Chapter 43: SHIT

4.4K 95 65
                                    

A/N: Went to a party yesterday. Sorry for not updating. Nag-unwind lang. Belated happy 4th of July to my Filipino but American citizens readers ;-) Hintayin maging completed bago basahin kung natatagalan sa UD, okay? Busy ‘rin ako, promise.

Chapter 43: SHIT

Nagmamadali akong umuwi sa bahay kinabukasan dahil sa tinatawagan na ako nila Lenny at Janine dahil kay Telle. Hindi ‘ko alam kung anong nangyari dahil ang sinabi lang sa’kin ay umuwi siyang umiiyak at ayaw naman daw niyang magsalita.

“Anong nangyari?” tanong ‘ko sakanila nang buksan ni Lenny ang pinto habang nasa likod nito si Janine.

Kitang kita ‘ko sa mga mukha nila ang pagkabahala at pag-aalala. Bigla naman akong kinabahan dahil hindi naman ganun si Telle. I mean, hindi naman siya umiiyak. Minsan ‘ko lang siya nakitang umiyak at isang beses lang ‘yun.

“Hindi namin alam,” ani Lenny sa’ka kami pumasok sa bahay.

“Pero tingin ‘ko dahil dun sa boyfriend niya.”

Tumango ako kay Janine sa’ka umakyat. Binagsak ‘ko na lang kung saan ang bag ‘ko dahil gusto ‘kong makita kung ano nang nangyari kay Telle. Bago ako kumatok ay nagkatinginan muna kaming tatlo dahil alam naman naming bukas.

“Telle…” mahinang bulong ‘ko nang buksan naming tatlo ang pinto.

Nasa kama lang siya at nakahiga. Hindi ‘ko alam ang itsura niya dahil nakatakip siya ng unan. Pero alam ‘kong humihikbi siya dahil gumagalaw ang balikat niya na para bang batang umiiyak.

Huminga ako nang malalim sa’ka umupo sa kama at pintong ang kamay sa balikat niya. “Telle, anong nangyari?”

Hindi siya sumagot at unti-unti ‘kong tinanggal ang unan. Nakaramdam ako nang gulat nang makita talaga siyang umiiyak. Ito ang pangalawang beses at parang bagong bago ako na meron palang kakayahang umiyak ito.

Niyakap lang niya ang unan’t pumikit. Tuloy tuloy ang luha niya kaya naman biglang lumabas sa utak ‘ko ang imahe ‘ko noong ako naman ang umiiyak kay Brent. Ang kina-ibahan lang, tahimik lang si Telle na humihikbi. At nasasaktan ako. Nararamdaman ‘ko nanaman ang sakit na naramdaman ‘ko kay Brent. Pakiramdam ‘ko, ako ang nasa kalagayan ni Telle dahil kitang kita ‘ko sa mga mata niya lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon.

“Telle…” bulong ‘ko sa’ka ‘ko inayos ang buhok niya paalis sa mukhang niyang basang basa na nang luha. “Anong nangyari?”

Umiling iling siya at sakit na sakit na nagsalita at umiyak. “Niloko niya ako…”

Napasinghap kaming tatlo sa narinig namin mula sakanya. Para kaming paulit-ulit na sinaksak dahil sa sinabi niya. Hindi kami makapaniwala. Nakaramdam ako ng galit. Galit doon sa lalaki dahil niloko niya si Telle. At awa. Awa dahil sa itsura ni Telle ngayon. Hindi ‘ko alam kung anong sasabihin ‘ko kaya si Janine na lang ang narinig ‘ko.

“Ano? Niloko ka niya?” pasinghal na tanong nito kay Telle. Ramdam na ramdam ‘ko ‘rin ang galit niya kaya naman napakunot ang noo ‘ko sa inis. “Sabi ‘ko na nga ba’t merong something fishy doon sa lalaking ‘yun ‘eh.” Napatango na lang si Lenny at gulat pa’rin katulad ‘ko. Hindi ako makapaniwala na naloko si Telle. Si Telle pa? “Gago ‘yun.”

Hindi na ako nakapagsalita at pinabayaan na lang siyang umiyak. At dahil doon, nararamdaman ‘ko ang nararamdaman niya. Hirap na hirap ‘kong hinaplos ang likod niya. Si Janine at Lenny, hindi alam ang gagawin. Nasa likod ‘ko lang sila t nagkakatinginan.

Niloko siya nung boyfriend niya. At naiinis ako. Sobrang naiinis ako. Hanggang sa maalala ‘ko ang nangyari noon kay Telle at Brent. Bigla ‘ko na lang na-realize na kung ako man ang nasa position ni Telle noon… Gagawin ‘ko rin ang ginawa niya. Sisigawan ‘ko ‘rin si Brent at oo, naiinis ako dahil nagawa ‘ko siyang awayin noon kahit pa hindi ‘ko alam ang sitwasyon niya.

Hanggang Kailan? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon