Chapter 31: ACT

5.2K 100 35
                                    


Chapter 31: ACT

"Buo na ba ang desisyon mo?" tanong sa'kin ni Janine habang nagma-make up ako. Oo, nagma-make up ako habang nakatitig sa mukha 'ko. Nilagyan 'ko ito ng lipstick na pulang pula. Naglagay ako ng itim na eyeshadow at nagdamit ng itim.

Ganito ako kagalit sa mundo. Para akong papatay.

"Oo naman," sagot 'ko habang tinataas ang kilay 'ko sa salamin. Kaya 'ko kayang magtaray? Para matarayan 'ko naman si Aryan na nakaka-inis.

"Ang fierce ng itsura mo. Nakatali pa lahat ng buhok mo. Nakapusod... Tapos walang bangs... Tapos 'yung make-up mo, para kang maghihiganti. Ano 'yan? Babangon ako't dudurugin kita?"

Napangisi naman ako sa sinabi niya. Hindi naman pala masama ang itsura 'ko. Mukha naman pala akong fierce kahit papaano.

Hindi ako masama o magiging masama. Gusto 'ko lang i-try once in a while ang ganito. 'Yung tipong mag-aayos ako at merong heels ang sapatos 'ko.

"Aarte ako na parang walang nangyari," ani 'ko kay Janine habang naglalagay ng pearl na earrings mula sakanya.

Hindi pa'rin kami okay ni Telle. Ni hindi nga siya lumalabas sa kwarto nila. Doon pa siya nag-breakfast. Pero ayos lang, naiintindihan 'ko. At nasa proseso na ako ng pag-momove on kaya hindi naman malayong hindi 'ko na siya maka-usap.

"That's my girl. The best way to move on is to get over pain."

Tumango ako kahit pa ramdam 'ko pa'rin ang sakit sa mga nangyari.

"Hindi ako magbabago. Mag-aayos lang ako. Ako pa'rin ito, si Grace. Ang makulit niyang secretary. Aarte ako na para bang hindi ako nasaktan. Yes... I will get over it."

Ngumiti si Janine at inakbayan ako. "Finally! Natauhan ka na girl. Dapat pusong bato ha? Stone heart... Stone ha? It means, kahit anong gawin niya, hindi ka matutunaw."

Tumango ako kahit pa hindi ako sigurado. Ito na unang araw ng pagmo-move on 'ko at tatanawin 'kong utang na loob sa sarili 'ko kapag hindi nagharumentado ang sistema 'ko kapag nakikita 'ko siya.

Please lang...

Ayoko nang mabaliw sakanya. May gamot pa ba dito? Baliw na baliw na ako sakanya at hindi 'ko alam kung magagamot pa ba ito.

"Tara na."

Susunduin ako ni Brent. Tinext niya ako kaninang madaling araw. Hindi 'ko alam kung ba't gising pa siya samantalang napaka lakas ng ulan kagabi. Hindi 'ko nga alam kung ano bang nangyari sa party ng ate't kuya niya.

Kasi nga diba, simula ngayon, wala na akong pake sakanya.

Pero syempre, kahit pa sabihin 'ko 'yun... Imposible! Imposibleng lumipas ang isang araw na wala akong pake sakanya. Kasi ako 'to 'eh. Ako 'to. Si Grace. Ang babaeng patay na patay sakanya. Magagawa 'ko ba siyang kalimutan ng ganun ganun lang? Hindi.

"Thanks Janine. Nandiyan na siya."

Nakita 'kong nakapark na sa harapan ng bahay ni Janine ang sasakyan niyang nabubuksan ang roof. Habang nakikita 'ko iyon ay unti unti nanamang bumibilis ang tibok ng puso 'ko kaya naman pinilit 'kong maging okay.

"I hope you'd be stony-hearted," paalala niya. "You're already on the process of moving on. Help yourself get over him."

Tumango ako kahit pa ang sakit sakit ng dibdib 'ko. Bumigat nanaman ang pakiramdam 'ko dahil alam 'kong nasa labas na siya. "Oo. Salamat."

"Ingat," paalala niya.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa gate dahil kinakabahan talaga ako. Para akong sinusunog dahil pinagpapawisan ako. Pinunasan 'ko naman ito agad ng panyo para hindi niya mahalata ito.

Hanggang Kailan? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon