Chapter 11

11K 115 6
                                    

My Fake Wife
By: CatchMe


Chapter 11


"SHIT!" mura ni Carmilo na sinundan nang tanaw ang papalayong taxi.

Muli siyang napahaplos sa pisngi kung saan siya sinampal ng kanilang guest dahil sa kagagawan ng babaeng lasengga!

That witch! Magkikita pa rin tayo!, nangingit-ngit ang kaloobang sigaw ng kanyang utak.

"AYAN! Pinapalaki mo lang ang problema mo, Amyra Izabelle! Para ka lang kumuha ng bato para ipukpok dyan sa ulo mo!" sermon ni Sandra nang maabutan siyang nakahilata sa kanyang kama sa kanilang bahay na tinutuluyan.

Hindi na siya bumalik pa sa kanilang opisina kanina dahil sa takot. Baka kasi bumalik si Carmilo Calsado doon at kaladkarin siya muli para humarap sa medya. Aba, hindi yata niya kayang mapahiya sa kanyang pamilya. Ano nalang ang sasabihin ng magulang niya? Lalong-lalo na ni Anthony? Napabuntong-hininga siya at napabalikwas nang bangon.

"Magre-resign na ako, Sands."

"Ano? Adik ka ba?" bulalas ng kanyang kaibigan.

"Basta! Maghahanap ako nang bagong trabaho. 'Yung hindi alam ni Carmilo para hindi niya ako masugod ulit."

"So, akala mo matatakasan mo si Carmilo nang ganoon kadali?"

Natigilan siya sa tanong ng kaibigan. Matatakasan nga ba talaga niya si Carmilo? Hanggang kailan naman siya iiwas dito? Muli siyang napabuntong hininga sa walang makuhang sagot.

"RITA? What are you doing here?" salubong ang kilay na tanong ni Carmilo sa nakakabatang kapatid.

"Hi, Kuya! How are you?" masayang bati nitong lumapit sa kanya. Yumakap pa ito at humalik sa kanyang pisngi na ginantihan naman niya.

"What brought you here? Kumusta naman ang branch sa Antique?" tukoy niya sa hotel na mina-manage nito sa probinsya.

"Okay naman, Kuya. Inutusan kasi ako ni Mommy to meet her daughter-in-law. Kailan daw kayo uuwi sa Antique para makilala nina Mommy at Daddy ang asawa---"

"What?" napabulalas na putol niya sa sasabihin pa sana nito.

"Why, Kuya? What's wrong?"

"Rita! Pati ba naman kayo naniniwalang may asawa na ako?"

"Of course! May reason naman kasi kung bakit kailangan mong ilihim ang pag-aasawa mo. Remember Glaiza?" tukoy nito sa dalagang anak ng kaibigan ng kanilang ina.

Ipinagkakasundo kasi siya na ipakasal sa anak ng kaibigan ng kanilang ina. Dahil hindi pa daw siya nakapagmove-on sa hiwalayan nila ng fianceé niyang si France Maristel. Na ayaw naman niyang patulan dahil ayaw niyang pinapakialaman siya ng mga ito. Especially when it comes to his personal life. Kaya siguro naisip ng pamilya niya kung bakit inilihim niya ang pag-aasawa daw umano niya.

"C'mon, Rit. Huwag niyo ngang paniwalaan ang kumakalat na rumors dahil walang katuturan lahat ng 'yun."

"Ows, Kuya naman 'eh. Huwag mo na ngang itago ang asawa mo."

"I'm telling the truth, Rit. Believe me. I don't even know her!" napahawak sa noong wika niya.

Bigla namang natahimik ang kanyang kapatid na bahagya pang nakataas ang isang kilay.

"What do you mean by that Kuya?" mayamaya ay tanong nito.

"She's not my wife! She just declared that I am her husband and I don't know why. I supposed to bring her here in my office to let her explain why she said that stupid thing! At gusto kong bawiin niya ang sinabi niya sa harap ng media para malinis ang pangalan ko. But sad to say, natakasan niya ako," paliwanag niya sa dalaga.

"So you mean hindi mo talaga siya kilala?"

"No. Pero napaimbestigahan ko na siya. Kaya ko nalaman ang background ng babaeng 'yun. But seriously, I don't really know her."

"Wow! Baka naman patay na patay siya sa'yo Kuya, kaya ka niya inangkin na asawa niya?"

"Rita! Will you please stop joking?" inis niyang sikmat sa kapatid.

"Okay, okay." natatawang sambit ng dalaga. "Pero in fairness Kuya, ang ganda niya ha. 'Tsaka, excited pa naman sina Mommy na makilala ang asawa mo kaya agad niya akong pinapunta dito. And finally daw, nakamove-on ka na rin kay France-"

"Don't dare to say that, nor mention her!" agaw niya sa kapatid na bigla na namang natahimik.

"So what I'm gonna do Kuya? Tatawagan ko ba sina Mommy para ipaalam na hindi totoo ang kumakalat na balita?" Pag-iiba nito.

"I'll explain to them later about that issue."

"Pero Kuya, sigurado ako na pag nalaman nila na hindi totoong may asawa ka, tiyak na muling i-insist ni Glaiza 'yung pagpapakasal sa'yo. You know her. She's head over heels inlove with you. Yesterday nga nasa bahay sila kasama 'yung parents niya. Kinausap sina Mommy kung paano na ang pinaplanong kasal ninyo kung nag-asawa ka na pala. Sabi ni Mommy, wala na silang magagawa pa tungkol sa inyo ni Glaiza kasi nga nag-asawa ka na raw. But, pupunta rito sa Manila si Glaiza sa engagement party ni Blake. I'm sure, magkikita kayo doon," mahabang kuwento nito.

"Gezz.." inis siyang napahilamos ng kanyang mukha gamit ang kanyang palad. Hanggang ngayon ba naman nag-aasume pa rin ang childish na babaeng 'yun na sila ang magkaka-tuluyan?

Crap!

"Kuya, what if... totohanin mo nalang kaya 'yung pag-aasawa mo sa babaeng 'yun? Para naman hindi ka na gugulohin nina Mommy kay Glaiza. I don't like her for you Kuya. Mas bet ko pa rin 'yung girl na nagclaim na asawa ka niya. If I'm not mistaken, Amyra Izabelle ang name niya, right? Hamak na mas maganda si Amyra Izabelle kaysa kay Glaiza."

"Are you crazy?"

"Oh, c'mon, Kuya.. Sinasabi ko lang naman kung ano ang sa tingin ko. Ikaw din, baka mamaya niyan ang susunod na balita 'eh kay Glaiza ka na naman ikinasal," napatawang sambit nito na mas lalong inikinainis niya. "Think about it, Kuya." mayamaya ay wika ng dalaga. "Since hindi mo gusto si Glaiza, what if gamitin mo muna si Amyra Izabelle as your wife para ipakita kina Mommy at Daddy na may asawa ka na. Para tigilan ka na rin ni Glaiza."

"You mean, my fake wife?" nanlaki ang mga matang turan niya.

"Well, parang ganoon na nga. Kumakalat na rin lang naman 'yung balita 'di ba? Why don't you grab the latest issue? Para tantanan ka nina Mommy at Glaiza."

Natahimik siya bigla at napaisip nang malalim. Papatulan ba niya ang kabaliwan ng kanyang kapatid? Well, why not? Tama nga naman ito. Hindi na niya mapipigilan ang balitang may asawa siya. Mas mabuti nga sigurong gamitin na rin niya ang isyung kumakalat para layuan siya nang kinaiinisan niyang babae na gustong ipakasal sa kanya ng kanyang ina.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon