Part Two: Calvin's Court (Match Twelve)

4K 112 26
                                    

Match Twelve

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Galit si Cookie. Yata? Narinig ko kasi siya sa loob ng kuwarto niya, mukhang gumagawa ng kulam eh. Panay banggit ng pangalan ko tapos may mga katakut-takot na sinasabi katulad ng ‘may araw ka rin’, ‘ipapalapa kita sa balyena’, ‘ihahagis kita sa dagat’, ‘ililibing kita nang buhay’, at kung anu-ano pa. Hindi ko nga alam kung matatawa ba ako o ano. Ganoon na ba talaga kalaki ang galit sa’kin ng biik na ‘yun? Ako na nga ang unang halik niya, nagrereklamo pa siya. At ang suwerte niya dahil siya ang unang halik ko.

Takte. Kabadingan.

Puntahan ko na kaya si Cookie? Suyuin ko na kaya? Kaso baka hindi pa humuhupa ang galit eh. Baka kung saan pa ako masipa. Gaganti ‘yun. Alam kong gaganti ‘yun. Hindi ‘yun magpapatalo. Simula pa naman dati eh ganoon na ‘yun. Ilang taon na ba kaming magkasama nun? Ah. Labing-tatlong taon na pala. At labing-tatlong taon na kaming nag-aaway. Ang sarap niya kasing yamutin. Hindi nagpapatalo. Hindi nauubusan ng pang-ganti.

Mapuntahan na nga. Siguro naman ay hindi na masyadong galit ‘yun. Susuyuin ko na. Tama, susuyuin ko na. Dahil ‘pag nagsumbong pa ito kay Mommy eh baka mawalan pa ako ng baon.

Bukas ang kuwarto niya. Sumilip ako. Nakaupo siya sa sahig. Ano kaya ang ginagawa? Dahan-dahan kong sinilip ‘yung ginagawa niya. Manhid masyado itong biik na ito. Mahina ang pakiramdam eh. Ni hindi nga niya naramdamang papalapit ako.

Nanliit ang mga mata ko noong nakita ko ang hawak niya. Litrato ko ‘yun, ah? Anong ginagawa niya sa litrato ko? Teka… bakit parang…

“Kinukulam mo ba ako, Cookie?” tanong ko.

Napatayo siya. “Calvin!” Kumuha siya ng unan at ibinato sa akin. “Gago ka!”

Pinaghahampas na naman ako. Aba’t nakararami na ito, ah.

“Aray, Cookie!”

Hinawakan ko ang mga kamay niya. Nanlilisik ang mga mata niya. Ewan ko, pero bigla ko siyang niyakap.

“Ano ba, Calvin! Get off!” sigaw niya.

“‘Wag ka nang magalit, please?” bulong ko.

“Bitiwan mo sabi ako!”

“Bati na tayo.”

“Kailan ba tayo nagkabati?” inis niyang sabi. At least hindi na sumisigaw. Magandang senyales.

“Naman, Cookie. Basta bati na tayo, OK?” Dahan-dahan ko siyang inilayo. Nakanguso siya. “O, nagpapa-cute ka na naman.”

“Calvin!” sigaw niya.

“Biro lang. Basta bati na tayo, ha?” sabi ko sabay halik sa pisngi niya at pagkatapos ay kumaripas ako ng takbo.

“Calvin! Patay ka sa’kin!”

Hinabol niya ako. Natatawa ako na ewan. Mukha kaming tanga na naghahabulan sa loob ng bahay.

“I so hate you, Calvin Mendez!” she screamed.

“I so love you, too, Cookie Mendoza.”

“Anong sabi mong taong lobo ka!?”

“Wala. Biro ang tawag doon,” sabi ko.

Oo, tama. Biro lang ‘yun. Para namang totoo. Takte. Kilabutan nga siya.

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Humupa na ang galit ni Cookie. Oo, alam kong hindi na siya galit. ‘Yun ang akala ko. Bigla ba naman akong binato ng bola ng Volleyball noong sinabi kong aalis na ako at pupuntahan ko ‘yung teammate ko. At dahil ayoko nang magwala ulit ‘yun, isinama ko na lang siya at nang matahimik. Alam kong bawal ang babae doon, pero sa hindi ko malaman na dahilan eh nagpupumilit sumama itong biik na ‘to.

MatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon