Chapter 9

10.9K 109 9
                                    

My Fake Wife
By: CatchMe

Chapter 9

KINABUKASAN ay seryoso ang mukhang bumaba si Carmilo sa kotse. Agad naman siyang sinalubong ni James na kinuha ang hawak niyang attachè case.

"Good morning, Mr. President," sabay-sabay na bati ng mga empleyado ng hotel na pansamantalang tumigil sa ginagawa para magbigay-galang sa kanya.

Hindi niya tinapunan ng tingin ang mga ito na tuloy-tuloy lang sa paglakad patungo sa elevator. Ngunit napahinto siya nang hindi sinasadyang maagaw ng kanyang pansin ang mga receptionists na nagbubulong-bulungan na nakatingin sa kanya.

Biglang sumulak ang kanyang dugo na napatingin sa mga ito.

"Do your job! Hindi 'yung tsismis ang inaatupag niyo!" may kalakasang wika niya at tinalikuran ang mga ito patungo sa elevator.

Naiwan namang tila natulala ang nasigawang mga receptionists. Samantalang ang iba naman ay tila nanginginig na nagsibalikan sa mga ginagawa ng mga ito.

"Ano na ang balita sa pina-iimbestigahan ko sa'yo, James?" maawtoridad na tanong niya sa kasama.

"Sir, nasa taas na po ang resulta nang imbestigasyon," magalang nasagot nito sa kanya.

Natahimik siyang muli na nakatuon ang paningin sa kawalan hanggang sa makarating sila sa kanyang opisina. Nagbigay galang naman ang kanyang mga empleyado nang pumasok siya sa kanilang opisina. Dire-diretsong pumasok siya sa kanyang private office.

Pansamantala namang lumabas si James matapos ilapag ang attachè case niya. Mayamaya pa ay bumalik ito sa private office at inabot sa kanya ang brown envelope.

"Sir, ayon po sa kinuha kong detective ay Amyra Izabelle Arnaiz ang buong pangalan ng babaeng nagkalat nang balita na asawa niyo raw siya," pagbibigay impormasyon nito.

Habang siya naman ay isa-isang inilabas ang mga larawang nasa envelope na nakuha ng detective kasama ang mga impormasyon tungkol sa dalaga.

"Taga Iloilo po siya, Sir. Simula nang maikasal ang boyfriend niyang si Mark Anthony Alicabo sa kakambal niyang si Alora Jane Arnaiz, ay umalis na rin siya sa kanilang bahay sa Iloilo. Sa ngayon ay sa Quezon City na siya naninirahan kasama ang kaibigan nitong si Sandra Bandahala," patuloy ni James.

Napa-angat siya ng tingin nang maalala niya noong isang gabi kung saan niya ito nakita. Isinigaw nito ang pangalan ng lalaking si Anthony. Lihim siyang napahinga nang malalim at muling nakinig kay James na patuloy lang sa kakasalita tungkol sa dalaga. Habang siya naman ay tinitingnan ang mga nakaw na larawang kuha ng inukopahang detective ni James.

"Nag-resign po siya sa dati niyang pinagta-trabahoan dahil may kabastosan ang kanyang boss. Sa ngayon ay isa siyang event organizer kasama ang kaibigan niyang si Sandra. Malapit lang din dito ang kanilang opisina. Ten minutes lang po ang biyahe, Sir," patuloy nito.

"Cancel my appointment this afternoon. Gusto kong puntahan ang opisina ng babaeng 'yan para ipabawi sa kanya ang binitiwan niyang salita!"

"Yes Sir, masusunod po," sagot nito at iniwan na siya sa kanyang opisina.

"I'll make sure that you will pay for this, Ms. Arnaiz!" mariing sambit niya na akala mo ay kaharap niya ang dalaga.

INGAY ng telepono ang nagpa-agaw nang pansin ni Izabelle. Ngunit hindi niya iyon sinagot dahil sa abala siya sa pag-aayos ng kanilang gagamitin para sa kasal ng isa nilang customer sa susunod na araw. Kaya ang kaibigang si Sandra na lamang ang sumagot para sa kanya.

"Belle, may naghahanap daw sa'yo sa ibaba," tawag nito sa kanya.

"Sino raw?" hindi nakatinging tanong niya sa kaibigan.

"James daw 'eh. Sino ba 'yun? Bago mong manliligaw?" tukso nito.

"Heh! Tigilan mo nga ako! Wala akong kilalang James! Kaya huwag mo akong tuksuin 'dyan," mahinang singhal niya sa tatawa-tawang kaibigan.

"Defensive kaagad?" anito. "Siya, sige na. Babain mo muna. Lunch break na naman eh. Kaya pwede kang bumaba."

"Sige," aniyang inayos ang sarili bago tumayo.

NAKANGITI si Izabelle habang naglalakad palabas sa kanilang opisina. Pagsapit sa hagdanan ay dahan-dahan siyang humakbang pababa.

Meron na rin kasi siyang takot sa hagdan. Dahil minsan nang malasing siya ay gumulong siya pababa ng hagdan sa isang bar. Nagkataon pa namang sa taas sila naka-pwesto ng mga kaibigan niyang sina Sandra, Sonia, Noorell at Niccailla.

Kaya hayon, biglang nawala ang kalasingan niya nang gumulong siya sa hagdan.

Napailing na lamang siya nang tuluyang makababa. Ngunit biglang namanhid ang kanyang katawan nang mahagip ng kanyang paningin ang pamilyar na pigura. Ang pigura ng isang lalaking hindi niya hiniling na makita.

Biglang sinalakay ang kanyang puso ng kaba. Kaya bago pa man siya nito makita ay mabilis siyang nagtago sa isang poste malapit sa hagdan.

"Damn! Anong gagawin ko? Bakit nandito ang lalaking 'yan? Paano niya nalamang nandito ako?" sunod-sunod na tanong niya sa sariling hindi makagalaw sa pinagtataguan.

Bigla yata siyang pinagpawisan nang malapot habang ang lakas naman nang tibok ng kanyang puso. Kailangang hindi siya makita ng binata.

Dahan-dahan siyang sumilip kung anong ginagawa nito. At ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata at biglang nagtago muli nang makitang nakaharap sa hagdanan ang binata. Kailangan niyang makaalis, sa kanyang pinagtataguan, o makalayo mula rito. Pero paano? Kung babalik siya sa taas, baka makita siya nito.

Napatingin siya sa pinto palabas ng kanilang building. Malapit lang naman iyon sa kanya. Pero ang problema, pag humakbang siya patungo sa pinto ay makikita pa rin siya nito.

Argh! Ano ba ang gagawin ko?

Napapadyak pa siya ng kanyang paa habang itinago sa dalawang palad ang mukha.

"Oh, anong ginagawa mo 'dyan?"

Napaangat siya ng tingin nang makita ang kaibigan niyang si Sonia. Nagtataka ang mukha nito na nakahawak pa sa baywang ang isang kamay. Isa rin itong event organizer tulad niya.

"Umalis ka 'dyan!" taboy niya sa kaibigan na pinanlakihan pa ng mata.

"Bakit mo naman ako pinapaalis? 'Tsaka ano ba talaga ang ginagawa mo 'dyan sa poste? May plano kabang gahasain ang posteng 'yan?" may kalakasang sambit nito dahilan nang pagpikit ng kanyang mga mata nang mariin.

"Please Sonyang, umalis ka 'dyan! 'Tsaka ko na sasabihin kung bakit. Basta umalis ka muna sa harapan ko. Sige na, alis kana! Alis!" pagtataboy pa rin niya dito.

"Hay naku! Ang arte mo ha? Halika nga rito!" biglang hila nito sa kanya.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon