Chapter 25

10.9K 240 1
                                    

My Fake Wife
By: CatchMe

Chapter 25

NAKANGITING nagpasalamat si Izabelle kay Carmilo nang ipaghila siya nito ng silya't naupo sa kanyang katabi na silya.

Kakatapos lang nilang maghapunan at kasalukuyan silang nasa lanai, at umiinom ng tsa.

Habang nasa harapan naman nila ang magulang nito at kapatid na si Rita, kasama ang kanilang bisita na si Glaiza.

​"Salamat," nakangiting baling niya sa binata na ngumiti sa kanya.

​Bahagya pa nitong iniusod ang silya nito palapit sa kanya at kinuha ang kanyang kaliwang kamay. Marahan nitong pinisil iyon habang nakangiti at hindi inaalis ang mga mata sa kanyang mukha.

​"So, Carmilo, kailan ka magbabakasyon sa Antique?" Boses ni Glaiza ang siyang nagpalingon sa binata rito.

​"I don't know, masyado pa kasi akong busy sa hotel ngayon," sagot nito at muling lumingon sa kanya at marahang pinisil ang kanyang palad.

​"Yeah, he's right." Segunda naman ng mommy ni Carmilo. "Kaya nga kami nalang ang bumisita rito sa kanila kasi wala ng panahon itong si Carmilo na umuwi ng Antique. Lalo na ngayon na buntis itong si Izabelle."

​"What? B-buntis si Izabelle?"

Nanlaki ang mga matang sambit ni Rita na mabilis na lumipad ang paningin sa binata. Napakibit-balikat na lamang si Carmilo bilang sagot at napatawa nang mahina, samantalang biglang natahimik naman si Glaiza na bakas sa mukha ang pagkadismaya.

"Ang bilis naman yata, Kuya," dagdag pa ng dalaga na siyang dahilan nang pag-iinit ng kanyang mukha. Kung kaya't napakagat labi na lamang siyang napayuko para itago ang kanyang pamumula.

"Well, gusto ko na rin kasing makita ang magiging junior ko kaya, 'yun at nabuo rin," napakibit balikat muli ito at napatawa na siya namang sinabayan ng magulang nito.

​Lihim niyang sinipa ang paa ng binata dahilan ng paglingon nito sa kanya at ipinulupot ang braso sa kanyang baywang. "Relax," pasimpleng bulong nito sa kanya.

​"How I wish na lalaki ang magiging panganay ninyo, hijo," mayamaya'y sambit ng daddy nito.

​"Mas maganda 'pag babae, Dad," singit naman ni Rita na tuwang-tuwa. "Para may makakasama kami ni Mommy 'pag nag-shopping," dagdag pa nito na marahang uminom ng tea nito.

​"Mas maganda 'pag lalaki para may mamahala ng hotels pag matanda na-"

​"Dad, mas maganda 'pag babae," putol ni Rita na ngayon ay inalapag na ang tea nito sa mesa.

​Napatawa na lamang sila ni Carmilo sa kanilang kaharap na hindi magkakasundo sa magiging anak daw umano nila.

"Babae man o lalake ay walang problema sa amin ni Izabelle. Ang importante ay healthy 'yung baby," wika ni Carmilo na nakayakap parin ang braso sa kanyang baywang.

Napakagat labi siya at napayuko nang makaramdam nang pagkakonsensya sa nakikitang galak at kasiyahan ng pamilya ng binata.

Hindi yata niya matiis ang kanilang kasinungalingan kung kaya'y minabuti na lamang niyang yumuko para itago ang mukha dahil nagi-guilty siya.

"So, let's call this a celebration," wika ni Glaiza na napatayo.

​Nagtataka naman siyang nag-angat ng mukha ganoon din ang magulang ni Carmilo at kapatid nitong si Rita.

​"What do you mean, Glaiz?" si Rita na nakatingin sa dalaga.

"Let's call this a celebration, I mean, let's drink for that, for Izabelle and Carmilo's baby."

"Wow! That's cool," sang-ayon naman ni Rita na tumayo na rin sa kinauupuan nitong silya.

​"C'mon, Carmilo. Let's celebrate for your baby," hila ni Glaiza sa kamay ang binata na napilitang pakawalan siya at napakamot sa ulo.

​"Ahm, sure," napipilitang sang-ayun naman nito na hinawakan din siya sa kamay at inalalayang makatayo. "How about you Mom? Dad?" Baling pa nito sa magulang.​

"Mag-enjoy nalang kayo, hijo. Alam mo naman hindi ako umiinom. Pero itong Daddy niyo, I'm sure, iinom iyan," sagot ng ginang.

"Ofcourse, sasali ako diyan. Alang-alang sa aking apo," masaya namang sang-ayon ng daddy ni Carmilo.

​"Great, so let's go! Sa bar na tayo," wika naman ni Rita na nagpatiuna nang humakbang papunta sa mini-bar.

​Napilitan namang bitawan ni Glaiza ang kamay ni Carmilo nang hilahin ito sa kamay ng dalagang si Rita kung kaya't naiwan muna ang mga ito.

​"C'mon," nakapulot ang braso sa kanyang baywang na anyaya ng binata.

Labag man sa kanyang kalooban na makipag-inuman ang kanyang pekeng asawa kasama ang kinaiinisan niyang si Glaiza na obsessed dito ay nagpatianod na rin siya.

Ayaw din naman kasi niyang pagsabihan na K.J. siya kaya sumunod din siya para lagyan ng pader ang pagitan ng kanyang pekeng asawa at si Glaiza.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon