Part Two: Calvin's Court (Match Fourteen)

3.7K 119 11
                                    

Match Fourteen

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Nakakabagot ang mga nakaraang araw. Boring. Walang thrill.

“Move, move!” sigaw ko.

“Naman, Captain, break time muna,” reklamo ni Vince.

“Dagdagan ko kaya ‘yang parusa mo? Late ka na nga, may gana ka pang magreklamo,” sabi ko sa kanya.

“Eh, Captain, kanina pa kami tumatakbo rito,” reklamo naman ni Neal.

“Isa ka pa. Saan ba kayo galing, ha?” tanong ko. Gago ‘tong dalawang ‘to. Late na nga, nagrereklamo pa.

“Eh ‘di ba nga, pinaiwan ako ng prof ko? May hindi raw kasi ako nakuhang quiz,” paliwanag ni Vince.

“Eh ikaw, bakit ka late?” tanong ko kay Neal.

“May humarang at naghabol na babae sa kanya,” medyo natatawang sabi ni Russel.

“Gago, hindi dahil doon!” sigaw ni Neal sa kanya. “Ikaw nga ‘tong laging late kahahabol mo sa jowa mong model!”

“Ang kulit, wala na nga kami eh,” inis na sabi ni Russel.

“Iniwan ka?” pang-aasar ni Vince.

“Hindi. Ako ang nakipaghiwalay,” sagot ni Russel.

“Ikaw na, Dude!” sigaw ni Vince.

Ang gulo nila. “Hoy! Itigil niyo na nga ‘yan! Move, move!” utos ko.

“Oo na, oo na!” sigaw nila.

“Captain, naipasa ko na sa admin ‘yung requirements.”

Nilingon ko ang nagsalita. Si Paolo. Nagpasa kasi siya ng requirements ng team para sa upcoming inter-school game naming kaya ngayon lang siya dumating.

“Ayos naman daw ba? Walang kulang?” tanong ko.

“Wala, Captain. Kumpleto lahat,” sagot niya. “Paano nga pala ‘yung bakante? Sinong papalit kay Miggs?”

Oo nga pala. “Nakausap mo na ba siya?” tanong ko.

“Oo. Hindi raw siya puwede sa ngayon,” sagot niya.

“Bakit daw?”

Nagkibit-balikat si Paolo. “May pinagkakaabalahan.”

Ngumisi ako. “Babae?”

“Ano pa nga ba?” inis niyang sabi.

“Selos ka?” nakangising tanong ko.

“Mga tanong mo, Captain, nakakabobo,” sagot niya sabay alis papuntang shower room para magpalit ng damit.

‘Yan na nga ba ang sinasabi ko kapag may buhay pag-ibig. Magulo. Buti pa ako wala ako nun. Tama nang maraming babaeng nagkakandarapa sa akin. Eh sa guwapo ako eh.

“Takte, aray!”

May nagbato sa akin ng bola ng basketball. Malilintikan sa akin kung sino man ‘yun! Paglingon ko, lumapit siya sa akin. Takte. Ba’t nandito ‘to!?

“Ihatid mo ako pauwi mamaya,” sabi niya. Ang ganda pa ng bati. Binato na nga ako, may gana pang magpahatid? Kung hindi lang talaga ito babae eh.

“Ayoko, busy ako,” sagot ko.

“So? Pakialam ko kung busy ka? Basta ihatid mo ako,” mataray niyang sabi.

“Eh ayoko eh. May magagawa ka ba?” sagot ko naman.

MatchedWhere stories live. Discover now