Chapter 18

11.9K 235 4
                                    

My Fake Wife
By: CatchMe

Chapter 18

MATAPOS ang daily routine ni Carmilo ng umagang iyon ay mabilis siyang umakyat sa kanyang kwarto para maligo.

May pasok pa kasi siya ng alas-nuebe sa Golden Crown Hotel para pirmahan ang mga dokumentong ibinigay ni James.

Pagkapasok sa kwarto ay agad siyang naghubad at walang itinirang damit sa katawan.

​Tinungo niya ang sariling banyo para maligo at akma na sanang hawakan ang door knob nang bigla namang bumukas iyon at iniluwa ang dalagang biglang napasigaw ng malakas.

"DAMN! Bakit nawala ang bathrobe ko rito sa banyo?" inis na tanong ni Izabelle sa sarili.

​Wala pa naman siyang dalang damit nang pumasok kanina. Nagmamadali kasi siya dahil tinanghali na naman siya ng gising. Baka kung ano pa ang sabihin ng magulang ng binata na nagbubuhay-reyna siya sa pamamahay ng unico hijo ng mga ito.

Napahinga siya nang maluwag nang makita ang bath towel ng binata.

​Iyon na lamang ang ginamit niyang pangbalabal sa hubad na katawan saka lumabas ng banyo para makapagbihis na.

​"Aaahhh!" malakas na sigaw ni Izabelle nang tuluyan niyang nabuksan ang pintuan ng banyo.

​Instead na humakbang palabas ay nagpapanic siyang napatakip sa sariling mga mata gamit ang kanyang mga kamay dahil bumulaga sa kanyang harapan ang hubo't hubad na binata.

At dahil sa kanyang pagkabigla ay nawala sa kanyang isip ang kanyang ayos. At mas lalo pa siyang napasigaw nang ubod lakas nang mapansing nahulog ang tuwalyang kani-kanina lang ay nakabalot sa kanyang kahubaran.

​"Bastos! Bastos!" tili niyang mabilis na kinuha ang bath towel na hindi nakatingin sa binatang tila nahiptonismo sa kinatatayuan nito.

Malakas ang kabog ng kanyang dibdib at namumula ang kanyang mukha dahil sa hiya.

Kakabalot lang niya ng kanyang sarili nang biglang bumukas naman ang pintuan ng kanilang kwarto. Kasabay niyon ay ang mabilis na paghila ng binata sa kanya palapit sa katawan nito para maikubli ang hubad na katawan din nito sa kanya.

​"What happen? Oh my god!" nanlalaki ang mga matang sambit ng ina ng binata na biglang isinara ulit ang pintuan ng makita ang kanilang ayos.

​Siya, nakatapis ng bath towel, habang nakayakap naman sa kanyang likuran ang binatang hubo't hubad.

​"Shit!" mahinang mura niya na muling itinago ang mukha dahil sa pagkapahiya.

Kahit sino naman siguro ang makakakita sa kanila ay tiyak na iisiping may ginagawa silang milagro ng binata

​Mabilis siyang humakbang palayo dito dahil tila napapaso siya sa pagkakadikit ng kanilang katawan.

​"You--you-- argh! Pumasok ka na sa banyo!" si Izabelle na nakatalikod pa rin sa binata.

Wala siyang narinig na anumang salita mula dito. Maliban na lamang sa malalim na paghugot nito ng hininga.

Hanggang sa narinig niya ang pagsara ng pintuan ng banyo.

​"Argh! Nakakahiya! Nakakahiya!" napapadyak pa na sambit niya.

Nag-iinit pa rin ang kanyang mukha dahil sa nakita. At hindi lang siya ang may nakita, kundi nakitaan din siya ng binata.

Naisip niyang sana ay bumukas na lang ang lupa para sa lamunin siya nito dahil talagang nakakahiya ang tagpong nasilayan ng ina nito.

​Ilang sandali pa ay nagkukumahog sa pagkuha ng damit si Izabelle. Pagkatapos magbihis ay nag-urong-sulong siyang lumabas ng kwarto.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon