Part One: Cookie's Court (Match Seven)

4.1K 116 8
                                    

Match Seven

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Hindi ko na siya ginising. Five-thirty a. m. na at kailangan nang bumangon dahil seven a. m ang klase. Pero hindi ko na talaga siya ginising. Ewan ko, pero kasi parang ang himbing ng tulog niya and mukhang napuyat kagabi sa pagbabantay sa’kin.

Rewind nga. Naalimpungatan pa yata ako. Binantayan niya ako!? Buong gabi? ‘Di nga? Ang sweet naman… teka, sh*t, ano ba ‘tong iniisip ko? Inalog ko ang ulo ko kasi baka sakaling tulog lang ang mga brain cells ko. Never mind.

Ang lamig. At ang lakas pa ng ulan. Tiningnan ko siya. Stupid guy. Bakit wala siyang kumot? Eh kung magka-pneumonia siya sa lamig? Kinuha ko ang kumot ko at kinumutan siya. Kahit kailan talaga ang idiot niya. Mahimbing ang tulog niya. Teka, may pasok ba? Kinuha ko ang cellphone ko at ite-text ko na dapat si Jela noong mabasa ko ang Student Advisory galing sa Supreme Student Council.

Good Morning, Classmates! Due to the bad weather today (Signal # 2), all classes for all levels from Elementary up to College are suspended. For questions and inquiries, kindly reply to this message. Thank you.

~ Supreme Student Council, Isla Filipinas University

Hindi ko ba gigisingin si Calvin? Baka sumakit ang likod niya dun sa sofa? Eh baka naman ‘pag ginising ko eh ma-bad trip? Baka hindi na makatulog ulit? Eh baka malamig sa sofa? Teka, may unan ba siya? ‘Yung unan lang yata sa sofa.

Teka. Ano ba, Cookie!? Este, Nicole! Bakit ba masyado kang nag-iisip? Tumayo ulit ako ng kama at kinuha ang isang unan ko. Dahan-dahan kong inilagay iyon sa ulo ni Calvin. Ano ba naman ‘yan, mantika matulog. Hindi man lang nagising? Tama, ‘wag ko nang gisingin at baka ma-murder pa ako kapag inistorbo ko ang tulog niya. Bumalik ulit ako sa kama ko at humiga. Antok pa ako, sobra. Parang naglaho ang lahat ng energy ko sa takot kagabi. Ayun, hindi ko namalayang nakatulog ulit ako. Pagkagising ko ulit, wala na siya sa sofa. At teka, bakit nakakumot ako? Kinumutan niya ako? Huh. Weirdo.

Nasaan na kaya ‘yun? Baka bumalik na sa kuwarto niya. Huh, akala ko ba eh hindi niya ako iiwanan? Teka, Cookie, ang taas na ng araw, anong gusto mo, bantayan ka niya hanggang sa magising ka? Saka ang usapan eh hanggang sa makatulog ka lang. Tignan mo nga, binantayan ka hanggang umaga. Teka. Bakit ko kinakausap ang sarili ko!?

Bumangon na ako. Nag-toothbrush, naligo, at nagbihis. Wala namang pasok, pero bakit ang aga ko yatang nagising? Seven-thirty a. m. pa lang. Nag-ayos ako at pumanaog na. May mga naririnig akong boses sa dining room. Malamang gising na siya at parang tumatawa yata si Tita Caitlyn.

“Good Morning, Baby! Did you sleep well?” bati ni Tita habang kumikinang ang mga mata. Bakit na naman kaya?

“Hi, Tita, opo. Sorry late ako bumangon.”

Tiningnan ko si Calvin. Ba’t namumula ang taong lobong iyon?

“Oy, thank you,” sabi ko, sabay kurot sa pisngi niya.

“Aray,” mahinang reklamo niya.

“Anong meron?” nakangiting tanong ni Tita.

“Wala po!” sabay naming sagot ni Calvin.

Tumawa nang malakas si Tita. “Mga kabataan talaga ngayon! Baby, eat ka na. Tumawag nga pala si Naomi at ayaw na sana kitang ibalik, pero malulungkot ‘yung nanay mong ‘yun.”

“OK lang po, Tita. Susunduin po ba ako ni Kuya?”

“Ihahatid kita,” biglang sabi ni Calvin.

“Wow, anong nakain ng mahal kong anak?” sabi ni Tita. Tiningnan siya nang masama ni Calvin.

“Dadaan ako ng school dahil nandoon ang libro ko sa SocSci,” sagot niya. Ay, oo nga pala! Pati yung SocSci ko ay nasa locker! Hindi ko nadala eh may assignment kami doon na ipapasa bukas at nakalimutan ko ‘yun dalhin pauwi kahapon.

MatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon