Part Three: Calvin's Court (Match Thirty)

3.5K 103 10
                                    

Match Thirty

Calvin’s Court

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Antok na ‘ko pero hindi ako makatulog. Takte. Kasi naman…

Si Cookie kasi!

Naalala ko tuloy ‘yung kanina. Takte.

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“May monthly period ka, Calvin?” tanong niya. Naglalakad kami papunta sa McDo. Kanina pa kami nakauwi kaso nagpasama ang biik na bumili sa McDo malapit sa subdivision namin. Nilakad lang namin. Malapit lang naman. Exercise na rin. Para na rin mabawasan ‘yung mga taba niya.

Wala naman siyang taba. Trip ko lang inisin. Saka wala lang, trip ko lang na maglakad kami. Eh mukha naman ding ayos lang sa kanya eh. ‘Di naman siya nagreklamo noong sinabi kong maglakad na lang kami.

“Monthly period?” nakakunot-noo kong tanong.

“Regla! Ang sungit mo kasi,” sabi niya.

Ako, masungit? Kailan ko siya sinungitan? Siya kaya ang laging nagsusungit.

“Hindi naman, ah?”

“Eh kanina ka pa kaya mukhang bad trip,” sabi niya.

Bad trip? Ako? Hindi naman. Nairita lang ako doon sa pagmumukha ng Cedric Madrigal na ‘yun. Sarap tapalan ng tela nang hindi na makita.

“Wala,” sabi ko.

Nagkibit-balikat siya.

Tumahimik ang paligid hanggang sa nagsalita siya ulit. “Hindi, bad trip ka talaga eh.”

Tumigil siya sa paglalakad at nakapamewang na humarap sa’kin.

“Hindi nga sabi eh,” sagot ko.

Inilapit niya ‘yung mukha niya sa akin at kinilatis niya ang mukha ko.

Takte, parang naubusan yata ako ng hangin.

Napaatras ako. Tinaasan niya ako ng kilay.

“Hay naku, may regla ka nga. Tara, ililibre kita!” masiglang sabi niya at hinila niya ang kamay ko.

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Utang na loob naman, Cookie, patulugin mo naman ako.

Maaga pa ang alis namin bukas. Bukas na kasi ang umpisa ng sports camp. Anong oras na, gising pa ako? Alas-dos ng madaling araw.  Mali. Mamaya na pala ang alis namin, takte. At alas-kuwatro ng madaling araw ang kasunduan.

Sports camp na naman. ‘Buti hindi namamahay si Cookie kapag nasa sports camp. Mula noong pitong taong gulang kami ay nagpupunta na kami sa mga sports camps at sa kabutihang palad eh hindi natatakot si Cookie kapag natutulog sa mga sports camps. Siguro ay dahil pagod na siya masyado kaya nakakatulog siya kaagad. Ang importante naman eh hindi siya iiyak doon.

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Oh, bakit ganyan ang hitsura mo, Calvin?” tanong niya sa’kin. Nagtanong pa. Kasalanan niya ‘to eh.

“Wala. Tara na nga.”

Hinila ko ang kamay niya. Baka mamaya eh kung saan pa mapadpad. O kaya naman ay biglang may asungot na nangangalang Cedric Madrigal ang sumulpot tapos kidnapin pa itong biik na ‘to.

“Teka nga, Calvin! Bitiwan mo—”

“Puwede bang ‘wag ka nang magreklamo at sumunod ka na lang?” antok kong sabi.

MatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon