Part Four: Match Thirty Three

3.6K 106 19
                                    

Match Thirty Three

Cookie’s Court

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Prince Charming!”

“Prince Charming!”

“Prince Charming!”

“Ano ba kayong tatlo!? Tantanan niyo na ako! At ikaw, Bakla, bakit ka nandito!? Layas!” sigaw ko.

“Ouchlaloo ko naman, ang aking beautiful ears!” reklamo ni Jela. “Kailangang nakasigaw, ha, Cookie?”

“Bakit ka ba kasi nandito?”

Umupo ako sa kama. Katatapos ko lang maligo at magbihis. Paglabas ko ng banyo eh biglang naghiyawan sina Mica at Mayet. Tapos biglang kumembot papasok sa room namin si Jela at biglang tumili na parang tanga.

“Nakita namin ‘yun!” kinikilig na sabi ni Mica.

“Oo! Sayang lang at wala kaming dalang camera!” dagdag ni Mayet.

“Mga mahihina! Makukupad! ‘Di tulad ko!” biglang sabi ni Jela. Napatingin kaming tatlo sa kanya.

Iwinagayway niya ‘yung DSLR niya. “Surprise!”

“Jela! Anong ibig sabihin niyan!?” natatarantang tanong ko.

“Oh, see the magic this DSLR brought at neverlaloo mo ‘yang i-attemptlaloo na i-eraselaloo dahil na-save-laloo ko na those sa flash disk,” nakangising sagot ni Jela.

Binigay niya kina Mica at Mayet ang DSLR. Kinakabahan man ako sa laman ng lecheng camerang iyon, sinilip ko pa rin.

“Jela!” reklamo ko. “Sinundan mo kami? Bakit kailangan pang picturan?”

“Of courselaloo, para ma-capturelaloo the momentslaloo!” masiglang sagot niya.

“‘Ny*tang laloo ‘yan, ipapalapa ko sa’yo ‘yan!” sigaw ko.

“Pish tosh,” mataray niyang sabi. “You better be nice to me, Beki, dahil kung hindi, ikakalat ko sa buong Isla ‘yang mga pictureslaloo and of courselaloo, makakarating ‘yan kay Tita Caitlynlaloo at wala na kayong ligtaslaloo ni Calvinlaloo sa magiging weddinglaloo niyo!”

“Ang haba ng sinabi mo,” inis kong sabi.

Wedding? Yuck.

“Hay, ang sarap namang magkaroon ng Prince Charming,” biglang sabi ni Mica. Prince Charming?

“Sinabi mo pa. Ako kaya, kailan darating ang Prince Charming ko?” tanong naman ni Mayet.

Humiga si Jela sa kama ko. “Makukupad kasi kayo! Tingnan niyo ‘ko, nauna pang mag-arrivelaloo ‘yung Prince Charming ko ditey sa mundong itetch kaysa sa’kin!”

“Huh? Ikaw? At kailan ka pa nagkaroon ng Prince Charming?” nagtatakang tanong ni Mayet.

“Oo nga, sino ba ‘yang Prince Charming na sinasabi mo? Echos mo lang ‘yan eh,” sang-ayon ni Mica.

“Excuse me? Echos? ‘Di siya echoslaloo, ‘no! He’s alive and kicking!” proud na sabi ni Jela.

“Eh sino nga?” tanong ni Mica.

“Of courselaloo, who elselaloo? Nigel, My Hubby, My Lovelaloo!” masiglang sabi ni Jela. Si Kuya? Yuck.

“Puwede ba, Jela, umayos ka nga,” umiiling na sabi ko. Hindi sila talo ni Kuya. Babae ang hanap ng kapatid ko, utang na loob naman.

“Ikaw ang umayoslaloo, Cookielicious! Nasa harapan mo na ang Prince Charming mo, ayaw mo pang sunggaban!” mataray na sabi ni Jela.

Sunggaban? What a term! “Language, Jela,” I warned. “Kinikilabutan ako sa lengwahe mo.”

MatchedWhere stories live. Discover now