Part Four: Match Thirty Eight

3.6K 113 7
                                    

Match Thirty Eight

Calvin’s Court

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Move, move!” sigaw ko.

“Captain naman!”

“Break time muna!”

“Oo nga!”

“Kailangan ko ng tubig!”

“Kailangan ko ng kama!”

“Takte, bakit kama?”

“Malamang dahil magpapahinga ako, tanga!”

“Maka-tanga ka naman!”

Tumigil ako sa pagtakbo. Otomatikong tumigil din sila. Hinarap ko ang mga nagrereklamong manlalaro.

“Mga bakla ba kayo? Ba’t ang dadaldal niyo? Kailan pa kayo natutong dumaldal habang tumatakbo?” inis kong tanong. Ngumisi si Paolo. Umiling naman si Russel.

“Kayo kasi, ang iingay niyo!” sigaw ni Neal.

“Nagsalita ang hindi maingay,” bulong ni Hans.

“Oo nga! Bakit ba kasi ang dami niyong reklamo?” tanong ni Vince.

“Huh? Kayong dalawa kaya ni Neal ang pasimuno ng reklamo!”

“Oo nga!”

“Tama!”

“Manahimik nga kayo. Fine, fifteen minutes break!” sabi ko. Nagsigawan sila sa tuwa.

Naglakad ako papuntang bleachers at umupo. Pagkakuha ko ng water jug ko, may papel na nahulog.

Hoy, Taong Lobo,

Nilagyan ko ‘yan ng lason. Inumin mo. Magkita na lang tayo sa impiyerno.

Takte.  Dali-dali kong binuksan ang water jug ko at inamoy. Gatorade. ‘Yung paborito ko. Pambihirang biik ‘yun. Pero… takte, ‘di ko mapigilang ngumiti.

“Ba’t may nakangiting mag-isa diyan?” biglang tanong ni Neal.

“Tanga, kilig ang tawag diyan,” sabi ni Vince.

“Maka-tanga ka! Pero, oo nga, ‘no, parang may isang taong kinikilig diyan sa tabi,” nakangising sabi ni Neal.

Takte, ‘di ko mapigilan. Tumalikod ako sa kanila.

“Tama na ‘yan, Captain, halatado ka na,” natatawang sabi ni Vince.

Humarap ulit ako sa kanila. “Ano bang sinasabi niyo? Nananahimik ako rito, ‘wag kayong istorbo,”

“Nananahimik o nagmo-moment mag-isa? Galing kay Cookie ‘yan, ‘no?” tanong ni Neal.

“Tigilan niyo na nga ‘yang si Calvin. Lalo niyong ginugulo, lalong naaalog utak,” masungit na sabi ni Paolo.

“Calvin!”

Lumingon kaming lahat. Tumakbo si Jela papalapit sa’min, natataranta. “Calvin! Si Cookie!”

Nanlamig ako. Napatayo ako bigla. “Anong nangyari kay Cookie!?” tanong ko.

“Naaksidente si Cookie!”

Hindi ko na hinintay ang sumunod na sinabi ni Jela at kumaripas na ako ng takbo papunta kung saan nagte-training sina Cookie.

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Nasaan si Cookie!?” tanong ko noong makarating ako sa gym nila. Nakita ko sina Mica at Mayet na nagliligpit ng mga ginamit na bola ng Volleyball.

MatchedWhere stories live. Discover now