Part Four: Match Thirty Two

2.9K 109 18
                                    

Match Thirty Two

Cookie’s Court

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Calvin!” masayang tawag ko sa kanya.

“Cookie! Saan ka ba nanggaling?”

“Diyan lang,” sagot ko.

“Ayan na naman yang ‘diyan lang’ mo,” he muttered.

“Whatever! Tara!” sabi ko habang hinahatak ang damit niya.

“Teka, teka, saan naman tayo pupunta?”

“Maghahanap tayo ng mga ligaw na kaluluwa!” masayang sagot ko.

“Huh?”

“Tara na!”

“Teka, Cookie. Ligaw nga sila eh, ligaw. Hahanapin mo eh ligaw nga?” nakangising tanong niya.

“Eh kaya nga hahanapin kasi naliligaw sila!” masiglang sagot ko.

“Teka, ba’t ba interesado ka doon? ‘Wag mo na nga silang gambalain.”

I pouted. “Haechu,” I said, crossing my arms.

“Magmamaktol ka na naman? Tara, libutin na lang natin ‘tong lugar, pero ‘di tayo maghahanap ng ligaw na kaluluwa,” sabi niya.

“Sige, sige!” masiglang sagot ko.

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Ayun, Cookie, tingnan mo ‘yung kulay ng tubig,” sabi ni Calvin.

“Oo, nakita ko! Ang ganda! Puwede ba ‘tong iuwi?”

Gusto kong ilagay sa aquarium namin tapos lalagyan ko ng mga isda! Fighting fish! Puwede yun, ‘di ba?

“Baliw, iuuwi mo ‘yung dagat?” nakangising tanong niya.

“Sira-ulo! May sinabi ba akong iuuwi ko ‘yung dagat mismo? ‘Yung tubig lang! I mean, gusto kong ilagay sa malaking bote tapos iuuwi ko. Ilalagay ko sa aquarium,” paliwanag ko.

“Ang daming tubig sa bahay niyo, ba’t kailangan mo pa ‘tong tubig dito sa dagat?” nagtatakang tanong niya.

“Eh ganito ba ang kulay ng tubig sa bahay? Naman, Calvin! Utak, utang na loob,” sagot ko.

“Aba, aba…”

“Dali, hanap tayo malaking bote!” masiglang sabi ko.

“Cookie, kabibe nga eh bawal iuwi, tubig pa kaya? Baka mahuli tayo,” sabi niya.

“Nakikita mo bang may ibang tao bukod sa’tin? Ang praning mo!” sabi ko.

“Seryoso kang mag-uuwi ka ng kabibe?” gulat niyang tanong.

“Oo naman! Mukha ba akong nagbibiro?” nakataas-kilay kong tanong.

“Oo,” sagot naman niya.

“Cheh! Basta tulungan mo na lang akong i-smuggle ang mga kukunin kong shells.”

Nabuntong-hininga siya. “May magagawa pa ba ako?”

“Wala! Kaya dali, mangolekta na tayo ng shells.”

“Kanina tubig, ngayon naman kabibe,” umiiling na sabi niya.

Nandito kami sa may tabing-dagat. Ang ganda pala talaga dito sa lugar na ‘to. At ang tubig-dagat na trip kong iuwi ay maganda talaga ng kulay. Unusual shades of blue na nahaluan ng shades of green na nahaluan ng ‘di ko malaman kung anong kulay pa. Basta… ‘di ko ma-explain. Ang ganda talaga.

MatchedWhere stories live. Discover now