papalapit sa kanya.

Ang gwapo nitong tingnan sa suot nitong black slacks, at puting pulo. At tingin niya ay mas lalong bumata ito dahil sa mga ngiti nito na siyang nagpapakilig sa kanyang puso.

​Agad na yumakap ang binata sa kanya habang siya ay nakatalikod dito. Ikinulong siya nito sa matitupunong braso nito at hinalikan siya sa kanyang buhok.

"Lovely.."

Bulong nito na pinag-masdan ang kanilang mga sarili sa salamin.

Napangiti siyang napayuko nang humarap ito sa kanya at itinaas ang kanyang mukha.

At heto nanaman siya at bumibilis nanaman ang tibok ng kanyang puso tuwing tinitigan siya ng binata. Hindi parin siya sanay kahit na may nangyari na sa kanila. Dahil nag-iinit pa rin ang kanyang mukha tuwing titigan siya ng binata.

​"You're blushing..." nakangiting sambit nito na hinaplos ang kanyang pisngi.

​Napalunok siya at hindi nakapagsalita dahil nag-iinit pa rin ang kanyang mukha.

Hanggang sa patuloy lamang siya nitong tinitigan at hinahaplos ang kanyang pisngi. Mayamaya pa ay dahan-dahan nitong inilapit ang mukha nito sa kanyang mukha at hinalikan ang kanyang labi.

​"You had a sweet lips, hon," anito nang maghiwalay ang kanilang labi.

Napangiti lamang siya at napakagat sa kanyang pang-ibabang labi.

"Stop biting your lips.." Tila paos ang boses nitong sambit at muli inangkin ang kanyang labi.

KATOK sa pintuan ang nagpalingon kina Izabelle at Carmilo. Napangiti namang hinawakan ni Carmilo ang dalaga sa kamay at hinila papunta sa pintuan.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon