Part One: Cookie's Court (Match One)

10.3K 169 21
                                    

Part One: Cookie’s Court

Match One

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Naniniwala ako kay Prince Charming.

Dati. Oo, tama. Dati nga. Naniniwala nga ako. Pero sabi ko nga, dati, meaning dati ‘yun. ‘Yun ay noong bata pa ako at wala pang halos kamuwang-muwang sa mundong ito. Naniniwala ako dati sa fairy tales at sa kung anong kalokohan pa ang nakakabit sa topic na ‘yan. Pinapangarap ko pa nga dati na someday, matatagpuan ko rin ang aking very own Prince Charming at ire-rescue niya ako at dadalhin niya ako sa kanyang palasyo. Corny. Dati, ini-imagine ko pa ngang ako si Cinderella na ire-rescue ni Prince Charming sa mga umaapi sa’kin. O kaya naman minsan, ini-imagine kong ako si Snow White na nakakain ng mansanas na may lason tapos iki-kiss ako ni Prince Charming para magising.

Pero siyempre, habang tumatanda at nagdadalaga ako, unti-unting naglalaho ‘yang mga pantasyang ‘yan sa utak ko. Prince Charming? O Prince Charing? Charing naman talaga eh. Mga guys ngayon eh sila pa yata ang need i-rescue. Parang si Beast ng Beauty and the Beast.

May gentleman pa ba? Wala na akong makita. O sadyang puro epal at hambog lang talaga mga nakapaligid na lalake sa planetang ‘to.

OK, fine. ‘Di naman ako guy-hater. Pero ayoko pa rin sa kanila. I don’t hate them, but I also do not like them. Teka, teka, hindi ako lesbiana. No offense to lesbians out there. Straight akong babae. Feminist nga ako eh. Pro-women.

Bakit ba ayaw ko sa guys? Eh kasi, physically speaking, mukha naman silang tao. Pero psychologically and emotionally speaking, halatang hindi. Ewan kung ano sila. Martians? Sugo ng mga elemento? Ewan. Care ko? Basta ayoko sa kanila.

Kasi naman! Ang hirap nilang basahin. Ine-expect ba nilang mind-readers kaming mga babae? Minsan eh biglang pagtatawanan nila kami. Tapos maya-maya, iisnabin kami. Tapos biglang loloko-lokohin kami. Tapos pagtatawanan ulit. Kung normal ‘yan eh ano ang pa ang abnormal!?

Heto pa. Magsho-shopping kami. Eeksena sila. Eepal bigla. Tapos biglang sasabihing ‘yung mga pinipili naming damit eh ‘di naman daw bagay sa’min. Feeling maganda raw kami. Tapos magrereklamo na ang tagal-tagal daw namin sa malls mag-shopping, eh ‘di naman sila sinasama, ‘di ba?

Sabihan pa kami minsan ng ang ikli-ikli ng palda namin eh ‘di naman daw kami sexy. Tapos kapag mahaba ang palda namin, sasabihan pa kaming nag-aastang santa-santita raw kami.

Heto pa. Minsan, manunuod kaming mga girls ng sine. Bigla silang eepal. Sasama sa’min eh ‘di naman nila trip ‘yung panunuorin namin. Example, ‘yung ‘A Walk to Remember’. Siyempre, nakakaiyak ‘yun, ‘di ba, so kaming mga girls eh humahagulhol na sa eksena. eh sila, ‘kala mo kung sinong mga bato, kunwari pang ‘di affected eh itinatago lang naman nila ‘yung mga luha nila.

At ‘eto pa. So like nilang mag-DOTA? So kami naman eh trying to be nice kaya trying hard naman kaming intindihin ‘yung larong ‘yan. Tapos sila pa ang may ganang mairita sa pagpapaliwanag sa amin eh sa hindi namin ma-gets eh. Sabihan pa kaming stupid. As if kailangan namin maging magaling sa DOTA para makapasa sa college subjects.

Heto ang pinakamalupit. Kapag like ni guy si girl eh instead of treating her nicely, sh*t, aasarin niya si girl nang bonggang-bongga para makuha ‘yung attention ni girl. Normal ba ‘yan? Kung normal ‘yan, well, no thanks na lang kung sino mang nilalang ang magkagusto sa akin—kung meron man.

Ang ingay. Naglalakad ako papuntang classroom. May nagsisigawan. Ang aga-aga, naninira ng momentum. May biglang nabasag sa loob ng room. Hala. Pagpasok ko, basag na ‘yung bintana sa may likod ng room. Grabe, anong nangyari?

“Beki, ananyareh doon?” tanong ko kay Jela.

Nagulat ang bakla. “Kakanerbyos ka naman, Beki!”

MatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon