Chapter 26

12.1K 254 3
                                    

My Fake Wife
By: CatchMe

Chapter 26

"HERE!" abot ni Glaiza kay Carmilo ng isang kopitang may laman ng red wine.

Agad naman na inabot iyon ng binata at kasunod nitong binigyan ng red wine ay ang ama ng binata.

"How about you, Tita?" baling pa nito sa ginang na itinaas ang hawak na bote ng red wine.

​In fairness namang babae ito! Feel at home ang dating ah! Kakaasar lang!, inis na sigaw ng utak ni Izabelle.

​"No thanks, hija. You know me..." napakibit balikat na sagot ng ginang.

​"Opss, sorry Tita, I forgot." Napatawa pa ito.

​"Ahm, one glass for me, please," singit naman ni Izabelle na hindi nakatiis.

Ni hindi man lang kasi siya nito inalok ng maiinom. Na tila ba hindi siya nag-eexist dito at tanging mga kasama lang nila ang pinapansin nito.

O baka nanadya talaga itong inisin siya?

Lihim siyang napabuga ng hangin. Ewan ba niya at kanina pa talaga siya nakaramdam ng inis sa kanilang bisita. Paano ba naman kasi 'e, kanina pa ito nagpapansin kay Carmilo.

At halos ay ito na ang naglagay ng pagkain sa plato ng binata na akala mo isa itong dakilang asawa ng binata kung umasta. Kung tutuusin 'e, siya ang dapat gumawa niyon!

​"Iinom ka?" nakataas ang kilay na baling ni Glaiza sa kanya na siyang mas lalong ikinainis niya.

​"Of course, bakit hindi?"

​"Iinom ka kahit buntis ka?"

​Damn!

Lihim siyang napamura at pinigil ang inis para dito.

So ngayon sila nalang ang iinom ganoon? Mag-eenjoy ang bruhang ito kasama ang aking asawa? Pwes, nagkakamali ka!

"Oh, I forgot," napangiwi niyang sambit at napahaplos sa kanyang tiyan. "Buntis pala ako at bawal sa akin ang uminom. Mahirap nang sipain ako ng aming panganay," biro pa niya at napatawa.

​"You're so funny, hija," natatawang sambit ng ginang.

​"That's why I love her, Mom.." wika naman ni Carmilo na hinalikan siya sa noo at tinitigan. "Be careful with our child," ani pa nitong sinakyan ang sinabi niya at muli siyang hinalikan sa noo.

​"Hush! Tama na nga iyan, Kuya. Mamaya niyan lalanggamin na kayo ni Izabelle," natatawang sita ni Rita.

​Napatawa na lamang silang pareho at napayakap na rin siya sa baywang ng binata. Aba, ayaw na yata niya bigyan ng pagkakataon ang bruha nilang bisita na makipaglandian pa sa kanyang asawa.

Kahit na pekeng mag-asawa lamang sila 'e, kahit na. Ang importante may asawang nakakabit sa kanila. At saka, may nangyari na sa kanila, kaya may karapatan na rin siya sa binata.

NAPATINGIN si Izabelle sa kanyang suot na wrist watch. Alas dyes 'y medya na ng gabi at patuloy pa rin sa masayang pag-iinuman ang kanyang mga kasama.

Sina Carmilo, Rita at Glaiza na halatang tinamaan na ng kanilang iniinom. Samantalang umakyat na sa taas ang magulang nito nang makaramdam nang hilo ang daddy nito na siya namang inalalayan ng mommy nito paakyat sa taas ng bahay.​

​"At naalala mo pa iyong sa kubo? Doon malapit sa dagat 'yung tinatambayan natin dati?"

​Napalingon siya kay Glaiza na kanina pa kwento ng kwento at ewan niya, dahil hindi yata nauubusan ng kwento ang kanilang bisita.

Habang nag-eenjoy naman ang binata rito at ang kapatid nito na nakikipagtawanan pa sa kanilang pinag-uusapan sa mga nangyayari sa kanilang mga kabataan.

She rolled her eyes and took a deep breathe. Dahil naa-out-of- place na siya sa kanilang apat.

Sino ba naman ang hindi maa-out of place 'eh, wala naman siyang alam na idugtong sa mga usapan ng mga ito dahil ni wala man lang siyang alam tungkol sa binata!

Kaya heto siya at kuntento na lamang na nakaupo sa tabi ng binata kahit na nababagot na siya sa usapan ng mga ito na sila lamang ang nagkakaintindihan at nagkakatuwaan.

​"'Yung ipinasok ni Kuya ang malaking alimango sa loob ng swimsuit mo?" dugtong ni Rita na napatawa ng malakas.

​"Exactly!" palatak ni Glaiza. "Ang mean mo talaga noon, Carmilo!" dagdag nito na hinampas sa braso ang binatang tatawa-tawa.

​Hindi naman napigilan ni Izabelle ang matawa sa ginawa ng binata rito noong kabataan ng mga ito.

Buti nga sa'yo!, lihim niya usal na natatawa.

Ngunit bigla naman napalis ang kanyang tuwa nang mapahampas ito sa braso ng binata at ewan niya kung may Migthy Bond ba ang kamay nito at tila wala pa yatang balak na tanggalin ang kamay nito sa braso ng binata.

"Ehem!" malakas niyang tikhim na siyang nagpabaling sa kanya ng pansin ng binata.

​"Are you okay?"

​"Ha? Ahm, yeah. Kumati lang ang lalamunan ko," aniya at ngumiti.

​"I see, c'mon," hila nito sa kanya and to her surprised, he told her to seat on his lap.

Wew!

​"Teka," aniyang pinilit na makatayo dahil bigla siyang nahiya sa kanilang kaharap, ngunit iniyakap pa nito ang dalawang braso sa kanyang baywang habang kandong siya ng binata. Kung kaya't hindi niya naiwasang pag-initan ng mukha.

​"Stay.." bulong nito at hinalikan siya sa braso. Kung kaya't pumalakpak naman ang kanyang tenga ng biglang umasim ang mukha ng kaharap nilang si Glaiza.

Great! Eh 'di mamatay ka sa selos!

Lihim siyang nagdiriwang dahil doon. Pakiramdam niya ay ang taba-taba ng puso niya sa mga oras na iyon at ang saya-saya niya.

Hay, Carmilo.. Tuluyan na akong naiinlove sa'yo, lihim niyang usal at kampanteng napasandal sa katawan nito habang yakap siya ng dalawang braso nito.

​"It's getting late na, gusto mo na bang matulog?" mayamaya'y bulong ni Carmilo sa kanyang tainga.

Habang sina Glaiza at Rita ay patuloy sa pagkukwentuhan.

​"Ikaw? Ayaw mo na bang uminom?" balik tanong niya rito.

​"I'd better stay in our room with you than talking with these two crazy ladies."

Hindi niya napigilan ang matawa ng malakas dahil sa sinabi nito dahilan ng pagkatigil sa pag-uusap ng dalawang dalaga at nagtataka ang mga mukhang napatingin sa kanya.

"Oh, I'm sorry," napatakip siya sa kanyang labi at pinigilan ang muling mapatawa dahil sa sinabi ng binata.

​"I think, it's time for us to rest beautiful ladies," si Carmilo na inalalayan siyang makatayo. "May trabaho pa ako bukas at bawal na rin kay Izabelle ang mapuyat, alam niyo na, makakasama sa baby namin pag napupuyat itong asawa ko, right hon?" baling nito sa kanya na hinaplos pa ang kanyang tiyan.

Napakibit-balikat na lamang siya at napayuko rito bilang sagot at muling nag-angat ng mukha ng nakangiti.

​"Alright, Kuya. Mauna nalang kayo at nag-eenjoy pa kami ni Glaiza rito," sagot ni Rita. "Good night sa inyo," dagdag pa nito.

​"Good night, beautiful ladies," si Carmilo na humalik muna sa pisngi ng dalawang dalaga.

​"Good night, Rita," humalik din siya rito at kay Glaiza. "Glaiza, good night na rin sa'yo. Enjoy lang, feel at home," matamis ang ngiting dagdag pa niya rito na siyang ikinaismid lamang ng huli.

​"C'mon," hila na sa kanya ni Carmilo na iniyakap ang kanang braso sa kanyang baywang habang naglalakad sila para umakyat sa kanilang kwarto.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon