Chapter 45: Part II

4.1K 102 82
                                    

A/N: Sa weekend ‘ko po sasagutin lahat ng messages and comments. Siningit ‘ko lang ito sa mga paperworks ‘ko. Salamat sa mga feedbacks.

Team ScarSky parin?

Chapter 45: Part 2

“Happy birthday!”

Nagtawanan at napasigaw kaming mga babae nang may kung anong sumabog at parang may confetti’ng nahulog sa’kin. Napangiti ako nang maramdaman ‘ko ang pagkayap sa’kin ni Anthony. Just what I thought. Akala ‘ko marami siyang iimbitahan pero kami kami lang ‘rin pala. At hindi ‘ko mapigilang hindi matuwa dahil dito.

Hindi ‘ko kailangan nang maraming bisita dahil sa buong buhay ‘ko si Janine at Telle lang naman ang naging kaibigan ‘ko. Tapos dumagdag na ‘rin si Lenny kaya naman nakakatuwa. At syempre, meron pang ibang blessings tulad nang pagiging malapit ‘ko sa barkada ni Anthony.

“Happy birthday,” bulong niya sa’kin sa’ka binigay sa harapan ‘ko ang isang box na hawak hawak niya. Napatingin ako sa paligid at lahat sila’y nakangiti saming dalawa.

Napatingin ako sakanya at unti unting tinanggap ang maliit na box na parang sobrang mahal nito dahil may lock pa sa labas. May iikutin lang ako para mabuksan ito. “Para sa’kin?”

Tumango siya. “For you, only for you.”

Hinawakan niya ang sa bewang ‘ko. Unti unti ‘kong inikot ang lock sa labas at nang bumukas na ito ay napanganga ako. Isa itong diamond necklace na mayroong mga bulaklak na nakapaligid dito. Sobrang nagniningning siya at wala akong masabi kaya naman ngumiti na lang sa’kin si Anthony at kinuha ito mula sa box.

“Let me do the honor,” aniya sabay haplos sa leeg ‘ko para hawiin ang buhok ‘ko. Nilagay niya ito sa’kin mula sa likod ‘ko. Nang marinig ‘kong na-lock na niya ay hinawakan ‘ko ang diamond pendant.

“Thank you,” ani ‘ko kaya naman nang yakapin niya ako ay niyakap ‘ko ‘rin siya pabalik. Hindi ‘ko alam kung bakit parang ang lamig lamig parin kahit na niyayakap niya ako. Gusto ‘kong umiyak kay Anthony dahil alam ‘kong mali ito. Pero gusto ‘ko na siya. At kahit pa hindi ‘ko pa siya natutununang mahalin, gusto ‘kong maging sakanya na. Gusto ‘kong sakanya na ako.

Nang ramdam ‘kong bibitaw na siya ay hinigpitan ‘ko ang yakap ‘ko sakanya at bumulong. “I’m your girl.”

Naramdaman ‘ko ang pagkabigla niya sa bulong ‘ko. Hindi ‘ko alam kung ano ang itsura niya. Hindi ‘ko alam kung anong mararamdaman ‘ko pero pinili ‘ko na lang na maging masaya sa desisyon ‘ko. Ito na ang chance na binibigay ‘ko sakanya. Alam ‘kong mali dahil hindi ‘ko pa siya mahal pero kailangan ‘ko na ‘to. It may seem selfish pero ngayon lang ako magiging selfish. Ngayon ‘ko lang iisipin ang sarili ‘ko at alam ‘kong makakalimutan ‘ko na ang kaunting nararamdaman ‘ko para kay Brent. I can do this with Anthony. Kaya ‘ko kung kasama ‘ko siya.

“What?” tanong niya.

“I like you,” ani ‘ko dahil totoo naman ‘to. Gusto ‘ko na si Anthony. Gusto ‘ko na siya pero hindi ‘ko alam kung gaano ‘ko siya kagusto. Wala akong mabibitawang salita kung itong pagkakagusto ‘ko sakanya ay magiging dahilan nang unti unti ‘kong pagkakahulog.

Niyakap lang niya ako nang mahigpit. “Thank you, baby...”

Napangiti na lang ako nang marinig ‘ko ang sigawan nang barkada niya’t barkada ‘ko. Napatawa na lang ako sa nang humiwalay siya sa’kin at halikan ako sa pisngi. Hindi ‘ko alam kung anong mararamdaman ‘ko. I’m doing the right thing. Pero bakit parang mali ito. Geez, tama na Grace. Wag mo nang isipin kung anong tama o mali. Kahit ano namang gawin mo, laging mali eh. Kung hahabulin mo si Brent, mali. Kung magiging kayo naman ni Anthony, mali parin. Screw it, Grace.

Hanggang Kailan? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon