Part One: Cookie's Court (Match Nine)

4K 117 16
                                    

Match Nine

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Naglakad kami papunta sa outside parking lot ng mall. Doon sa labas nakapag-park si Calvin dahil puno na raw ang parking lot na may bubong. Umuulan kaya nilabas ko ang payong ko at nag-share kami sa payong. Ang lakas ng ulan. Malamang walang payong si Calvin dahil hindi naman siya nagdadala ng payong. So ibig sabihin…

“Calvin? Nagpaulan ka?” tanong ko. Sakto namang bumahin siya. “Naman, Calvin! ‘Wag mong sabihing naulanan ka?”

Napakapasaway niya kahit kailan. Sana hindi na siya pumasok sa mall at ako na lang ang pinapunta niya sa parking lot. Nakakainis, parang gunggong.

“Bumili muna tayo ng gamot,” sabi ko sa kanya sabay hila sa braso niya.

“Napa-praning ka na naman, Biik.”

“Hoy! Hindi ako biik! Ako na nga ang concerned, ako pa ang praning? Eh kung ba naman kasi hindi ka nagpaka-bayani sa ulan, ‘di sana hindi ka bahin nang bahin diyan!” Para talagang gunggong! Paano kung magkasakit siya!?

“Saglit lang naman akong naulanan at saka tuyo na ang damit ko kanina pa.”

“Natuyuan ka!?” sabi ko sabay kappa ng polo niya. Ang lamig ng polo niya. Eh nagtagal pa siya sa loob ng mall na malamig! Napaka-walang common sense!

Hinila ko siya pabalik sa mall. “Gunggong! Bakit ka nagpaulan at natuyuan ka pa sa malamig na mall? Tara, bibili tayo ng gamot!”

“‘Wag na, Cookie. Ang praning mo.” Hinila naman niya ako pabalik sa parking lot. “Malapit na tayo sa kotse.”

Dahil matamlay siya at obvious na masama ang pakiramdam, hindi na ako nakipagtalo. Nakarating din kami sa kotse niya at inilagay niya sa backseat ang mga basura ni Jela. Tapos ay pinayungan niya ako habang pumasok ako sa kotse. Pagkapasok niya sa kotse, namumula siya. Alam ko ang senyales na ito. Simula four years old ako eh alam ko na ang ibig sabihin ng ganitong hitsura niya. Nilalagnat siya. Ang hindi ko lang alam eh kung gaano kataas ang lagnat niya.

Muli siyang bumahin. Inilagay ko ang palad ko sa noo niya.

“Hoy! Puwede nang magprito ng itlog sa noo mo!” inis kong sabi. Naiinis talaga ako. Hindi siya dapat nagpapaulan! Ngumiti lang siya habang nakapikit. Masama ito. Malakas ang resistance ni Calvin, pero kapag nagkasakit eh sobra.

“Calvin?”

Iminulat niya ang mga mata niya. “Bakit?”

“Akin na ang susi ng kotse.”

‘Yung totoo? Ewan ko kung anong pumasok sa kokote ko at nasabi ko ‘yun. Dala lang siguro ng pagkapraning.

Nanlaki ang mga mata niya. “Hindi puwede, Cookie.”

Kinuha niya sa bulsa niya ang susi ng kotse at nag-attempt paandarin na ang kotse, pero bigla ko itong inagaw sa kamay niya.

“Cookie,” sabi niya in a warning voice. He glared at me. I glared back. “Ibalik mo ‘yan.”

“No, Calvin. Kung magmamaneho ka eh siguraduhin mong nasa katinuan ka. Eh halatang hindi kaya ng katawan mo kaya umalis ka diyan at ako ang magmamaneho.”

Ang tapang ko.  Parang kayang-kaya ko lang magmaneho.

“Cookie, ‘wag makulit. ‘Yung huling beses na nagmaneho ka ay naibunggo mo ang kotse ni Nigel.”

“At ngayon eh malamang ikaw naman ang makakabunggo nitong sarili mong kotse. Puwede ba, Calvin, ayokong mag-suicide. At kung magsu-suicide rin lang ako, ayokong kasama ka dahil tiyak eh sa impiyerno ang punta natin,” sabi ko.

MatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon