Chapter 8

11.3K 128 7
                                    


My Fake Wife
By: CatchMe

Chapter 8

PAGPASOK ng hotel ay napuna ni Carmilo ang ibang ikinikilos ng mga empleyado. Naririnig pa niya ang mga bulong-bulungan ng mgaito habang sinusundan siya nang tingin.

Bigla siyang napahinto at nagtatakang inikot ang paningin. Oo. Alam niyang lahat ng empleyado niya ay napapahinto sa trabaho at napapatingin sa kanya para yumuko bilang pagbigay galang. Pero ngayon, nararamdaman niyang may mali. May mali sa mga ikinikilos ng mga ito ngayon.

Napakibit-balikat na lamang siya at pumasok sa elevator nang bumukas iyon. Pagdating niya sa kanyang opisina ay pabagsak siyang naupo sa kanyang swivel chair. Agad niyang kinuha ang unang folder na nakapatong sa kanyang mesa. Ngunit naagaw ang kanyang pansin sa isang tabloid nang mamataan ang kanyang pangalan na nakasulat in bold letters kasama ang larawan ng isang babaeng pamilyar ang mukha sa kanya.

"What the hell is this?" mataas ang boses na sambit niya na ibinagsak ang tabloid sa mesa matapos basahin ang laman niyon.

Kaya pala iba ang ikinikilos ng kanyang mga empleyado dahil sa lintik na tsismis na kanyang kinakasangkutan. Siya? Si Carmilo Calsado, isang Presidente ng Golden Crown Hotel na merong iba't ibang sangay na nakakalat saan mang sulok ng bansa ay may lihim na pinakasalan daw umano na babae? At ang babaeng iyon ay ang babaeng lasengga na tinulungan niya at dinala pa sa sarili niyang pamamahay para patulogin. Na hindi niya akalaing ito pa pala ang sisira sa malinis niyang pangalan sa publiko pagkatapos niyang tulongan?

That witch!

"James!" pasigaw na tawag niya rito na agad namang pumasok sa kanyang opisina.

"Sir?"

"What is this?" galit na turo niya sa tabloid.

"S-sir," kinakabahang sambit nito. "'Yung babae pong nasa tabloid ay siya po ang nakabanggaan niyo noong isang araw dito sa hotel, Sir," patuloy nito.

"Shit! Damn that woman! Sinasabi ko na nga bang may plano ang babaeng iyon!" galit na napatayo siya.

"Sir? Kilala niyo po siya?"

Hindi niya sinagot ang kanyang assistant. Bagkus ay nagpalakad-lakad siya sa kanyang opisina. Ilang minuto pa ay napahinto siya at hinarap ang kanyang assistant na nahihilo na yata sa kakasunod ng tingin nito sa kanya.

"James, I want you to clean this issue. Call that damn publishing house and tell them that, this is not true! Understand?"

"Yes, Sir," agad na sagot nito 'tsaka lumabas ng opisina. Naiwan siyang nagngingitngit sa galit at muling umupo sa swivel chair.

Makaraan ang tatlong oras ay sunod-sunod na mahinang katok ang pumukaw sa kanya. Iniluwa nito si James.

"Sir, nakausap ko na po 'yung writer na sumulat tungkol sa isyung may asawa kayo," salubong kaagad nito sa kanya nang tuluyang makapasok sa opisina.

"Mabuti naman nang malinis ang pangalan ko dahil idedemanda ko talaga ang writer na sumulat ng tsismis na 'yun," aniyang ibinalik ang paningin sa binabasang papeles.

"Pero Sir, ang sabi po ng writer na sumulat nang isyung 'yun ay nagmula daw umano sa labi ng babaeng 'yun ang balitang asawa niyo siya."

"What?" bahagyang naibagsak niya ang hawak na folder.

"Yes, Sir. Kahapon daw ng tanghali sa isang restaurant. Ayon daw po sa kanilang source, habang lihim nilang sinusundan ang aktor na si Sam Milby ay biglang naagaw ang pansin nila nang mapataas ang boses ng isang customer sa kabilang mesa na kanilang inuupuan. At ayon nga dito ay may isang babae na Amyra Izabelle ang pangalan na nagkukwento sa kasama nito na asawa daw po niya kayo. Kaya daw hindi lumabas sa publiko ang inyong relasyon dahil ayaw daw po ninyo mapag-usapan kayo ng mga tao. Kaya inilihim niyo ang pagpakasal ninyong dalaw---"

"That's bullshit!" pasigaw na agaw niya sa mahabang paliwanag ni James. "Ako? Nagpakasal sa babaeng 'yun? That's really a big bullshit!" Napahampas pa sa mesang dagdag niya.

Marahas siyang napasandal sa inuupuang swivel chair. Bigla tuloy sumakit ang ulo niya dahil sa kagagawan ng babaeng lasengga! Tama lang pala ang ginawa niyang hindi pagpapakila sa sarili niya dito dahil may masama itong motibo sa kanya. Pero sa kasamaang palad ay nalaman din pala nito ang kanyang pangalan. Not only his name. But she declared that he is her husband!

Shit, dammit! How could she do that? pagalit na bulyaw ng kanyang isipan.

Napabuga siya ng hangin nang tapunan ng tingin si James. "I want you to investigate her, ASAP!"

"Yes Sir," mabilis na sagot nitong tumalikod sa kanya. Hindi pa man nakarating sa pintuan ay napahinto ito at muling humarap sa kanya. "Magha-hire po ba ako ng private investigator Sir?"

"Of course!" pasigaw niyang sagot na agad namang tumalima ang kanyang personal assistant at secretary.

"IZABELLE!"

Biglang napabalikwas ng bangon si Izabelle dahil sa malakas na sigaw ng kaibigan niyang si Sandra "Ha? Ano may sunog? Nasaan ang apoy? Nasaan? Diyos ko! Ayoko pang mamatay!" biglang sambit niyana napahawak pa sa dibdib.

"Loka! Anong sunog?" si Sandra na binatukan siya sa ulo.

"Walang hiya ka! Akala ko natutupok na tayo ng apoy! Kung makasigaw ka kasi daig mo pa ang bombero!" aniyang binato ng unan ang kaibigan at muling ibinagsak ang katawan sa malambot na kama.

"Hoy! Bumangon ka diyan at higit pa sa sunog itong balita sa tabloid!"

"Wala akong panahong magbasa nang balita na 'yan Sands. Kaya please, huwag mo muna akong istorbohin sa aking pagtulog dahil masakit itong ulo ko!" sikmat niya sa kaibigan at tinakpan ng unan ang mukha.

"Hey! Hey! Izabelle, sagutin mo nga muna ako, bakit nasa tabloid ang mukha mo?"

"What? Ano ako, artista?" sagot niyang hindi inalis ang unan sa kanyang mukha.

"At kailan ka pa nag-asawa?" dagdag pa nito na marahang hinampas sa kanya ang hawak na tabloid.

"Sandra, please. Don't play your games with me, okay? Alam mo namang wala akong boyfriend. Tapos itatanong mo sa akin kung kailan pa ako nag-asawa? Ano ka, adik?" inis niyang sagot dito na tinanggal ang unan sa mukha.

"Kaya nga tinatanong kita dahil nasa tabloid ka. Look!" abot nito sa kanya ng tabloid.

Inis naman niyang hinablot iyon para lamang manlaki ang kanyang mga mata. Mabilis siyang napatutop sa kanyang bibig nang makita ang kanyang pangalan kasunod sa pangalan ng lalaking..

"Oh my God! Paano nangyari ito?" may kalakasang bulalas niya na napatingin sakaibigan. "No. Oh God, hindi maari.. Patay ako nito. Anong gagawin ko?" dagdag pa niya sa kaibigang nagugulohan ang mukha.

"Bakit? Ano bang ginawa mo at bakit nababalitang asawa mo si Carmilo?"

"Sandra, anong gagawin ko?" napahilamos siya sa mukha gamit ang sariling palad. 'Tsaka niya ikinuwento sa kaibigan ang kinakasangkutang gulo.

"OH my God! Alam mo bang pwede kang idemanda sa ginawa mong 'yan Izabelle?" nanlaki ang matang wika ni Sandra kay Izabelle.

"Sandra, hindi ko naman sinasadya 'yun eh. Anong gagawin ko?"

"Ayan! Kung bakit kasi nagtahi ka pa nang kasinungalingan. Ano bang pinag-usapan niyo ni Brandon kahapon?" tukoy nito sa ni-hire na maging fiancé ng dalaga.

"B-Brandon?" napakunot ang noong sambit niya. "Ah, oo nga pala. Hindi na kami nagkita kasi nga nakasalubong ko sina Alora. Saka hindi naman tumawag sa akin ang Brandon na 'yun kung saan siya 'dun kahapon sa restaurant," napakamot sa ulong sagot niya.

"So, ano ang plano mo? I'm sure nagwawala na si Carmilo niyan? My God, Iza! Sa dinami-dami ba naman kasi ng lalaki sa mundo si Carmilo Calsado pa ang inangkin mo?" napamulagat ang mata nitong kinuha ang tabloid. "And to think na isa pang famous people of the Philippines ang inari mo. Natural lang na kakalat ang tsismis dahil laman ng mga magazine ang katauhan niya," dagdag pa nitong tinitingnan ang hawak na tabloid.

"Hindi ko naman alam na kilala pala siya sa business world. Ni hindi ko nga rin akalaing siya pala may ari ng Golden Crown Hotel. Hindi naman kasi siya nagpakilala sa akin noong matulog ako sa bahay niya!" pagdadahilan parin niya sa kaibigan.

"So, kailan mo siya balak kausapin para bawiin ang sinabi mo?"

"Hindi ko alam," napakagat-labing sagot niya sa kaibigan.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon