Chapter 13

11.5K 148 24
                                    

My Fake Wife
By: CatchMe

Chapter 13



WHEW! Ang daming tao!

Palinga-lingang naglalakad si Izabelle nang pumasok sa event hall ng hotel.

Hinanap niya ang kakambal na si Alora at nakita naman niya ito kasama ang asawa nitong si Anthony. At heto na naman siya. Lihim na namang nasasaktan.

Ha-y Izabelle, kaya mo yan!

Tulak niya sa sariling lumakad palapit sa mga ito. Agad namang ngumiti ang kanyang kakambal nang makita siya. Sinalubong siya nito ng yakap at hinalikan sa pisngi.

"You look, great!" puri nito sa kanya. Matipid naman siyang ngumiti at nagpasalamat sa kakambal.

Napabaling ang tingin niya kay Anthony na nakangiti rin sa kanya. Yumakap din siya dito tulad nang ginawa niya sa kakambal. Gumanti naman ito nang yakap sa kanya. Agad siyang kumalas nang may mamataan ang kanyang mata.

Ang pamilyar na mukha na ilang araw nang nagpapagulo sa kanyang utak. Ang mata nitong nanlilisik na nakatingin sa kanya at ang labi nitong mariing nakatikom. Napaawang ang kanyang labi at biglang sinalakay nang kaba ang kanyang dibdib.

Anong ginagawa ng lalaking yan dito!

"Izabelle, your husband is over there," tapik ni Alora na itinuro ang kinatatayuan ng binata.

Ayaw niyang tumingin sa itinuro nito. Bagkus ay gusto niyang kumaripas nang takbo palabas ng event hall.

"Izabelle, he's coming.."bulong muli ni Alora.

"W-what?" nanlaki ang mga matang lumingon siya. At mas lalong nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang ilang hakbang nalang ang layo nito sa kanila.

Oh no! Patay na talaga ako nito!

Bakit ba sa dinami-rami ng lugar ay dito pa niya makikita ang binata?

"Alora, magsi-CR muna ako," paalam niya at hindi na hinintay ang sagot ng kakambal na agad niyang tinalikuran.

Shit! Shit!

Mura ng kanyang utak.

Huwag muna ngayon Lord. Please, huwag muna ngayon! aniyang nagmamadaling naglalakad.

Ilang hakbang palang ang ginawa niya nang maramdaman ang marahas na kamay na humawak sa kanyang braso.

"You can run, you can hide, but you can't escape from me!"

Bigla siyang nanginig na tila na estatwa sa kinatatayuan nang marinig ang mariing sambit nito na inilapit ang labi sa kanyang tainga!

"C-Carmilo.." pautal na lingon niya dahil sa sobrang kaba. Nakita niya ang galit sa mata nito na gusto yata siyang tirisin kung hindi lang nagpipigil ito.

"Izabelle.."

Napalingon siya nang marinig ang boses ng kanyang kakambal. Sunod-sunod siyang napalunok ng kanyang laway at mas lalong kinabahan na ibinalik ang tingin sa binata.

"Carmilo, please not now. I'm sorry for what I've done. But please, I'm begging you, huwag muna ngayon. I mean, huwag mo muna akong ipahiya sa kanila please.." may namumuong luha sa kanyang mata na sunod-sunod niyang bulong sa binata.

Ewan nga niya kung saan siya kumuha ng lakas para sabihin iyon. Kung tutuusin ay parang hihimatayin na yata siya sa sobrang kaba.

Bigla namang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanyang braso. At lumambot ang ekpresyon ng mukha nito na matamis pa ang ngiting lumingon din sa kanyang kakambal. Kaya nabawasan ang kabang kanyang nararamdaman.

"May problema ba, Izabelle?" si Alora kasunod ang asawa nito.

"Nothing, Alora," agaw ni Carmilo na iniyakap ang braso sa kanyang baywang.

Napapitlag pa siya sa ginawa nito at gusto niya itong itulak palayo sa kanya. Ngunit naramdaman niyang mas lalo pa nitong hinapit ang kanyang baywang padikit sa katawan nito.

Nagugulohan siyang napatingin sa binata pero hindi naman ito nakatingin sa kanya. Nakangiti pang nakaharap ito sa kanyang kakambal habang ito na ang kumausap sa mga ito.

"If you excuse us, may sasabihin lang sana akong importante sa asawa ko, Alora," mayamaya ay sambit nito sa kanilang kaharap.

What? Asawa? Teka! Teka!

Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa katabing binata. Ni hindi na nga niya namalayang kanina pa pala siyang hindi nagsasalita dahil hindi naman niya alam kung ano ang kanyang sasabihin.

"Yeah sure.." nakangiting sagot ni Alora.

"No!" biglang agaw naman niya na ipinagtataka ng kanyang kakambal. "I mean, g-gusto ko pa sanang makasama ang kakambal ko," dagdag niyang hindi nakatingin sa binata.

Natatakot kasi siyang salubungin ang titig nito. At mas lalo siyang natatakot na mapag-isa sila ng binata. Baka bigla na lamang nitong baliin ang kanyang leeg.

Wah!

Ayaw pa niyang mamatay!

"But honey.. this is really important," insist ni Carmilo.

Mas lalong nanlaki ang kanyang mga mata.

Honey?

Siya ba ang kausap ng binata? Hihimatayin na yata siya nang wala sa oras nito. Mas lalo siyang hindi mapalagay. Umiinog yata ang paligid kasi, parang matutumba siya. Teka, di pa naman siya uminom 'di ba? In fact, kakarating nga lang niya. Pero bakit parang umiikot ang paligid?

She shook her head and took a deep breath. Then she look at him and fake a smile.

"Okay lang Izabelle, magkikita pa naman tayo sa family gathering natin after ng concert ni Noel 'di ba?" si Alora na nakangiting tumingin sa kanya.

Wala na talaga siyang lusot. Katapusan na talaga niya. Halos ayaw pa niyang humakbang nang hilahin siya ng binata palayo sa kanyang kakambal.

NOW you will pay for what you've done to me!

Galit na sambit ng utak ni Carmilo na hinila ang dalaga. Ngunit nakailang hakbang pa lamang sila nang harangan sila ng kanyang pinsang si Sam.

"Wow! Look, everyone!" agaw nito sa pansin ng lahat. Napatingin naman ang ibang nakarinig dito. "Our dear cousin's Carmilo Calsado's wife is here!"

"Hey-"

"Opss!" pigil nito sa kanya. "Hindi mo ba ipapakilala ang asawa mo sa amin? C'mon, dude! You don't have to hide her. Welcome naman siya sa family natin eh. 'Di ba guys?" baling nito muli sa iba pa nilang mga bisita. Hindi pa man siya nakasagot ay may tumawag nanaman sa pangalan niya.

"Carmilo.."

Napalingon siya nang marinig ang boses ng babaeng nasa kanyang likuran. Nabigla pa siya nang makilala ito. At ano na naman ba ang ginagawa ng babaeng 'to dito?

"Glaiza, nice to see you here," bati niyang hinapit palapit sa kanya si Izabelle.

Mapapasubo yata siya at ngayon niya kailangan ang presensya ng babaeng lasengga. "Meet my wife, Amyra Izabelle," dagdag pa niya.

Naramdaman niya ang pagkabigla ng dalagang si Izabelle. Pero hindi na niya iyon pinansin. Hindi pa man nakasagot ang kaharap na si Glaiza ay muling nagsalita ang pinsan niyang si Sam.

"Did you heard it, guys? She's his wife," anitong itinuro silang dalawa ni Izabelle.

Samantalang hindi naman nakagalaw ang kaharap nilang si Glaiza na masama ang tingin kay Izabelle.

"C'mon, dude. Introduce mo naman ang asawa mo sa amin."

Damn!

Napailing ang binatang hinawakan sa kamay si Izabelle. Wala na siyang magagawa pa kundi ipagpatuloy na lamang ang drama. Lalong-lalo na nasa harap nila si Glaiza. Ang babaeng obsessed sa kanya.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon