Part Two: Calvin's Court (Match Fifteen)

3.7K 114 6
                                    

Match Fifteen

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Galit si Cookie sa’kin. Hindi ako nagbibiro. Galit nga siya. Hindi niya ako kinakausap. At hindi rin niya ako pinapansin.

“Ayos lang ‘yan, Pare,” sabi ni Nigel. Nandito kami ngayon sa gym, kasalukuyang nag-eensayo.

Tiningnan ko siya. “Ganoon din naman ang gagawin ko. Naunahan mo lang ako,” dagdag niya.

“Tingin mo, tama ba ‘yung ginawa ko?” tanong ko.

“Ewan, pero sabi ko nga, ganoon din ang gagawin ko. Nagkataong naunahan mo lang ako kaya malas mo lang, sa’yo nagalit ‘yun,” natatawang sabi niya.

Bumuntong-hininga ako at saka umiling.

“‘Wag mo nang intindihin ‘yun, Pare. Huhupa rin ang galit niya. Saka ginawa mo lang naman ‘yun para sa kanya, ‘di ba?” nakangising tanong niya.

Huh. Malamang naman. Para kanino pa nga ba? Tumango ako. Ngumiti nang nakakaloko si Nigel.

“Anong ngiti ‘yan, Pare?” tanong ko.

“Wala. Mauuna na ako, ha, alam mo naman, ‘di ba, kailangan kong gawin ‘yung project ko,” sabi niya.

“Sige, Pare,” sabi ko at umalis na siya.

Biik… anong ginagawa mo ngayon? Kumakain ka na naman ba? Galit ka pa ba?

Takte. Ba’t ko ba iniisip ‘yun? Bahala nga siya. Para sa kanya naman ‘yun eh.

Sampung push-ups.

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Walo. Siyam. Sampu.

Galit ba kaya ‘yun?

Takte.

Curl-ups. Beinte.

“Oy, Captain, sasali ka sa National Team?”

“Mukha ba akong sasali sa National Team?” inis kong tanong kay Vince.

“Oo, Captain. Halata eh,” natatawang sabi niya.

Lumapit sina Neal, Russel at Paolo.

“Bakit mukha kang nalugi, Captain? Talo sa pustahan?” tanong ni Neal.

Takte. Mukha ba akong nakikipagpustahan?

“Galit si Cookie sa kanya kaya ganyan ang hitsura niya,” sabi ni Paolo.

Ewan ko kung anong kangunggungan ang meron at bigla silang tumawa. Parang mga gunggong.

“Sige, tumawa kayo,” banta ko kina Neal at Vince.

Umiling si Russel. “Bakit nagalit na naman sa’yo ‘yun, Captain? Ikaw kasi lagi mong inaasar,” sabi ni Russel.

“Masarap asarin eh,” sagot ko.

“O, inasar mo nga kaya galit sa’yo ngayon?” tanong ni Vince.

“Hindi rin,” sagot ko.

“Eh bakit nga?”

“Hindi siya makakapaglaro ngayong season,” sagot ko.

“Huh? Si Cookie? Eh captain siya ng voleyball team, ‘di ba?” nagtatakang tanong ni Vince.

“Eh ano naman kung captain siya? Kung hindi ba naman kasi siya tatanga-tanga, eh ‘di sana makakapaglaro siya,” inis kong sabi.

“Ano ba kasing nangyari?” tanong ni Russel.

MatchedWhere stories live. Discover now