Chapter 6

14.8K 126 0
                                    

My Fake Wife
By: CatchMe

Chapter 6

NAPILITANG sumunod si Izabelle sa likod ng binata nang bitawan nito ang kanyang braso. Hindi pa rin niya maiwasang tapunan ng tingin ang paligid bago tuluyang lumabas ng bahay nito.

And wow! De-remote control pa ang gate ng bahay? Ganoon kayaman para pati gate ay high tech na rin?

"Hop in!" lingon nito sa kanya nang buksan nito ang driver's side na pinto ng kotse.

And, oh! Porsche! As in, Porsche ang sasakyan niya? Oh my! Talagang super rich ng aking knight and shinning armour.

"Pero, 'di man lang ako pinagbuksan? Napaka un-gentleman naman!" pabulong niyang sambit na binuksan ang pinto ng kotse.

Bakit? Girlfriend ka ba niya para maging gentleman siya sa'yo? Hoy! Amyra Izabelle, baka nakakalimutan mong hindi kayo close! In fact, sinupladahan mo pa siya kahapon, sita nang mahinang boses ng kanyang isipan.

"Ay, oo nga pala 'no?" aniyang napaupo na sa front seat kung saan ay katabi niya ang gwapong binata na siyang magmamaneho ng very expensive na sasakyan nitong Porsche.

"Are you talking to me?" kunot ang noong lingon nito sa kanya.

"No, I'm not," matipid na sagot niya dito. "I mean, yes," pag-iiba niya dito nang maalala ang kanyang ginawa kahapon.

"About what?" Hindi nakatingin sa kanya na sinimulan nang paandarin ang mamahaling kotse nito.

"G-gusto ko sanang humingi nang sorry kahapon. Medyo mainit lang kasi ang ulo ko," nahihiyang turan niya. Napayuko siya na pinagsalikop pa ang mga palad sa kanyang kandungan. "Saka, thank you na rin sa pagtulong mo sa akin kagabi. I really appreciate it, na sa kabila nang enakto ko kahapon sa hotel ay tinulungan mo pa rin ako," dagdag pa niya.

"Forget it," matipid na sambit nito na inilabas na ang kotse sa hightech na gate ng bahay nito.

Natahimik na lamang siya nang hindi man lang siya nito tinapunan nang pansin.

"By the way, I'm Izabelle.. Ikaw, anong name mo?" maya-maya ay pakilala niya sa sarili nang mabagot sa sobrang katahimikang namamagitan sa kanila sa loob ng kotse. Hindi naman siya pinansin nito na diretso lang ang tingin sa kalsada habang nagmamaneho.

Napahiya tuloy siya dahil sa pang-i-snob nito sa kanya. Kaya napilitan na naman siyang manahimik.

Ilang sandali pa ay hindi na naman siya nakatiis. Muli niyang nilingon ito at tatanungin na sana niya ulit kung ano ang pangalan nito. Gusto kasi niyang makilala ang kanyang knight in shinning armour. Ngunit tumunog ang kanyang cellphone kaya napilitan siyang sagutin iyon nang makita ang pangalan ng kaibigan niyang si Sandra.

"Nasaan ka? Bakit 'di ka na nakauwi? Tumawag sa akin si Jonathan at hindi na raw itinuloy ang deal niyong dalawa? Bakit? Anong nangyari?" sunod-sunod na tanong nito sa kanya sa kabilang linya na nagpadagdag sa sakit ng kanyang ulo.

Kaibigan niya si Sandra. Nakilala niya ito noong gabing naglalasing siya dahil sa natamo niyang kabiguan sa kanyang buhay pag-ibig. Ang gabi kung saan ay kakatapos lang ng kasal ng kanyang kakambal na si Alora at ang boyfriend niyang si Anthony sa Iloilo. Instead na pumunta sa reception at makisaya, ay dumiretso siya sa isang bar.

Naglalasing siya habang ang lahat ay nagsasaya. Buti nalang may isang Sandra na dumamay sa kanyang pighati. Nang makita siya nito na umiinom na mag-isa ay tumabi ito sa kanya. At 'yun, nakipagtagisan siya nang galing sa tagayan sa bagong kaibigang nakilala. 'Yun ang simula nang kanilang pagkakaibigan.

"Hoy! Naririnig mo ba ako? Nasaan ka ba? Pupuntahan na kita," nag-alala ang boses na tanong nito ang nagpapukaw sa kanya.

"Ha? Ahm, okay lang ako. May importante kasi akong pinuntahan. 'Tsaka, ginabi na ako kaya doon na ako nagpalipas ng gabi," pagsisinungaling niya dito at napakagat-labing tinapunan ng tingin ang binatang tila walang pakialam sa kanya.

"Iza, nagpakalasing ka na naman ba?"

Muli siyang napakagat-labi sa tanong nito. Ganoon ang kanyang kaibigan. Kilalang-kilala siya nito. Ewan nga ba niya kung bakit palagi siya nito nahuhuling nagsisinungling.

Napabuntong-hininga na lamang siya bilang sagot dito. "Belle, huwag mo kasing masyadong problemahin 'yun. Makakahanap pa tayo ng---"

"Saka na natin pag-usapan ang tungkol diyan, Sands. I'm on my way home na naman 'eh. I'll be there in thirty minutes," agaw niya sa kaibigan.

Hindi naman ito namilit kaya ini-off na niya ang kanyang cellphone at ibinalik sa bag.

"Saan ka pala bababa?" anang binata na hindi nakatingin sa kanya.

"Uy, may kasama pala ako dito? 'Buti naman at nagsalita ka. Akala ko kasi rebolto 'yung nagmamaneho."

"Excuse me? Pwedeng sabihin mo nalang kung saan ka bababa? Ang dami mo pang sinasabi," inis na tinapunan siya nito ng matalim na tingin.

"Sagutin mo muna ang tanong ko at sasagutin ko rin ang tanong mo," nakalabing lingon niya sa katabi ngunit hindi naman siya nito sinagot. "Hey, wala kaba talagang plano na magpakilala sa sarili mo? Kanina kapa 'di nagsasalita diyan. Baka mamaya niyan mapanis na ang laway mo."

"Madaldal ka rin 'no?"

"Naku, hindi naman. Mabait nga ako eh."

"Mabait? Pagtulog?" painsultong tugon nito.

"Oo, lalo na pag-gising." nakangiting namang lingon niya.

Napailing at napabuntong-hininga na lamang ito at hindi na muling kumibo.

Hanggang sa makarating na sila sa Ortigas at sinabi niyang ibaba na lamang siya nito. Huminto naman ang binata at agad naman siyang lumabas sa kotse nito.

"Oh ano? Ayaw mo talagang magpakilala sa akin?"

"No," matipid na sagot nitong agad na pinaharurot ang kotse paalis sa kanyang tinatatayuan.

"Aba, walang modo talaga 'yun ah!" Inis na sinundan niya ng tingin ang papalayong kotse nito. Nang makitang may daraan na taxi ay agad niyang pinara iyon at sumakay.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon