Chapter 9: TUNA

5.8K 97 10
                                    

Chapter 9: TUNA

Napahalakhak siya sa sinabi ‘ko. Nakakainis. Anong nakakatawa? Bakit ‘yung itsura niya, hindi siya makapaniwala sa sinabi ‘ko?

“I’m your kind of game? Really, Scar?”

Napatikhim ako nang marinig ‘ko nanaman ang pangalan na ayokong naririnig.

“Hindi ba pwede?”

Mas lalo siyang napatawa kaya nainis lang ako lalo. Alam ‘ko naman na hindi ‘ko siya agad maabot pero bakit ganyan siya? Bakit feeling niya hindi ‘ko kayang gawin ‘yung ginagawa niya?

“You can’t play a game, you know.”

“Why not?”

Ngumisi siya sa’kin kaya naman kinilabutan lang ako lalo.

“It takes a stone heart to play a game, Scar.”

Umupo siya sa kama at kinuha ang mga papeles na gagamitin niya o  namin para sa meeting mamaya. Ano bang problema ni Brent? Hindi ‘’ko maintindihan kung bakit o paano na lang siya naging isang ganap na player. It takes a stone heart to play a game? Ibig sabihin niya, he has a stone heart dahil nakakapaglaro siya ng feelings ng ibang tao?

Ano ba talagang gustniyang iparating sa’kin? Na mahina ako? Na hindi ‘ko kayang makipaglaro? At makipagsabayan sakanya?

“Ano bang gusto mong sabihin, Brent?”

Tinignan niya ako. “Sir!”

“Fine! Edi Sir.”

“You’re so fervent and melodramatic kaya –“

I cut him off. “You don’t know me.”

Sige lang Grace! Patatagin mo ang loob mo. Push and pull theory gaya nga ng sabi ni Anne. Pero hindi ‘ko alam kung kaya ‘ko ba talaga kasi hindi naman ako ganito eh. Gaya nga ng sabi niya, I’m fervent. I can easily show my sentiments.

“I know girls like you.”

Umiling ako. “I’m not like them.”

“You like me just like how they like me. Anong pinagkaiba mo sakanila?”

Tinignan niya ako. Yan nanaman siya! ‘Yung mata niya, ‘yung titig niyang nakakatakot...nakakabaliw. Hindi ‘ko alam kung paano ako magsasalita. Naka-ilang lunok ako pero nanunuyot na agad ang lalamunan ‘ko. Wala akong masabi. Ganun ba? Ganun nga siguro ang tingin niya sa mga babaeng naghahabol sakanya.

“I don’t like you, Brent.” ‘coz I love you.

Napangisi siya. “Prove it, then.”

How can I prove him that I don’t like him?

“Then let me play your game.”

Siguro kapag nakipaglaro ako sakanya. Kapag nagpagamit ako sakanya, at hindi ako umarteng mahal ‘ko na siya or naging clingy, baka magustuhan niya ako.

Humalakhak siya na para bang inis na inis na siya. Gusto ‘kong mamula nang lumapit siya sa’kin. Napahakbang ako palayo.

“Damn it. I love playing with girls’ hearts. But...I don’t freaking play with weak hearts.”

Napasandal ako sa pintuan ng cr namin.

“I don’t have a weak heart.”

“You do. Isa ka sa mga may mahihinang puso. Pinagsigawan mo nang gusto mo ako, na mahal mo ako.” Natahimik ako. “Masasaktan ka. Paglalaruan kita...Tapos magsasawa ako sa’yo. Kapag nahulog ka, my best friend will be there to catch you.”

Hanggang Kailan? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon