Part One: Cookie's Court (Match Ten)

3.6K 105 12
                                    

Match Ten

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Pagkatapos kong punasan ulit si Calvin,  I checked his temperature. Mukhang bumaba na ang lagnat niya. Pinainom ko na siya ng gamot kanina at dahil nga nanghihina siya eh hindi siya nag-react. Aba, dapat lang. Bawal siyang magreklamo kundi sasabunutan ko siya.

Nakaligo at nakapagbihis na ako ng sleeping attire, pero hindi pa rin ako makatulog. Baka kasi tumaas na naman ang lagnat ng halimaw na ‘yun. Alas-dose na ng madaling araw at inaantok na ako. Mabuti na lang at nag-text ang Supreme Student Council at ibinalitang wala raw pasok bukas dahil may meeting daw ang mga propesor. Dapat lang walang pasok dahil malakas pa rin ang ulan.

Dahil antok na talaga ako, hindi ko namalayang nakatulog ako sa may bedside ni Calvin.

Ang lamig. Kailangan ko ng kumot at unan. Kinapa ko ang paligid. May malambot akong nakapa.

Ang sarap matulog. Alam kong umuulan. At alam ko ring walang pasok. Kaya matutulog ako hanggang tanghali.

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Huminga ako nang malalim.

Ang bango. Amoy baby. Ay, hindi, mali. Amoy bata. Hindi rin. Amoy… pamilyar na amoy eh. Binuksan ko ang isang mata ko. Ah. Unan lang pala.

Eh bakit…

Unan nga, pero may unan bang matigas?

Hindi. Malambot ‘yan, Nicole.

Pero… matigas nga sabi eh.

Bigla akong napasigaw. Dali-dali akong bumangon.

“Ang aga-aga, ang ingay,” reklamo niya.

“Hoy! Bakit tayo magkatabi!?” natataranta kong tanong. Hindi siya sumagot at humiga ulit.

“Calvin!” sigaw ko. Deadma. Inalog-alog ako siya.

“Tumahimik ka nga,” sabi niya.

“Hoy!” sigaw ko noong bigla niya akong hinatak at niyakap.

“Cookie, let’s just sleep, OK?”

“Pero…”

“Please?”

I fell silent. Leche. I can’t breathe.

“Calm down, Cookie,” he whispered. Calm down? How!? “Ang lakas ng pintig ng puso mo.”

Malamang. Ikaw kaya yakapin ng isang taong lobo, ‘di ka kaya mag-palpitate!?

Tumawa siya nang mahina. “Are you that scared of me, Cookie?”

“Sinong takot!?”

“Nanginginig ka eh.”

“Anong nanginginig? Kinikilabutan ako!”

He smirked. “Kinikilabutan o kinikilig?”

“Sabihin mo lang kung gusto mo nang sumalangit at ako mismo ang papaslang sa’yo, leche ka.”

 Tumawa lang siya nang mahina. “Sweetdreams, Cookie.”

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Shh, Manang, they’re still sleeping.”

“Oo nga po, Ma’am, kanina pa sila tulog.”

“Wala namang pasok eh.”

“Pero, Ma’am, hindi niyo po ba sila gigisingin para sa agahan?”

“Naku, mas masarap pa sa agahan ‘yung lagay nilang ‘yan.”

“Ma’am—”

“Manang, just be quiet.”

MatchedWhere stories live. Discover now