Chapter 59: BATTLE

1.9K 84 40
                                    



Chapter 59: BATTLE

"Thank you po, Mayor."

Wala akong ibang masabi. Para akong aninong nakasunod sakanya habang napapalibutan kami ng apat niyang bodyguard. Laki pa lang ng katawan nila, wala na akong masabi. Iba talaga kapag alam mong mayaman, e. Iba talaga kapag pulitika. Ngayon lang ako namulat sa ganito. Ngayon ko lang nalaman na talagang iba ang ikot ng buhay ng mga taong nasa ibabaw.

"Remember what we have discussed, Miss Mendoza. One wrong move and everyone will suffer."

Tumango agad ako. Huminto siya at tinignan ako. Agad akong nanlamig dahil doon. Kaunti na lang, makakalabas na siya nang gate. "Yes sir."

"Good." At agad na siyang lumabas ng gate. Sumunod ako sa likuran niya para makita siyang papunta na sa sasakyan nang mapahinto kami nang makita na nasa labas sina Jaerim at Telle. Nakita 'ko ang pagkagulat nila.

"Tito –"

"Save it, Jaerim. I'm running late." Tinignan niya ako saglit kaya napatitig ako sa kanya. "I'll go ahead."

"Sige po." At wala siyang atubiling pumasok sa sasakyan niya. Agad na nagsitakbuhan ang mga bodyguards sa loob ng sasakyan niya at sa isa pang sasakyan. Napanganga lang si Jaerim at Telle nang makita nilang unti-unti nang umandar ang sasakyan.

"What the fuck was that!" Jaerim hissed.

Wala akong ibang nagawa kundi tignan siya at hindi ako makasagot. One wrong move, Grace. One wrong move at lahat sila'y madadamay. Hindi 'ko dapat pangunahan ang ama ni Anthony.

Napatikhim ako dahil alam 'kong nakaimon silang dalawa ni Telle. "Jaerim, doon tayo sa loob."

"Grace, anong ginawa niya sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Telle.

"Wala." Umiling ako. "Nasan na sila? Nasan na 'yung iba? Para masabi 'ko na dapat 'kong masabi."

"Pasunod na sila," sagot sa'kin ni Jaerim. Kitang kita 'ko sa mga mukha niya ang concern niya sa'kin kaya naman napangiti ako nang kaunti. Lumapit siya sa'kin at nagulat ako nang yakapin niya ako. Nakita 'ko ang pagkabigla ni Telle at ang pagsinghal nito na para bang pagod na din. "Are you okay?"

"Oo naman," mahina 'kong sagot.

"May ginawa ba siya sa'yo?" mahinaa 'rin niyang tanong.

I heaved a sigh sa'ka 'ko dinikit ang ulo 'ko sa dibdib niya. "Pagod na ako, Jaerim."

"I understand. Babalik dito si –"

"Hindi," sagot 'ko. Agad akong humiwalay sakanya. "Wag mo munang sabihin kay Brent, please. Mag-aalala lang 'yun, eh. Wag na muna please."

"Kailangan niyang malaman," sagot nito at agad naman akong umiling.

"Hayaan mo muna siya sa pamilya niya. Bukas naman magkikita kami nun dahil may pasok kami."

Kumunot ang noo niya at magsasalita pa sana nang sumingit si Telle. "Kailangan malaman 'to ni Brent agad, Grace. Kaya kung ako sa'yo sabihin mo agad sakanya. May karapatan siyang malaman 'to kasi alam naman namin na tungkol sainyong dalawa 'yung issue nung tatay ni Anthony."

"She's right," singit ni Jaerim. "It's about the three of you. He deserves to know every bit of what happened after he left."

"Sabi 'ko naman kasi wag ka nang sumabay diyan kay Brent. Kung sa'min ka sumabay edi sana hindi ka na napuntahan ni tanda." Umirap sa'kin si Telle at wala akong ibang nagawa kundi matawa kahit pa ramdam 'ko ang lamig sa mga palad 'ko.

"Tara na sa loob," sagot 'ko na lang sa'ka naman sila agad sumunod sa'kin.

Naupo lang kaming tatlo ni Jaerim at Telle sa sofa habang hinihintay ang iba. Meron pang pasok bukas, kinakabahan ako. Hindi 'ko alam kung ano ang mangyayari habang hinihintay namin si Anthony. Kailangan 'ko lang magtiwala sa tatay niya.

"They're here," ani Jaerim kaya naman napatingin ako sakanya. Tumayo siya para buksan ang gate habang si Telle naman ay nakatulog na sa sofa.

Narinig ko pa ang ilang batian at asaran bago magsalita si Jaerim at manahimik muli. Kinabahan ako dahil doon kaya tumayo na ako para malaman kung ano ang pinag-uusapan nila.

Dumungaw ako sa pinto at nakita sila Janine, Liam, at Lenny.

"He just came here," ani Jaerim kay Liam.

"What?" Hindi makapaniwalang sagot ni Frey.

"Wait," singit 'ko dahilan para mapatingin sila sa'kin. "Okay naman 'yung usap namin, eh –"

"Bakit wala si Brent? I mean, paano nalaman ni Uncle ang bahay mo? Hindi naman 'yun basta basta nakikipagkita dahil busy 'yun," katwiran ni Liam kaya lahat kami napatingin sakanya.

"He's right," sagot ni Jaerim. "He's a busy person. Kaya nagtataka ako kung paano ka niya napuntahan. Ano ba talagang sinabi niya sa'yo?"

Napasinghal ako agad. "Uuwi daw si Anthony after five days." Nakita 'ko ang gulat sa mga mata nila dahil pare-parehas naming alam na dalawang Linggo ang pag-stay niya sa US. "Meron daw siyang binabalak para mahuli kaming dalawa ni Brent. Hindi 'ko alam pero kampi sa'min ni Brent ang daddy ni Anthony. Kaya maluwag ang loob 'ko kahit nandito siya kanina. Babaliktarin natin ang sitwasyon. Kung iseset-up man kami ni Anthony, iseset-up din natin siya."

Napanganga sila sa sinabi 'ko. "What the fuck?"

"Seryoso ako." Tinignan 'ko sa mata si Liam. "Kailangan namin ng tulong niyo. Hindi 'ko alam kung anong mararamdaman ni Anthony kapag nakita niya na mababaliktad ang sitwasyon. Masasaktan 'yun, panigurado."

"Si Uncle nagsabi sa'yo niyan?" Kumunot ang noo ni Jaerim. "That's fucked up, really. Hindi ako makapaniwala. Huhulihin kayo ni Anthony?" Nagkatinginan sila ni Liam kaya kinabahan ako.

"Bakit? Uy ano yan?" kabadong tanong 'ko.

Napalunok si Jaerim at tinignan naman ako ni Liam. "May pagkabayolente si Anthony kaya kung sakali man na hindi ka kinausap ni Uncle, baka...makapatay 'yun. Tang ina talaga nun ni Anthony. Hindi pa'rin nagbabago, puta."

"Grabe naman," komento ni Lenny. "Pero at least diba kakampi niyo si Mayor. For sure mananalo naman kayo eh."

"Mananalo ka nga sa isang laban pero makakasakit ka naman," ani 'ko.

"Yung sasaktan mo naman, walang kwenta eh." Inirapan pa ako ni Janine. "Tara na nga sa loob at pagplanuhan na natin kung anong gagawin pagbalik niya."

"Tama," singit ni Lenny. "Kailangan natin ng plano na para bang kayo ang mahuhuli niya kahit siya naman talaga ang biktima."

"Oh fuck, this is exciting. It's been a while since I last held a gun." Ngisi ni Liam.

Hindi 'ko alam kung anong mararamdaman 'ko pero sa kabila ng lahat, si Brent na lang ang inisip 'ko. Wala na akong pake kung meron man akong masaktan. Gusto 'ko nang maging masaya, gusto 'ko nang kumawala kay Anthony.

This battle will be worth it.


>> next update: last chapter (chapter 60)




Hanggang Kailan? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon