Extra Chapter: Behind the scene part 3.

8.8K 205 36
                                    

Hello? Na-miss nyo ba ang extra chapter na ‘to? Well, muli kong isisiwalat ang mga behind the scene na hindi ko nagawang ikwento sa inyo.. Hindi kasi ako mahilig sa mga “fillers”, kaya bawat chapters ay may koneksyon sa iba pa. At salamat sa extra chapters na ito, dahil malalaman nyo na ang iba pang mga pangyayari sa kwento na nasa utak ko lang namamalagi! :3

Sisimulan ko muna ito sa mga “Nasa likod ng mga iniisip ni Rain” nung mga panahong nagpapanggap siya habang kausap ang kaniyang mga kaibigan.

Chapter 2: Sino ang tunay na Zenon? O.o

June 18, CS242. Araw ng hwebes at ito ang araw nung naging transfer student si Rain sa ilalim ng pangalang Luke Ainsgate. Labis na nagulat sila Melisa, David at Krystine matapos makilala ang bago nilang kaklase, dahil kamukha ito ni Rain. Ngunit nitong nakaraang araw lang ay nalaman na nila ang tunay na “Rain”, na inakala nilang si Zazan.

Kinatanghalian, Lunch break. Sa mga oras na ito ay alam nila David at Melisa na kasama na nang kanilang mga kaibigan ang “Rain” na tinutukoy ni Mark sa text nito kagabi sa kanila (which is si Zazan), kaya hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nila ipinapaalam sa mga ito ang bagong transfer sa kanilang section. Malaki din kasi ang pagkakamukha nito kay Rain at sa ngayon ay ka-edad nila ito, kaya malaki ang posibilidad na ito ang tunay na Rain na kanilang kaibigan.

Sa ngayon ay sinundan nilang tatlo itong si Luke at habang sinusundan nila ito ay bigla na lang itong nawala sa kanilang paningin nung bigla itong lumiko.

“Nasaan na siya?!” Tanong ni David.

Pero laking gulat nila ng may marinig silang isang boses sa kanilang likuran.

“Bakit nyo ako sinusundan?” Sambit ni Rain.

Mabilis namang napalingon ang tatlo at sa pagkakataong ito ay mabilis nagpalusot si David.

“Hindi! Hindi! Hindi ka naman na’min sinusundan eh!” Natatarantang pagkakasambit ni David.

 

“Talaga lang ha!?” Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

“Hindi ba kanina pa na’tin siya sinusundan?” Tanong naman ni Krystine.

 

“Whoa! Mukhang hindi pa rin nagbabago si Krystine ah!” Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

Halos lumuwa ang mga mata nila David at Melisa sa labis na pagkagulat at sa pagkakataong ito ay wala na silang maisip na sasabihin kay Luke. At dahil wala ng maisip na pagpapalusot si David ay hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa at derekta na nga niya itong tinanong.

 

“Sino ka ba talaga? Ikaw ba ang kaibigan na’ming si Rain?” Tanong ni David.

 

“*Umm! Oo! Ako nga si Rain Esfalls! At kung gusto mo ay tawagin mo pa akong Zenon Reign Icarus!” Sambit muli ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon