Part Three: Calvin's Court (Match Twenty Eight)

3.4K 103 8
                                    

Match Twenty Eight

Calvin’s Court

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Makita ko pa ulit ang gagong ‘yun, bibigwasan ko na. Sinong nagsabing puwede siyang tumabi nang ganoon kalapit kay Cookie? Baka gusto niyang manghiram ng mukha sa bayawak? At ito namang biscuit, kinausap pa ‘yun! Puwede namang oo o hindi lang ang isagot eh. Dapat kasi nauna akong matapos eh nang hindi na siya nagpunta pa sa gym. Takteng Neal at Vince naman kasi. Kahit kailan, ang gugulo.

“Calvin, gutom na ‘ko,” nanlulumong sabi ni Cookie.

“Saan mo gustong kumain?” tanong ko.

“McDo!” she replied.

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Kumpleto ba?” tanong ko.

“Oo!” masayang sagot niya.

Mabuti naman. Ayokong bumalik ulit doon sa counter. Nakakahiya. Ang dami kong binili. Chicken McDo with rice, McSpaghetti, large fries, cheeseburger, coke float, at caramel ice cream. Kay Cookie lang lahat ‘yun. Manok, kanin, at coke float lang ang binili ko. Baliktad ba? Hindi naman kasi ako matakaw eh. Si Cookie ang matakaw.

“Calvin, ‘yan lang ba ang kakainin mo?” tanong niya sa akin. “Mabubusog ka ba diyan?”

“Nagmamalasakit ka yata?” nakangising tanong ko naman sa kanya.

“Eh mukha ka naman kasing kawawa diyan. ‘Yan lang ba talaga ang kakainin mo? Lampayatot.”

Huh. Ako, lampayatot? “Nakita mo naman ang abs ko, ‘di ba, Cookie? Paano ako naging lampayatot?”

“Abs mo mukha mo. Wala kang abs. Taba ‘yun, Calvin, tanggapin mo na.”

“Taba? O, ‘kala ko ba lampayatot ako? Tapos ngayon ay may taba na? Ang labo mo talagang kausap.”

“Whatever!” sabi niya at nagsimula na siyang kumain.

Hindi talaga ako matakaw. Isa pa, nauumay na ako sa McDo. Mukhang McDo naman kasi ‘tong si Cookie eh. Malamang siya ang masusunod sa tuwing kakain kami.  Buti na lang pala mayaman kami, este sina Daddy at Mommy lang pala. Kasi ang takaw ni Cookie. Kapag nagkataon, mabubutas talaga bulsa ng makaka-date nito.

Pero… date? Huh. Sino naman ang magkakamaling makipag-date sa biik na ‘to? Teka… may naalala ako.

“Hoy, Cookie, sigurado ka bang hindi mo kilala ‘yung lalake kanina?” nakakunot-noong tanong ko.

Umirap siya. “Ang kulit. Nagtanong nga lang eh!”

“Eh bakit ang tagal niyong nag-usap?” usisa ko.

“Matagal na ba ‘yun?” nagtatakang tanong niya.

“Oo, matagal na ‘yun. Sa susunod nga, ‘wag ka nang makikipag-usap sa mga hindi mo kilala,” bilin ko.

“Aba, aba…”

“Baka makidnap ka pa. Mahal pa man din ang ransom ng mga baboy at biik. Tapos ginagawa pang botcha,” sabi ko.

“Hoy—”

“Ayoko namang maging botcha ka, kawawa naman ‘yung mga mabibiktima,” pagpapatuloy ko.

“Aba’t—”

“Tapos malulungkot pa sina Tita Naomi at Mommy,” sabi ko. “Tapos—”

“Hoy, Calvin, sumusobra ka na!”

Nagsitinginan ‘yung mga tao sa amin.

“Boses,” paalala ko. Kumuha ako ng fries at isinubo ko ‘yun sa bunganga niya.

MatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon