Chapter 31

11.1K 238 5
                                    

My Fake Wife
By: CatchMe

Chapter 31


"GOOD morning, gusto niyo po ba'ng ipagtimpla ko kayo ng coffee?" masayang bati ni Izabelle sa mommy ni Carmilo na kagigising lamang. Naabutan siya nitong nasa kusina habang abala sa pagluluto para sa kanilang tanghalian.

Hindi niya alam kung narinig ba nito ang pag-aaway nila ng binata kagabi o hindi. Pero ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon kung saka-sakaling narinig man ng mga ito ang kanilang pag-aaway.

​"No thanks, Hija. I can manage myself," nakangiting umupo ito sa bakanteng silya. ​"Si Carmilo nga pala?"

​"Pumasok na po sa opisina, My," nakayukong sagot niya sa ginang.

​"I see, ano'ng ginagawa mo?"

​"Chopsuey po 'tsaka fish fillet."

​"Wow! Carmilo's favorite," lihim siyang natigilan sa sinabi ng ginang. Hindi kasi niya alam na ang niluto pala niya ay ang mgapaboritong pagkain ng binata.

Kaya napangiti siya at mas inigihan pang pasarapin ang niluluto.

"Bagay nga kayo ng anak ko, Izabelle. Bukod kasi sa napakaganda mo ay marunong ka rin sa kusina. That's what I want for my son, ang magaling mag-alaga sa asawa."

​"Thank you, po," nahihiyang napangiti siya rito habang ang puso naman niya ay nagdidiriwang.

I think, magiging masaya ang pagsasama namin ni Carmilo, lihim na wika niya sa sarili.

​"Hija.." mayamaya ay mahina ang boses na tawag ng ginang na siyang nagpabaling sa kanyang pansin dito.

​"Bakit po, Mommy?"

​"Salamat.."

​"Salamat po saan?"

​"Sa pagmamahal mo sa anak ko, sa pagpapasaya mo sa kanya, sa pagbalik mo sa kanya sa dati niyang pagkatao. Malaki ang nagawa ng pag-ibig mo sa kanya, dahil sa wakas nakapag move-on na rin ang anak ko, mula sa natamo niyang kabiguan kay France Maristel."

​"A-ano po ang ibig niyo'ng sabihin, My?" nagugulohang baling niya rito. Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba sa kanyang puso ng marinig ang pangalan ng babae.

Sino si France Maristel sa buhay ng binata?

​"Hindi ba naikuwento sa'yo ni Carmilo ang past niya sa dati niyan gfiancée na si France?"

​"Po? F- fiancée po? H-hindi po," napayuko siya. Ayaw niyang mapansin ng ginang na nabigla siya sa nalaman.

At may fiancée na pala si Carmilo? Bakit hindi nito sinabi kagabi?

Bigla siyang nagulohan at nabahala sa natuklasan.

​"Oh well, let me tell you about their story," anitong inilapag ang kutsarita matapos mag timpla ng coffee.

HINDI nakaimik si Izabelle nang marinig ang kwento nito tungkol sa nasirang engagement ng binata.

Posible kayang babalik pa si France Maristel?

Hindi niya maiwasang mapabuntong hininga sa isiping may anak ang binata sa dati nitong fiancée. Paano kung babalik ang mag-ina nito at babawiin ang binata sa kanya? Tiyak na sasama ito sa mag-ina nito. Paano naman siya? Iiwan nalang ba siya nito?

But he told me that he loves me!

Biglang nag-init ang kanyang mga mata.

​"Hija, bakit?"

​"Po? W-wala po, Mommy," kaila niya rito.

Malamang napansin nito ang bigla niyang pananamlay. Kaya iniwas niya ang paningin mula sa ginang bago pa nito mapansin ang namumuong luha sa kanyang mga mata.

MAG-AALA-UNA na ng hapon pero hindi pa rin dumating si Carmilo sa bahay. Kanina pa nagkakanda-haba ang kanyang leeg sa paghihintay dito. Pero wala talaga. Hindi naman nito sinasagot ang tawag niya at kanina pa siya nag-aalala para rito. Baka kung ano na ang masamang nangyari sa binata.

Naku, huwag naman sana.

Kinuha niya ang kanyang bag at bumaba. Pupuntahan na lamang niya ang binata sa hotel at baka abala lang ito kung kaya't hindi na nito nagawang tumawag para ipaalam na hindi ito makauwi.

HINDI maintindihan ni Izabelle kung bakit kakaiba ang ikinikilos ng mga empleyado nang tuluyan siyang makapasok sa hotel.

​Nakatingin ang mga ito sa kanya at ang iba ay tila nagbubulungan pang itinuro siya. Ipinilig niya ang kanyang ulo at hindi na lamang pinansin ang mga iyon. Bagkus ay tuloy-tuloy siyang pumasok sa kakabukas lang na elevator.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon