Part Three: Cookie's Court (Match Twenty Five)

3.1K 102 8
                                    

Match Twenty Five

Cookie’s Court

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Ayoko pang bumangon. Inaantok pa talaga ako. Nakapikit pa nga ako eh. Wala namang pasok ngayon. Tama, wala nga. Saka ang ganda ng pagkakahiga ko rito eh. Pakiramdam ko eh nababalutan ako ng malaki at malambot na blanket. Gustung-gusto ko pa man din ng malamig na atmosphere, pero nababalutan ng mainit na blanket.

Teka. May humihinga. At kailan pa huminga ang blanket? Never mind. Tapos may naaamoy pa akong mabango. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Mabango nga eh. Kaso nakaka-distract. Parang nacu-curious ako kung ano ‘yun.

Bakit nga ba ako nagising? Ah, dahil napanaginipan ko ‘yung taong lobo. Napanaginipan kong nasa itaas daw kami ng puno at nakaupo. Tapos ang likut-likot niya, kaya naman muntikan na kaming mahulog mula sa puno. Eew. Pati ba naman sa panaginip eh may eeksenang bangungot?

Wala. Hindi na ako makatulog. Babangon na lang ako. Pero ang sarap kasi talaga ng pagkakahiga ko eh. Sayang naman. Niyakap ko nang mahigpit ‘yung unan. Iminulat ko nang kaunti ‘yung isang mata ko. Pero…

Agad akong napakurap at napaupo sa kama. “Calvin!”

Napatalon kami nang sabay paalis mula sa kama.

“Nakakagulat ka naman, Cookie” reklamo niya.

“Bakit ka nakayakap!?” sigaw ko. “Ang manyak mo talaga!”

“Guwapo ako, hindi manyak,” antok niyang sabi. “At para sabihin ko sa’yo, Biik, ikaw ang nakayakap sa’kin. Kumakalas na nga ako, hinihigpitan mo naman ‘yung pagkakayakap mo.”

Leche. Nakayakap nga ba talaga ako sa kanya? Hindi ko maalala! Nakakahiya!

Deny it, Nicole, bilis!

“Hindi ako nakayakap sa’yo! Sa unan ako nakayakap.”

“Unan? Kailan pa ako naging unan? Matigas kaya ako,” sagot niya.

Matigas? Matigas!? “Bastos!” sigaw ko.

Kinusot niya ang mga mata niya. “Ano na naman ang bastos doon, Cookie?”

“‘Yung sinabi mo! Gago ka, Calvin, ang aga-aga, ang manyak mo!” inis kong sabi.

“Ano ba’ng bastos sa sinabi ko? ‘Yung matigas? Bastos ba ‘yun? Matigas naman talaga ako eh. Kapain mo nga ang muscles ko. Anong tawag mo diyan, malambot? Utak, Cookie, paganahin,” nakangising sabi niya.

Leche! Umagang-umaga! “‘Kala mo sa utak ko, ‘di gumagana? Gago ka,” asar kong sabi.

“Oo nga pala, gumagana nga pala ‘yang utak mo. Sobrang gumagana nga eh. Kung saan-saan na nakakarating. Nagiging kulay berde na,” nakangising sabi niya.

Berde? Binato ko siya ng unan. “Ang sama mo, Calvin! May araw ka rin sa’kin!”

“Kahit ngayon na. Gawin mo na ang lahat ng gusto mong gawin sa’kin. Panigurado eh kanina ka pa nagpipigil diyan.”

Ano bang gusto kong gawin sa kanya? Meron ba? “Pumapayag ka nang magpabugbog?” tanong ko.

Ngumisi siya. “Magpabugbog sa pagmamahal mo? Dahil mapilit ka, sige, bugbugin mo na’ko ng pagmamahal mo,” nakangising sagot niya.

“Calvin!”

Tumawid ako mula sa kabilang side ng kama at sinipa ko ang binti niya.

“Aray,” reklamo niya habang hinihimas ang binti niya. “Kailangan ba talagang sipa? Puwede namang—”

“Puwede namang ano!?” sigaw ko.

“Puwede naman ‘yung kung ano man ang gusto mong gawin kanina sa’kin habang niyayakap mo ako nang mahigpit,” nakangising sagot niya.

Pinaghahampas ko ‘yung braso niya. “Manyak! Ang manyak-manyak mo talaga!”

“Aray, Cookie, masakit na ‘yan.”

Sinasalo niya ang mga hampas ko hanggang sa nahawakan niya ang mga kamay ko. Nagpumiglas naman ako mula sa pagkakahawak niya. Mukhang tanga kaming parang nagsa-struggle na nagre-wrestling na nakatayo.

“Bitiwan mo nga ako, Calvin!” inis kong sabi.

“Ayoko nga, baka manghampas ka na naman,” sagot niya.

“Ano b—aray!”

Tumama ang binti ko sa kama kaya na-out of balance ako. Napahiga ako sa kama at sa kasamaang palad… napapatong si Calvin sa akin.

Napakurap ako. Ang lapit. Sobrang lapit. Kaunti na lang.

Napakurap ulit ako. May umubo.

“Mukhang nakakaistorbo ako. Sige, ipagpatuloy niyo na ‘yung ginagawa niyo.”

Napalingon kami nang sabay ni Calvin. Si Jela!

“Istorbo,” narinig kong bulong ni Calvin. Mabilis siyang tumayo at hinatak ang kamay ko kaya naman ay automatic akong napatayo.

“Oh, bakit kayo tumayo? Sabi ko naman, ‘di ba, ipagpatuloy niyo na lang ‘yung ginagawa niyo kanina,” nakangising sabi ni Jela.

“Jela!” inis kong sabi. Tiningnan naman siya ni Calvin nang masama.

“Oo na, oo na, lalabas na!” sigaw ni Jela at isinarado na niya ang pintuan.

Nagkatinginan kami ni Calvin.

“Ituloy na natin?” biglang tanong niya habang nakangisi.

“Calvin!”

Binato ko siya ng unan. Tumalikod ako at dali-daling pumasok sa banyo.

“Nag-walk out na naman,” narinig kong bulong niya.

Sumandal ako sa likod ng pintuan ng banyo.

Ang lakas ng pintig ng puso ko…

Ano ba itong nangyayari sa’kin? Para akong nanlalamig na naiinitan. Leche. Kalmado. Kalmado.

Leche. Bumilis at lalong lumakas ang pintig ng puso ko…

Ano ba itong ginawa niya sa’kin habang natutulog ako? Kulam? Barang? Gayuma?  Huh? Gayuma? Ginayuma niya ako?

Patay ka sa akin, Calvin Mendez!

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Dedicated to Yukamaie. I enjoyed reading your comments/ messages. Thank you! :-) ~ Dyosa Maldita

MatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon