Part Two: Calvin's Court (Match Thirteen)

3.5K 110 13
                                    

Match Thirteen

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Dahil natakot daw silang maaway ni Cookie, hindi nila ako pinalaro. Kaya si Paolo na tuloy ang naka-one on one ni Hans. Pasado naman. Malamang. Magagaling kami eh. Mga guwapo pa. Pagkatapos ng isang oras eh nagpaalam na ako sa team. Ibinilin ko na lang kay Paolo ‘yung mga dapat pang gagawin. Baka magwala pa ‘yung isang biik doon sa kotse eh.

Naligo na muna ako bago lumabas. Baka laitin pa niya ako kahit hindi naman ako pinagpawisan dahil nga hindi ako naglaro. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng gym at pinuntahan si Cookie sa kotse. Ang lakas ng tugtog. Dinig ko hanggang dito ‘yung kanta.

Pagpasok ko ng kotse, nakabusangot ‘yung mukha niya.

“Oh, bakit na naman?” tanong ko.

“Ang tagal mo! At sinong nagsabing puwede ka nang maligo?”

“At bakit hindi ako maliligo?” nagtatakang tanong ko.

“Gunggong ka ba? Hindi ka pa fully-recovered!” inis niyang sabi. “Nilalagnat ka pa tapos naligo ka? Idiot!”

“Oy, kota na ako sa panlalait mo, ha.”

“Kota your face. Kapag nagkasakit ka ulit, hindi na kita aalagaan!”

“Eh ‘di ‘wag. Ang arte mo,” sabi ko. Hinampas niya ako. Bakit ang sadista niya?

“I hate you,” sabi niya at umismid. Tinawanan ko nga. Guwapo ako eh, bakit ba?

Hinatid ko siya sa bahay nila at umuwi na rin ako. Hindi pa rin niya ako pinapansin. Tindi ng galit, ‘kala mo naman ang laki ng kasalanan ko. Bahala nga siya. High blood masyado eh.

Pagpasok ko ng bahay ay sinalubong ako ng sermon ng nanay ko. Mukhang nagsumbong ‘yung sumbungerang biik.

“Ang tigas talaga ng ulo mo!” inis na sabi ni Mommy.

“Magaling na ako. OA niyo,” sabi ko habang kumukuha ng tubig sa fridge.

“Hoy, Abnormal, pasalamat ka nandiyan si Cookie para alagaan ka! Naku! Kung hindi lang kita anak, ibu-bungee kita doon sa garden!” sigaw ni Mommy. Aping-api talaga ako rito sa dalawang babaeng ito sa buhay ko.

Teka. Dalawang babae sa buhay ko? Bakit napasama si Cookie? Nakakakilabot naman. ‘Di bale na lang.

Umakyat na ako at nagtungo sa kuwarto ko. Baka kung anong parusa pa ang maisipan ng nanay ko. Binuksan ko ‘yung PC. Makapag-Facebook na nga lang.

Facebook? Kabadingan. Oo nga eh. Pambihira naman kasi. Gagong Neal at Vince ‘yun, na-blackmail ako sa paggawa ng account. Para raw sa mga babaeng fans. Kapag nalaman ni Cookie ito, tiyak, aasarin ako ng biik na ‘yun.

Bakit nga ba ako magpe-Facebook ngayon? Ah, oo nga pala. May titingnan ako. Ayun. Nakita ko rin sa wakas.

Bakit hindi naka-private itong profile niya? Kung may mag-espiya sa kanya? Engot talaga ng biik na ‘yun. Pero kung sabagay, sino naman ang magkakainteres doon? Nakakapanayo naman ng balahibo.

Sinuri ko ang profile niya. Bakit ang dami niyang kaibigang lalaki? At ano naman ito? Bakit puro matatamis ‘yung mga sinasabi nila kay Cookie? Nakakapanayo nga ng balahibo, takte.

Eh kung i-add ko kaya siya? Teka, baka hindi niya tanggapin. I-block pa ako. Tapos aasarin pa ako. Pero… bahala na.

Iniwan ko muna ang PC at binuksan ang TV. Nakakabagot. Iidlip na dapat ako noong may tumunog.

One Notification.

Nicole Mendoza accepted your friend request.

MatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon