Chapter 28: TOTOO

5.3K 114 36
                                    


Chapter 28: TOTOO

"We're going to that club tomorrow evening," aniya kaya naman napalunok na lang ako. Pinapunta niya pa ako sa loob ng opisina niya para lang dito? Hindi 'ko naman siya masisisi dahil alam 'ko sa sarili 'kong gusto 'kong maramdaman ang presensya niya.

We. Are. Going. To. That. Club. Tomorrow. Evening.

Kahit pa may bahid ng sakit sa puso 'ko, hindi 'ko mapigilang hindi makaramdam ng init sa katawan 'ko dahil sakanya. Parang namumula ang pisngi 'ko dahil ito na ata ang pinaka mahabang sinalita niya sa loob ng iilang araw na naging cold siya masyado sa'kin. At natutuwa talaga ako.

Maayos na siya. Mukhang may nilagay siya sa sugat niya ah. Lumpias na 'rin kasi ang ilang araw at Friday na ngayon.

Hindi 'ko namang masasabing okay na ako dahil alam 'kong hindi. Hindi pa'rin ako maka move on kahit pa pinepeste lang ako araw-araw ni Anthony. Isa pa, bumalik na ang trato 'ko kay Brent kaso malamig pa'rin siya sa'kin.

Tina-try 'ko ang lahat para naman bumalik kami kahit papaano sa dati, pero syempre hindi naman mangyayari 'yun kung wala siyang partisipasyon sa gagawin 'ko.

Mas madami kasing maka-move on kapag alam mong okay na kayo nung taong gusto mo. Closure kumbaga.

"Talaga Brent? Isasama mo ako?" sinubukan 'kong mag-tunog excited kahit pa kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya.

Agad siyang napasulyap sa'kin saglit sa'ka tumikhim. "Sir Brent."

"Ikaw naman," halos pabulong 'kong saad dahil gusto 'kong maging casual kaming dalawa.

"I need you there as my secretary. We'll be going there for my ate Nicole and kuya Bryan." Napasimangot naman ako. Pa-ate ate pa, pero kung makapuri parang girlfriend niya. Tsk! Sabagay, wala naman akong karapatan mainis dahil hindi na niya ako girlfriend pero ba't ganun?

Wala namang ginagawang masama si Miss Nicole, naiinis na ako sakanya. Grabe talaga Scarlett! Magbago ka na nga, hindi pwede 'yan. Isipin mo naman kung ikaw ang nasa kalagayan ni Miss Nicole diba? May nagagalit sa'yo ng walang dahilan?

Huminga nalang ako ng malalim. Tama, kailangan 'kong maging mabait. Hindi pwedeng mag-isip ng masama. Tumango nalang ako kay Brent. "Okay Brent."

Tinignan niya ako ng masama. "Sir Brent," giit niya.

Ngumiti na lang ako sakanya kaya naman halos pasinghal siyang nagsalita ng matalim. "Get out."

"Okay," ani 'ko para mas lalo siyang mainis. Sinarado 'ko ang pinto niya't nagpasalamat sa Diyos na kahit papaano ay hindi ako mag breakdown sa harapan niya.

Mamaya kasi bigla na lang akong mabaliw, mamatay pa ako!

Umiling na lang ako nang maka-upo sa swivel chair 'ko. Napatingin ako sa may pinto. I almost glared at it. Naiinis kasi ako kay Brent. Hanggang ngayon naalala 'ko pa 'rin ang ginawa ni Anthony kaya dala-dala 'ko ang kabadtripan na iyon. Halos hindi pa ako pinatulog nung unggoy na 'yun! Nakaka-inis! Paulit-ulit sa utak 'ko ang sinabi niya noong nakaraan kaming magkita.

Isa pa, hindi 'ko nakikita si Aryan at Lucas, nasaan kaya sila?

Hay, bakit 'ko ba hinahanap?

Nag-focus na lang ako sa harapan ng computer 'ko para ayusin ang schedule ni Brent at ang mga kailangan 'ko pang gawin. May report pa kasi next week kaya sigurado ako na puro nanaman trabaho. Magkukusang loob na nga lang ako na gumawa ng papeles ukol sa report ni Brent.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng papeles ay narinig 'ko ang isang mahinang katok sa opisina 'ko. Agad akong napatingin rito't hinintay ang dadating. Halos malaglag ang panga 'ko.

Hanggang Kailan? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon