Part One: Cookie's Court (Match Six)

4K 117 19
                                    

Match Six

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Nakapag-shower at nakapagbihis na ako. Mukhang naaliw sa pagsho-shopping sina Mommy kaya nararamdaman kong dito ako matutulog kina Calvin. May mga damit at gamit ako rito. Masyadong gusto ni Tita Caitlyn ang ideyang may bibihisan siyang batang babae kaya naman simula noong bata pa ako, binibilhan na niya ako ng mga damit at kung anu-ano pang mga kagamitang pambabae.

Mag-uumpisa na sana akong magsagot ng Accounting problems noong bigla kong naalala ang Practice Set namin. Paano nga pala namin iyon gagawin? Lumabas ako ng kuwarto, dala-dala ‘yung Practice Set ko at nagtungo sa impiyerno, este, sa kuwarto ni Calvin. Bakit kasi siya pa talaga ang naging partner ko? Malas. Kumatok ako.

“Bukas ‘yan.”

Binuksan ko ‘yung pinto at nakita ko siyang nakahiga sa kama at nakaharap sa TV.

“O, Cookie, ‘kala ko ba ayaw mo ‘kong makita ngayon eh ‘kaw pala ‘tong susunod sa akin sa kuwarto,” nakangisi niyang sabi. Tiningnan ko siya nang masama.

“Baliw! Kung hindi lang dahil sa pestilenteng Practice Set na ‘to, hindi ako magkakamaling tumapak sa kuwarto mo!”

“Hindi raw, eh samantalang dati eh may nalalaman pa kayong pa-spy spy ni Jela dito sa kuwarto ko.”

“Calvin, elementary pa ‘yun. Puwede bang kalimutan mo na ‘yun!?”

“Oo na, sige na. Ano bang kailangan mo, ha? Nanunuod ako eh.”

“Sinabi nang tungkol sa Practice Set eh! Ano na ang gagawin natin dito?”

“Sandali lang, tatapusin ko lang ‘to.”

At bumalik ‘yung attention niya sa TV. Aba, dineadma akong nakatayo sa doorway niya?

“Baby Doll, bakit nakatayo ka lang dito?” Napalingon ako. Si Tita, dumating. Bigla niya akong niyakap at pinisil-pisil ang kawawang mukha ko.

“Ang bango naman ng baby ko. Oh, Calvin, amuyin mo si Cookie, amoy baby.”

“Baby o baboy?” sagot ni Calvin.

Nagsisimula na naman siya! “Hoy!”

“Hoy, Calvin, baka gusto mong i-bungee kita diyan sa bintana mo!? Bakit mo hinahayaang tumayo lang dito si Cookie!? Tara, Baby, upo ka muna rito at ikukuha kita ng snacks.” Hinatak ako ni Tita papunta sa study table ni Calvin.

“Hay naku, Mommy, kaya ‘yan nagiging matakaw eh, pinapalamon niyo nang pinapalamon,” biglang sabi ni Calvin habang nakadikit ang mata sa TV.

“‘Wag ka nga! Babasagin ko ‘yang TV mo ‘pag ‘di ka tumigil diyan!” sabi ni Tita. Si Tita ay mas bayolente pa ‘ata kaysa sa akin. Kaya takot si Calvin sa kanya. Ayun, tumahimik. Natakot mawalan ng TV.

“Wait mo ‘ko dito, Baby, ha. At ikaw…” Tumingin siya sa direksiyon ni Calvin. “‘Pag inaway mo na naman si Cookie, ico-confiscate ko ‘yang TV mo!”

“Oo na,” sabi ni Calvin.

“Hay naku, Tita, mabait lang ‘yan pag kaharap ka,” sabi ko.

“Don’t worry, Baby, hindi ka niya gagambalain.”

“Aba, parang wala kayo sa kuwarto ko, ah?” sarcastic na sabi ni Calvin. Tiningnan siya nang masama ni Tita at tumahimik din siya. Lumabas na ng kuwarto si Tita.

“Ang tagal naman niyan, Calvin,” maktol ko.

“Malapit nang matapos ‘to, sandali na lang.”

MatchedWhere stories live. Discover now