Part Four: Match Forty (The Final Match)

6K 163 29
                                    

Match Forty

The Final Match

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Seven years ago…

Nagulat ang isang babae noong biglang may nagsidatingan sa dati niyang mansyon. Ang alam niya ay matagal na niyang inabandona iyon, ngunit meron siyang inutusan mangalaga rito. Alam niyang hindi namamalagi rito ang tagapangalaga kaya laking gulat niya noong nalamang may nakapasok sa mansyon at sa ganitong oras pa ng gabi.

Malapit nang mag-hatinggabi. Kailangan na niyang magmadali. Hindi na dapat siya pupunta pa rito, ngunit kinakailangan niyang kuhanin ang mga naiwang dokumento sa mansyon.

Nakarinig siya ng yapak ng mga paa at mga boses. Napagtanto niyang mga bata iyon. Bago pa man siya nakakilos kaagad, biglang bumukas ang pintuang matagal nang may sira.

Unti-unti siyang lumingon. Bumungad sa kanya ang dalawang bata. Isang batang lalake at isang batang babae. Mga nasa sampung taong gulang na siguro ang mga ito.

“Calvin!”

“Cookie!”

Pagkakataon na niya iyon para magtago. Mabilis siyang nakapagtago gamit ang kanyang espesyal na abilidad. Nakita niyang lumingon sa likod ang dalawang bata, ngunit noong tumingin sila ulit kung saan nila nakita ang babae, wala na ito.

Magkahalong takot at pagtataka ang dulot ng eksenang iyon sa dalawang bata. Umalis sila kaagad at ang iba pang mga kasama nila.

“Great-aunt Hana!”

Napalingon siya at nagulat noong nakita ang isang batang babaeng papalapit sa kanya.

“Hija, kilala mo ba ang mga batang iyon?” tanong niya sa batang babae na mga sampung taong gulang din katulad ng dalawang bata kanina.

“I don’t understand,” sagot ng bata. Nakalimutan niyang hindi nga pala nakakaintindi ng Tagalog ang batang iyon.

“Do you know them?”

“Great-aunt Hana, how am I supposed to know them when I only saw them just now?”

Tumango ang babae. May punto nga naman ang apo, ngunit bakit parang naramdaman niyang nagkita na ang apo niya at ang batang babae kanina?

“You saw those two kids, right? What can you say about them?”

Hindi niya alam kung bakit niya iyon biglang naitanong sa apo, ngunit may hindi talaga siya mawari noong nakita niya ang dalawang batang iyon.

Nagkibit-balikat ang apo niya. “Huh? I don’t know.”

Saglit na naghari ang katahimikan hanggang sa muling nagsalita ang kanyang apo.

“I know!” biglang sabi ng apo niya. “They are matched!”

Nagulat siya sa sinabi ng apo. “Matched? How do you know?”

Paano nalaman ng apo niya ang nasa isip niya kani-kanina lang?

“The boy is wearing black and the girl is wearing white. Master told me that black and white are opposites. Yin and Yang. They attract each other. Therefore, they are matched because they bring balance,” paliwanag ng apo niya.

Napaawang ang bibig ng babae sa sinabi ng apo. Alam niyang henyo ang batang ito, ngunit tama bang gamitin ang kulay para ipaliwanag ang bagay na iyon? Muli ay hindi na naman niya maintindihan ang tumatakbo sa utak ng kanyang apo.

MatchedWhere stories live. Discover now