Chapter 8: KISS

6.2K 100 17
                                    

Chapter 8: Kiss

"Wow, thank you for stating the obvious, Brent. Salamat dahil nasaktan mo nanaman ako."

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para lang masabi sakanya yun. Napatakip agad ako ng labi dahil doon. Hindi ko alam pero parang natakot ako na baka mas lalo lang niya akong i-hate o ka-ayawan dahil lang sa sinabi ko. 

Pero wala akong magagawa.. Yun talaga ang nararamdaman ko. Medyo nasaktan... No! Nasaktan ako sa sinabi niya pero hindi ko alam kung paano ko i-eexpress yung sakit na yun dahil matagal ko na siyang nararamdaman. 

"Ikaw lang ang kilala kong babae na walang pake kung siya ang masaktan. Tapos sinabi mo pa talaga sakin. Hindi ka ba natatakot na mag-mukhang tanga?" 

Nagulat ako sa tanong niya. Akala ko kung ano nanaman sasabihin niya sakin. Saka ko na-realize, oo nga.. Tama nga siya. Meron kasing iba na hindi na nila pinahahalata na nasasaktan sila dahil ayaw nilang mag-mukhang tanga sa paningin ng iba.

"Hindi ko kayang i-deny na hindi ako nasasaktan," sabi ko. "Kasi nasasaktan naman talaga ako."

Nakatingin ako sakanya habang siya, nakatingin lang sa daan. Napatikhim nanaman siya sa sinabi ko. For sure, sasabihin nanaman niya na hindi ko alam ang iniisip ko. Pero alam ko. Alam na alam. Kilala ko naman kahit papaano yung sarili ko. Kahit pa isip bata ako at hindi matalino tulad niya, marunong parin naman ako makiramdam. 

"The principle is simple, Scar. If you don't want to get hurt, then don't fall."

Napa-buntong hininga nalang ako sa sinabi niya. May point siya pero hindi naman yun yun eh. Hindi ko choice mahulog sakanya. 

Kung choice man ang love, edi sana marami nang pumili na mahalin yung taong nagmamahal sakanila. Hindi yung taong mahal nga nila pero sinasaktan naman sila. 

"Oo na, oo na. Edi hindi na kita mahal."

Tinignan niya ako saglit kaya napatingin rin ako sakanya. Agad naman niyang ibinalik ang tingin sa daan. Hmp! Ayaw ako tignan!? Joke lang! Mahal ko parin siya no. Sasabihin ko nalang ulit sakanya mamaya.

"Good."

"HA!" I pointed my finger on his face. "You thought I'm done loving you?! NOOOO!"

Napatikhim siya nang sabihin ko yun. Ayan nanaman.. Feeling ko magagalit nanaman 'to dahil sa sigaw ko eh! Totoo naman kasi talaga yung sinasabi ko sakanya! Hindi pa ko tapos mahalin siya..

He just scowlded at me pero nginitian ko lang siya ng sobrang tamis. Wala talaga akong pake sa sasabihin ng ibang tao. Masaya ako sa ginagawa ko eh. I mean, whatever... Ako naman ang masasaktan at hindi sila diba?

Nakatulog ako ng saglit. Medyo mababaw ang pagkakatulog ko dahil naramdaman ko ang pagtigil ng makina ng sasakyan ni Brent.

"You're awake, aren't you? Hey..."

Kahit pa gising ako, hindi ko parin siya pinansin. Gusto ko pilitin niya muna ako! Ipakita niya sakin na gusto niyang magising ako... Hmp! Pagkatapos niyang ipamukha sakin na wala akong pag-asa sakanya.. Gigisingin niya lang ako agad agad?

"Hoy. Alam ko ang tulog sa nagtutulog-tulugan."

Sinabi ko bang hindi niya alam? Nagtatampo parin ako kahit ano pang sabihin niya no. Ayaw niyang tanggapin ang undying love ko para sakanya eh. Sino ba namang hindi maiinis dun?! 

"SCAR!"

Ang lakas ng sigaw niya saka ko naramdaman ang pagtapik niya sa balikat ko. 

"Bahala ka nga diyan! Aalis na ako!" 

Hanggang Kailan? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon