Part One: Cookie's Court (Match Four)

4.4K 114 8
                                    

Match Four

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Seryoso? ‘Di nga?” natatawang tanong ni Jela. Malapit na siyang umiyak sa katatawa. Pinanuod ko lang siyang tumawa. Sige pa, tawa pa, hanggang sa mabaliw kang bakla ka. Finally, kumalma na siya.

“Seryoso talaga? As in? ‘Di nga, Cookie, sinabihan mo siyang mabaho ang paa niya? The best ka!”

Ikuwinento ko kasi kay Jela ‘yung eksena sa jeep kahapon.  “Sh*t, Jela, hindi ko nga gustong sabihin ‘yun kaso umepal kasi eh.”

“Eh anong sabi ni Calvin?”

“Wala, deadma siya. Wala ngang kuwenta eh.”

“Hindi ka ipinagtanggol?”

“Hindi ko kailangan ng pagtatanggol niya.”

“Sus, kunwari ka pa. eh ‘buti pumayag ka na siya ang sumama sa’yo?”

“Eh sa wala akong choice eh! Hindi ko kabisado ang Recto! Ayan na ang libro mo!”

“Wow, thank you, ang bait mo talaga, Beki!”

“‘Wag mo ‘kong bolahin! Kung ba naman hindi ka nag-inarte kahapon, eh ‘di sana nasamahan mo ‘ko sa Recto!”

“Beki naman, it’s like, well, you know, a crime for my goddess skin to be under that blistering heat!”

“OA mo. Pasalamat ka, mabait ako at idinamay kita sa pagbili ng TOA!”

“Eh matitiis mo ba naman kasi ako?”

“Ikaw, oo. ‘Yung ingay mo sa pagpaparinig kung sakaling hindi kita bilhan niyan, hindi!”

“Buti alam mo!”

Dumating na si Ma’am Pia at nagsimula na ang klase sa Accounting.

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Gora tayo sa mall, Beki,” sabi ni Jela. Katatapos lang ng klase namin sa Social Science 1.

“Hindi ako puwede. May Sorority Socials ako, remember?”

“Naman, ala-una pa ‘yun!”

“Hoy, tingnan mo nga, kakain pa tayo ng lunch tapos ba-biyahe pa tayo. Gusto mong ma-late ako?”

“Naman kasi ‘yang SS niyo. Para saan ba ‘yan, ha?”

“Paulit-ulit? Personality Development nga eh.”

“Whatever. Masyado silang discriminating. Dapat pati ang mga dyosang katulad ko eh allowed sa ganyan.”

“Asa. Tara na, lunch na tayo. Gutom na ako.”

Naglakad na kami papunta sa cafeteria o canteen o kung ano man ang tawag sa bilihan at kainan ng mga estudyante at professors sa university na ‘to.

“Cookie Mendoza?”

Lumingon ako at napaatas ng kilay. Noong nakita ko ang isang guy. Dahil hindi ako sumagot, si Jela ang umepal.

 “Yes, Pogi?”

Hindi siya pinansin ng lalake. Nakatingin ito sa akin. “Cookie Mendoza ang pangalan mo, ‘di ba?”

“So?” tanong ko.

Ngumiti siya. “I’m Vincent Chua. Taga-kabilang section ako.”

“So?” tanong ko ulit. Siniko ako ni Jela.

I sighed. “Anong kailangan mo?” tanong ko.

“Puwede ba manligaw?”

Nanlaki ang mga mata ko. Ano raw!?

MatchedWhere stories live. Discover now